Chapter 24 - Guns and Roses

3.2K 197 16
                                    

“Woah! You’re a quick study, Jillian,” ani Gab na nakatingin sa paper target na tinira niya kanina. Touching group shots na malapit sa bull’s-eye ang tama.

A bitter smile curved Jillian’s lip. She remembered somebody said that same phrase to her not so long time ago. 

Pagkatapos nang nangyari kahapon ay naglagi siya sa kwarto ng ilang minuto. Inilabas lang niya lahat ng hinanakit at sama ng loob. Nang kontrolado na niya ang emosyon ay naghilamos siya. She applied make up to mask her sullen face. Bumalik siya sa center at sinigudarong maayos ang pinaanak at ang sanggol. Matapos makapagbilin kay Madel ay saka siya lumabas ng center, sinenyasan si Arnaiz at ito ulit ang pinag-drive niya pabalik ng Tagbilaran habang nakasunod sa kanila ang KM450 truck kung saan lulan si Jason at ang ibang sundalo.

Habang nasa biyahe ay tumawag na rin siya sa resort at nagpa-reserve ng ibang kwarto. And she spent almost half of the night awake with tears on her eyes.

And she’s both glad and hurt that Jason is keeping his distance.

“I am capable of doing more than what most people assumed I can do,” mapait na salita ni Jillian.

Para itago ang mukha ay tumalikod na lang siya at kinuha ang mga steel target na nauna na niyang tinira kanina. She placed it farther than the previous position.  They are still mastering her accuracy on shooting. And so far ay nasasabi niyang accurate naman ang mga tira niya.

“Few more months at pwede ka nang sumali sa mga shooting tournaments. You have great form and innate talent. Must be with the genes. You are a Sullivan, after all,” ani Gab na tinulungan siyang mag-set-up ng mga targets. They are now setting the paper and steel target at twenty-five-meter distance.

Pagdating nila kanina sa Camp Bernido ay ito ang sumalubong sa kanila. And Jillian asked Gab if his offer to teach her still stand.  Kaya ngayon ay ito ang nagtuturo sa kanya habang si Jason ay nakatanaw lang sa kanila.

“Thank you. Pero wala sa plano ko iyon. Ginagawa ko lang ito para sa sarili ko. Well, aside for the fact that I don’t want people to treat me again as if I am a weakling that can’t protect myself.”

“I’m quite sure nobody think that you are weak, Jill.”

Jillian snorted, “Oh, really? Don’t patronize me, Rosales. Baka makapagrequest ako ng ibang teacher na magtuturo sa akin. Yung hindi ako tatratuhing mangmang.”

“Hey! Hindi kita niloloko, Jillian. Totoong walang tumitingin sa iyo sa ganoon paraan. Not me, not Madera, and definitely not Jason. He thinks highly of you. He speaks highly of you.”

Jillian smirked. “Can we just drop the topic, please. I don’t want to be upset today,” aniya na lumakad na pabalik sa shooting bench.

Bumuntong-hininga si Gabriel na nakasunod sa kanya. “About yesterday. Sorry sa mga nasabi ko. Hindi ko naman kasi alam na kayo pala ni Jason,” bakas ang paghingi ng pasensya sa boses nito.

“You don’t have to be sorry. Hindi ang sinabi mo ang dahilan ng hindi namin magkakaunawaan ni Jason, Gab.”

Which is true. Captain Madera and her had a cordial relationship yesterday. Kaya nga pagdating nila kanina ay hinanap niya ito. Nang makaharap ito ay magpasalamat siya sa pagtuturo nito sa kanya kahapon at humingi na rin nang pasensya dahil nasungitan niya ito nang subukan siyang pigilin kahapon. Which is unfair and uncalled for dahil ginagawa lang naman ni Captian Madera kung ano ang iniutos dito.

“Yung nasabi ko na high school sweetheart niya, wala talaga ‘yon. High school crush lang niya pero naka-get over na si Jason doon. Matagal na. At iyong kay Madera, wala rin iyon. One-sided love iyon kasi si Alex lang ang may gusto kay Jason. Masyadong focus sa military si Jason noong nag-aaral kami. Hindi nagkaroon ng girlfriend iyon.”

MISSION 1: Saving YouWhere stories live. Discover now