Kabanata 24

115 15 151
                                    

Nevan Adler Dela Silva


Happy reading 🥛


"Thank you so much for this Gray. Hindi ko pa napapasalamatan si Treyden kasi palagi siyang kausap ni Iñigo. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala kayong dalawa." Si Martina habang nakatingin sa malaking buwan.


Nasa pool kaming lahat ngayon. Masaya namang naliligo si Archer kasama si Damien at Maxence na kadarating lang din.


Bukod sa amin, wala na silang inimbitahan pang iba.


"Kuya Remus and Alastair will be here." Dagdag niya pa.


I chuckled. "Sayang wala si Sunny. She really like Kuya Remus."


Martina massage her nape. "Masasaktan ba siya kapag tinuloy niya? Sorry ah, hindi ko kasi nakakausap si Kuya Remus kaya hindi ko alam 'yung ugali niya." Mahina niyang tawa.


Isinandal ko ang katawan at tumingin kila Treyden na seryoso pa ring nag-uusap hanggang ngayon.


Kanina pa sila ganyan, pagkadating na pagkadating namin nag-usap na sila agad. Kung hindi pa dumating sila Damien, hindi pa kami matatapos sa pag-aayos nitong lahat.


"Hindi ako sigurado kung anong mangyayari sa kanila. Basta kung saan masaya si Sunny, doon ako."


Martina tapped my shoulder. "You're really a blessing to us Gray."


I smile genuinely. "Please don't say that." Iwas ko ng tingin sa kanya.


Mahina pa itong tumawa bago maglakad palayo. "Kukunin ko na si Archer, malamig na." Paalam niya bago tumakbo papalapit sa pool.


"Mommy more, more. Archer wants more." Rinig kong sabi ni Archer sa Ina.


"More pa raw Martina. 'Wag ka naman madamot, sa amin muna si Archer." Sabat ni Maxence na kaagad na hinampas ni Damien.


"But he's cold. Baka magkasakit siya. Pag ayan magkasakit dahil sa kaka-more niyong dalawa."


Nagkatitigan sina Archer at Maxence matapos sabihin iyon ni Martina. Maya-maya pa.


"Bye bye tito. I don't want mommy to be mad. I love water but I love mommy more." Si Archer na ikinatili ni Maxence. Sumipol naman kaagad si Iñigo.


"Turo ko 'yan." Sigaw ni Iñigo na ikinailing ko.


"He will definitely make girls cry." Gulo ni Maxence sa buhok ni Archer. Mabuti naman at parang hindi naintindihan ni Archer and sinabi niya.


I saw Martina sigh before walking near Iñigo. Pansin ko rin na may ibinulong siya sa asawa. Tumango naman si Iñigo bago kargahin si Archer.


"Iaakyat na namin 'tong mga anak namin Matutulog na sila. Bababa rin ako." Sabi niya bago maglakad papasok sa bahay. Nagpaalam na rin si Martina bago kunin si Isla sa pagkakahiga sa crib niya.


Nang makaalis ang apat, umahon na rin sa wakas ang dalawa at lumapit sa inuupuan ni Treyden.


"Are you okay, dre?" Tanong ni Maxence kay Treyden.


Huminga ako nang malalim bago maglakad papalapit sa kanila. "Are you going to change?" I asked while pointing the clothes.


Damien nod. "Yeah. Bababa rin kami agad." He answered before walking away. Ganoon din si Maxence na tahimik lang na nakasunod kay Damien.


Vault in Heaven (Classic Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon