Chapter 23 - Fire and Ice

3.2K 192 14
                                    

"You let her leave?!" Pakiwari ni Jason ay lumaki ang ulo niya nang marining ang sinabi ni Alexa. Mahigit tatlong oras silang nasa meeting at paglabas ay si Jillian kaagad ang hinanap niya. Only to learned she left almost two hours ago and headed back to San Isidro.

"I tried to talk her out of it. But she insisted. Sabi ko'y antayin ka pero emergency raw at lahat ng minuto ay mahalaga. May mangangak daw na pasyente at kailangan daw niyang pumunta roon. I sent several SMS to you, to Gab and to General Osorio. Sabi niya'y hindi pwedeng hindi siya umalis kaagad kaya pinasamahan ko kay Arnaiz."

"Shit!" Kumuyom ang mga kamao ni Jason. Masyadong maselan ang pinag-usapan nila kanina kaya naka-silent ang cellphone niya. At nasisigurado niyang ganoon din sina Gab at General Osorio. And knowing Jillian, alam niyang wala talagang magagawa si Alex kapag ginusto nitong umalis. "You could have knocked and interrupted the meeting and told me about it. Ako ang security detail niya kaya dapat na alam ko kung aalis siya."

Jason is torn between worry and anger. Hindi niya mawarian kung ano ang pumasok sa isip ni Jillian at umalis nang hindi siya kasama gayong alam naman nito na nanganganib ang buhay nito.

"Go and follow her. Bring several men with you," ani General Osorio na tulad niya'y magdilim din ang mukha. "You were instructed to keep her company, Madera. Not to let her leave camp."

"But, Sir..."

Bumaling si General Osorio kay Gabriel, "Your mission starts now."

Tumango si Gabriel saka bumaling sa kanya, "Let's go, bok. Let's not waste more time," ani Gabriel. Maging ito ay halata rin na biglang nag-alala.

Tumalikod na kaagad si Jason at humakbang palabas ng building. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at nagdial. Natapos ang ring pero walang sumagot sa kabilang linya. "Fuck! Answer the phone, Jillian!" He tried again but still no answer.

"May number ka ba ni Alex? Kailangan ko ang number ng kasama ni Jillian."

Tumango lang si Gab. Inilabas ang cellphone, nagdial saka iniabot sa kanya, "Si Arnaiz na mismo 'yan. Don't worry, he is capable of protecting Jillian. He's already an officer, one of my trusted men."

Pero hindi iyon nakabawas sa tensiyon ni Jason. She can be with the whole battalion of musang but he won't be pacified until he heard that Jillian is really out of harm's way.

"Hello, Sir," anang lalaking sumagot sa kabilang linya.

"Arnaiz, this is Captain Arellano. Nasaan kayo? Ligtas ba si Jillian?"

"Nasa San Isidro po. Yes, Sir, ligtas si Doctor Sullivan. Pabalik na po sana kami diyan, kaso'y may dalawang lalaking sugatan na dinala dito sa center. Naaksidente raw sa habal-habal. Nilalapatan pa po nang paunang lunas ni Doktora."

Noon lang nagpakawala nang maluwag na paghinga si Jason. "Stay put. Papunta na kami diyan," aniya saka lumulan sa KM450 truck. Aside sa kanila ni Gabriel ay may sumama ring lima pang sundalo.

Ibinalik niya kay Gabriel ang cellphone nito. Siya naman ay muling nagdial sa cellphone. Direkta niyang tinawagan ang hepe ng pulisya ng San Isidro. Nang sumagot ito ay humingi muna siya ng support sa pagposte sa center kung nasaan ngayon si Jillian.

Nang masigurado niyang ligtas na si Jillian ay saka niya tinawagan si BGen Sullivan. At tulad nang inaasahan niya'y pinaghalong galit at pag-aalala din ang naramdaman ng heneral. Napanatag lang ito nang sabihin niyang may kasamang sundalo si Jillian at nakahingi na siya ng support sa pulisya habang wala pa sila sa San Isidro.

Nakuha nila ang karaniwang kulang isang oras na biyahe mula Tagbilaran hanggang San Isidro sa loob lamang ng higit tatlumpong minuto. Katitigil pa lang ng sasakyan ay nakababa na kaagad si Jason sa truck at dire-diretsong pumasok sa center.

MISSION 1: Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon