Chapter 4 - Enemy Camp

4.6K 257 28
                                    

She should be sleeping but Jillian can’t. At kahit sino naman yatang nasa sitwasyon niya ay hindi makakakain at makakatulog nang maayos. Limang araw na niyang nasa kabundukan, sa kuta ng mga rebelde. Nang unang araw na dukutin siya ng mga ito ay ilang oras sila halos naglakad sa kabundukan bago narating ang kweba kung saan niya inabutan ang ibang miyembro ng rebeldeng grupo. Doon na rin niya inalis ang bala at nilapatan ng paunang lunas ang mga sugatan. Pero nagkamali siya nang akala na makakauwi na siya pagkatapos noon.

Ayon sa mga rebelde ay kailangan pa ng mga ito ang serbisyo niya lalo na’t hindi pa naman talaga masasabing ligtas na ang leader ng mga ito. Sa sikmura ito tinamaan at hindi niya alam kung gaano karaming dugo na ang nawala rito. Sinabi niyang mahihirapan siyang masigurado kung magiging maayos ito at walang magiging komplikasyon dahil limitado naman ang magagawa niya dahil wala sila sa ospital. But the rebels insisted she stay with them just to be sure.

Matapos na secure ang sugat ng leader ng grupo ay umalis na rin sila sa kwebang iyon. Maghapon silang naglakad at nagpapahinga lang saglit. Pero dahil maraming sugatan ay mabagal ang progress nila. Pupunta daw sila sa kuta ng isa pang rebelde pero may kalayuan iyon sa kanila. May pinaunang tatlong lalaki para ipaalam sa grupo ni Ka Tonyo na papunta sila doon. Makalipas lang ang isang araw ay may panibagong grubo ng mga rebelde ang dumating para salubungin sila at pasanin ang mga sugatang kasamahan na nagpapabagal sa paglalakbay nila sa bundok. Nagmamadali ang mga ito dahil hindi raw ligtas na manatili sila roon dahil lumalakas na ang pwersa ng break-away group na naka-engkwentro ng mga ito.

So now, she’s still in the middle of the jungle, laying on top of bed made out of bamboo inside a nipa hut, while thinking of her patients that she knew are worried about her, too.

Hindi niya maiwasan makaramdam ng panibugho sa tuwing kailangan niyang tingnan at bigyan ng gamot ang mga sugatang rebelde. Bukod sa meeting sa mayor ay may naka-schedule siyang bibisitahin na mga pasyente nang araw na dukutin siya, isang may throat cancer at isang may cerebral palsy. Bukod doon ay may mga buntis siyang pasyente na anumang oras ay pwedeng manganak. But here she is caring for able-bodied, strong men who got wounded because of their own undoing. These rebels choose this life and she’s being dragged to care for them while the real victims, her patients, who have no choice but to fight for the life that’s slowly slipping away, were left without proper medical care. Her patient deserves her time and energy and not these insurgents.

And she can’t help but be angry at the rebels and in her situation. And now, she’s questioning why the rescue she anticipated on the first day of her abduction is still not here. She doesn’t want to lose hope, but she’s slowly losing the battle. Kung alam lang niya na hindi siya marerescue nang unang araw ay tumakas na sana siya noong nasa kabundukan pa lang sila at hindi pa nakakarating sa kuta ng mga rebelde kung nasaan siya ngayon.

But Jillian knew deep inside that there is no way she can escape. Hindi siya hinihiwalayan ni Sandra, ang babaeng kasama ng mga dukumot sa kanya sa center. Jillian still got her reservations with her but she is also grateful for Sandra’s constant presence. Hindi iilang beses na sinubukan siyang ma-corner ni Buknoy, isa sa mga rebeldeng dinatnan nila sa kuta ni Ka Tonyo. At ayaw isipin ni Jillian ang pwedeng mangyari sa kanya oras na magkaroon ng pagkakataon ang lalaki na nasolo siya. Alam din niyang hindi lang si Buknoy ang dapat niyang katakutan dahil maging ang ilan sa mga lalaking laging kasama nito ay parang hinuhubaran siya kung makatingin.

Sa pag-oobserba niya ay mukang may mataas na ranggo si Sandra dahil pinangingilagan ito ng ibang rebelde at pinakikinggan nina Ka Berting at Ka Tonyo ang opiniyon nito. At kung may mataas na katungkulan man si Sandra sa samahan ay hindi niya iyon ipagtataka. Matapang si Sandra. Saski siya roon at ito mismo ang nagligtas sa kanya nang minsang pasukin siya ni Buknoy sa kubo nang inakala nitong nag-iisa lang siya roon. Bago pa siya mahawakan ni Buknoy ay walang pag-aalinlangang pinaputukan ni Sandra ang lalaki. Pinahanging ang bala sa tenga nito at sinabing isang maling kilos at sa bungo nito tatama ang kasunod na bala. Humangos ang lahat ng rebelde sa kubo nila. At nang malaman ni Ka Tonyo ang ginawa ni Buknoy ay humingi ito ng dispensa. 

Pero kahit gano’n ay hindi pa rin tumitigil si Buknoy nang pagpapakita na may pagnanasa ito sa kanya sa bawat pagkakataon na nagkakaroon ito. Naroong ilabas nito ang dila, kagatin ang labi o kaya ay kindatan siya. And Jillian felt nauseous every time. Nakahinga lang siya ngayon dahil kaninang umaga ay nakita pa niya ang pag-alis ng mga ito sa kuta. Ayon kay Sandra ay inutusan daw ni Ka Tonyo. Kung ano ay hindi na niya inalam pa. Masaya na siya na mawala ito sa paningin niya kahit saglit.

Alam niyang nakasunod ang mga mata nito sa bawat galaw niya. Kumukuha lang ng tamang tiyempo para masilo siya, lalo na’t mayroon pang naiwan sa grupo nina Buknoy na alam niyang binabantayan din siya. Escaping on her own would do more harm than good. At kahit may mga oras na pinanghihinaan ng loob ay pilit niyang iniisip na hindi siya pababayaan ng ama. Alam niyang gumagawa na ito ng paraan para mailigtas siya. She just needs to be calm and brave. For her and for her patients that’s surely praying for her safety and awaiting her return.

Tumingin si Jillian sa relong suot. Base sa luminous hands noon ay pasado alas dose na ng madaling araw. Kung kanina ay may nauuliginan pa siyang nagkukuwentuhan sa labas ng kubo, ngayon ay tahimik na tahimik na ang paligid. Kahit alam niyang malambong mangyaring makatulog siya ay ipinikit ni Jillian ang mga mata.

But she opened her eyes abruptly when she heard a thud. Jillian is sure she heard a low whimper, but the blinding darkness made it impossible to see what is really happening. She tried listening but she can’t hear anything. The silence in the dead of night is deafening. Even the crickets stopped their chirping, as if they, too, are afraid of what’s about to happen. But even if she can hear nothing, Jillian is sure someone is inside the nipa hut aside from her and Sandra.

Bigla ang pagsalakay ng kaba sa dibdib ni Jillian. Paano kung nakabalik na pala sina Buknoy at sinamantala ang kaalaman nilang wala ang mga ito sa kuta?

Naupo si Jillian. Kinuha niya ang surgical scissor at scalpel sa ilalim ng unan at mahigpit iyong hinawakan habang nakaumang sa harapan. Dahan-dahan siyang umaatras papunta sa gilid ng higaan hanggang sa bumunggo ang likod niya sa kawayang dingding.

Never in her life Jillian thought of killing a person. It is her duty to save life, but she won’t hesitate to kill, or be killed, than to be molested.

Her entire body suddenly recoiled when the scissor and scalpel was taken from her hand unceremoniously, and not a second later, soft fabric covered her mouth.

She’s about to kick and thrash when she heard someone whispered, “Ranger Arellano and I’m here to rescue you, Ma’am. Do not make a sound or we’ll be dead in a matter of minutes.”

Jillian’s adrenaline-filled mind focused on the first word he uttered – Ranger. Nothing else registered after that word. Jillian reached out. Her right hand connected with his chest rig while her left landed on his tactical gloves. Jillian’s body relaxed as relief flood her system.

Her father surely sent him.

He loosened his grip but his hand remained on her mouth. Jill squinted but she still cannot make out the face of her rescuer.

“Please relax and stay calm. I’ll remove my hand now and I trust you won’t make any unnecessary sound.”

Jillian nodded. She heaves a sigh of relief when his hand finally freed her mouth. Kailangan nga nilang maging maingat. Ang kubong tinitigilan niya ay halos nasa gitna ng kampo. Kung paanong nakarating ang mga ito sa kubo kung nasaan siya nang walang nakadetect na mga rebelde ay isang accomplishment na.

“Hindi ka ba nila sinaktan, Ma’am? Makakalakad o makakatakbo ka ba kung kinakailangan?” pabulong na tanong nito.

Jillian’s lips parted a little. That voice! She will never forget his voice!

MISSION 1: Saving YouWhere stories live. Discover now