Kabanata 25

94 13 202
                                    

Anxious


Happy reading 🥛


Nagising ako dahil sa ingay ni Maxence sa ibaba. Ni hindi ko namalayang wala na si Treyden sa tabi ko, paniguradong kanina pa 'yun nakababa. Mabilis akong nag-ayos pagkatapos ay tahimik akong lumabas ng kwarto.


"Wowww!" Rinig kong mahabang sabi ni Archer. "This is really pretty,Tito Maxence. Isla will love this." Rinig kong sabi ni Archer gamit ang matinis niyang boses habang hawak-hawak ang malaking libro na regalo yata ni Maxence.


Libro para kay Isla? This man is so idiot.


Martina instantly smiled after seeing me, I smile back.


"Coffee?" Martina asked.


I smile and was about to open my mouth to answer when Treyden immediately said.


"Hot milk, Martina. He's not actually drinking coffee."


Malakas na sumipol si Iñigo dahilan ng paglingon ko sa kanya.


"Wowww," kaparehas ni Archer, mahaba rin ang pagkakasabi niya sa salita, hindi ko maiwasang hindi matawa. "Dictionary ka na pala ngayon ni Gray." Dagdag niya pa na nagpailing sa akin.


Kung wala lang dito ang mga bata baka kanina ko pa siya nasakal.


"What are you talking about, Iñigo? Martina, tinitipid mo ba 'to sa pagmamahal? Parang kinulang sa aruga eh." Sabat ni Maxence na ikinatawa naming lahat maliban kay Archer na kumakain na ng tinapay ngayon.


Ipinilig ko na lang ang ulo ko bago lumapit kay Damien na karga-karga ngayon si Isla.


"Ang ganda ng mata niya." Damien calmly said while staring at Isla.


I chuckled. "Mabuti na lang nagmana kay Martina—"


"Be more honest, Gray." Akbay sa akin ni Iñigo bago iyon ibulong.


I took a deep breath before shifting my gaze to him. "Lumayo-layo ka nga muna sa akin, baka makalimutan kong asawa ka ng kaibigan ko." Mahina kong tulak sa dibdib niya.


Damien laugh. "Don't mind him, Gray. Ganyan talaga ang epekto kapag nag-aasawa ka na. Kaya ayokong mag-asawa eh." He explained.


Maya-maya pa, isang malakas na paghinga ang inilabas ni Iñigo animo'y nag-iisip. Nakahawak ang isa niyang daliri sa may pisngi bago sabihing, "At least, I'm the happiest. Trust me, being with someone you really love, is different. Waking up in the morning with her face as your sun. Being whipped all the time. The feeling that I felt for her the first time is still here." He smirked.


"When you're in love. You will be different. And that's the reason why I keep choosing her every day." Seryoso niyang tingin sa akin bago maglakad palayo.


"He really serve no purpose in this planet." Damien whispered.


Sabay na nanlaki ang mata namin ni Damien matapos ngumiti ni Isla.


"Oh no, she's so cute." Halik ni Damien sa pisngi ni Isla.


"Gray, here is your milk. Damien kumain ka muna, akin na muna si Isla—"


"Martina look, she just smiled. It seems like, I think she likes me." Pagmamayabang ni Damien.


Maxence clap his hand. "Martina look, Archer just memorized all the planet. He's a genius like me. Can I just have him?" Tanong ni Maxence habang nakatingin kay Damien na nakangiti pa rin ngayon kay Isla.


Vault in Heaven (Classic Series #2)Where stories live. Discover now