Kabanata 26

92 15 127
                                    

Home


Happy reading 🥛


"Thank you so much talaga sa pagpunta ninyong apat. Sana sa susunod ulit, sa birthday ni Archer." Martina smile. Nasa may gate na kaming lahat ngayon.


It's already 5:00 in the afternoon at may lakad pa sila Damien at Maxence, kaya naman sasabay na lang din kami sa pag-uwi.


"Oo naman pupunta kami. Ano bang gusto mo Archer? Sabihin mo lang, malakas ka sa 'kin." Kurot ni Maxence sa pisngi ni Archer na karga-karga ngayon ni Iñigo.


Archer giggled.


"Mag-iingat kayo sa biyahe. Ganoon din kayo Treyden, ikaw na bahala kay Gray." Iñigo winked making me sigh.


He's really pissing me off. Pero hindi ko maitatanggi na kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Hindi ko inaasahan na siya pa ang makakaalam. Hindi ko rin inaasahan na mabilis niya kaming matatanggap.


At least, he didn't judge us.


"Bye bye na Isla. Tito Damien will miss you." Halik ni Damien sa pisngi ni Isla na karga-karga naman ni Martina.


Mahinang napadaing si Damien matapos siyang itulak nang mahina ni Maxence para siya naman ang makahalik.


"Bye baby Isla. Alagaan mo si Archer para sa akin." Halik niya sa pisngi kung saan humalik si Damien.


Damien rolled his eyes. Iisang kotse lang ang sasakyan nilang dalawa dahil may proyekto silang magkasama. Kaya walang ibang pag-pipilian si Damien kung hindi ang sumama kay Maxence.


Naaawa na ako kay Damien. Kahit ako, hindi ko rin kayang tagalan si Maxence. Kaya hindi ko alam kung papaano siya natitiis ni Kuya Remus.


"Please take care of yourself too, Martina. 'Wag kang magpakapagod masyado." Treyden spoke.


Matina smiled. "I will, kayo rin, ingat kayo."


Hindi ko naman sila pinansin at naglakad na lang papalapit kay Archer na kaagad na ngumiti.


"Don't make your baby sister cry, be a good boy." Haplos ko sa pisngi niya.


He nodded. "Yes po. I promise to look after her and mommy."


Iñigo sigh. "How about daddy?"


Naguguluhang tumingin si Archer sa Ama. "You're a grown man now papa." Kurot ni Archer sa pisngi ni Iñigo na ikinagulat ko.


They're too cute.


"Baka ma-traffic pa kami. Aalis na kami. Sa susunod na lang ulit." Pagpapaalam ni Treyden.


Iñigo smirked. "Yeah, umalis na kayo. Bilis."


"Tara na nga, mukhang magiging ninong na naman ako eh—"


Kaagad na sinampal ni Damien si Maxence dahil sa biglaan nitong pagsasalita.


Inis namang pumasok si Damien sa kotse nila. Maxence laugh before walking. "Ang sakit." Tawa niya habang nakahawak ang kamay sa pisngi. Kumaway pa ito sa amin bago pumasok sa kotse nila at mabilis na pinaadar iyon palayo.


Hindi nagtagal at nagpaalam na rin kaming dalawa ni Treyden hanggang sa makapasok na kami sa kotse.


"Kanina ka pa yata tahimik. May problema ba?" I asked while putting my seatbelt.


Vault in Heaven (Classic Series #2)Where stories live. Discover now