Chapter 12 - A Real Gem

3.7K 213 9
                                    

Mula sa tinitipang gitara ay napatingin si Jason sa dalaga na nakaupo sa monoblock chair sa loob ng multipurpose hall na nagsisilbi rin ngayong clinic area ng dalaga.  Ang mga gamit nito ay nakapatong sa lamesa na gawa sa kahoy. Ang mga natitirang pasyente ay nakaupo mga monoblocks chair at ang iba ay sa mahabang kahoy na bangko. Sila naman ay nakaupo sa mahabang bangko sa ilalim nang puno nang manga na katapat lang ng hall.

Matagal na rin siyang hindi nakakatugtog ng gitara. Meron siya, pero naiwan sa detachment. Hiniram niya ang gitara sa isang binatilyo na kasama ng isang pasyente. Jason hummed softly as he is strumming the guitar. Ang ilang pasyenteng nag-aantay ay sa kanya nakatingin, maging ang binatilyong hiniriman ng gitara ay pinapanood kung paano niya tipain iyon. 

Kung teknikalidad ang pag-usapan ay hindi siya talaga naka-duty. Considered as on leave siya ngayon, at bilang respeto sa infantry na nakasasakop sa lugar na ito ay hindi siya ang naglelead sa escort. Pero bilang paghahanda ay naka-complete battle gear din siya.

Nasabi na ng sundalo kanina na para sa kaligtasan nila ay kailangan nilang makababa bago mag alas kwatro ng hapon. Iilan na lang naman ang pasyente kaya tingin ni Jason ay kakayanin nila ang oras na nasabi ng sundalo. He continued strumming the guitar while still observing her.

Hindi napigilan ni Jason ang mapangiti. Sa ilang araw na kasama niya ang dalaga ay marami siyang natutuklasan tungkol dito. Jillian is such a contradiction. She can be soft and timid, but say the wrong words that could trigger her and the tamed cat would suddenly turn into a lioness. Kung may konsolasyon man siya sa pamamalagi rito ay ang makilala mismo ang dalaga.

Her beauty is not just skin deep. At hindi lang siya ang nakakakita kung gaano kabusilak ang puso ng dalaga. Maging ang mga taga-Bohol ay halatang makita rin ang kabutihan sa puso ni Jillian. Kita na kaagad niya iyon pagdating pa lang nila kanina dito sa Sitio. Nagkakaipon na ang mga tao roon na halatang naging masaya nang matanawan sila. Lahat ay nakabati kaagad kay Jillian, na sinuklian nito nang kasing init na pagbati at matamis na ngiti. Her patients range from all ages. May mga bata, matatanda, buntis, pati mga sanggol.  Hindi pa man lang halos nakakapahinga sa mahigit isang oras na paglalakad ay nag-umpisa na kaagad sa konsultasyon ang dalaga.

“Magaling pala kayong maggitara, Sir,” ani Madel na naupo sa tabi niya. Tapos na ito at ang kasamang BHW sa pamimigay ng pampurga sa mga bata. Naupo rin sa tabi nito ang nurse na kasama nila, na sa pagkakatanda niya ay Althea ang pangalan. Sa dalawa ay si Madel ang mas kapalagayan niya ng loob. Ilang beses na niya itong nakakwentuhan habang nakabantay kay Jillian sa RHU, habang si Althea nakakapalitan lang niya ang tango at ngiti bilang pagbati. Napansin niyang may pagkaseryoso ito kung ikukupara kay Madel na masayahin at mabiro.

 “Salamat,” nakangiting sagot ni Jason.

“Marami pala kayong talent, Sir. Nakita ko kanina na tinuturuan niyo rin yung mga bata kung paano magbasketball.”

Nagkibit-balikat si Jason, “Ilang buwan kaming walang uwian sa pamilya at may mga oras na wala kaming ginagawa kaya kung ano-anong talent talaga ang nadidiskubre namin.”

“Gaano katagal, Sir, bago ka makauwi sa pamilya mo?”

“That’s a tricky question. Dapat ay three months duty, two weeks off. Pero madalas na hindi nasusunod lalo na kung may mission order. At hindi rin naman pwedeng iwan ang kampo na kakaunti ang sundalo.”

“Ay, two weeks lang po pala kayong magbabakasyon dito, kung gano’n? Ang hirap naman po ng set-up niyo ni Dok,” lukot ang mukhang sagot ni Madel.

Napatawa si Jason. Hindi niya alam kung may ideya ba ang mga ito kung ano talaga ang ginagawa niya ngayon dito sa Bohol, pero napapansin niya ang madalas na panunukso ng mga ito kay Jillian, na madalas ay tinatawanan lang ng dalaga. Oo nga’t nagkakausap sila ni Madel nitong mga nakaraang araw, pero ito ang unang pagkakataon na direkta itong nagpahaging na may relasyon sila ni Jillian.

MISSION 1: Saving YouWhere stories live. Discover now