Chapter 27 - Rival

3.2K 172 12
                                    

"Jillian, honey!"

Napamaang si Jillian nang makita ang lalaking palapit sa kaniya. Palabas na sila ng airport nang marinig na may tumatawag sa pangalan niya. "Brix? What are you doing here? And how did you even know that I am arriving?" salubong ang kilay na tanong niya.

"Tumawag sa akin si Tito Art. Hindi ka raw niya masusundo kaya tinanong niya kung available ako," nakangiting sagot nito. "Where is your bag?"

Imbes na sumagot ay humalukipkip siya. Sinilip niya ang orasan sa bisig, "And how about your clinic? Wala ka bang scheduled operation o iniwang pasyente?"

"Oh, that. I have no scheduled operation and I referred my patients to another doctor. I said I have something important to do today," Brix smiled at her charmingly.

Nanliit ang mga mata ni Jillian, "This is not that important, Brix. Mas importante ang mga pasyente mo."

"You are important to me, Jillian. I want to see you. I missed you," Brix eyes told her he really does misses her. "Don't you miss me too, honey?"

Ang pagtikhim ng lalaki sa tabi niya ang nakapigil sa isasagot sana ni Jillian. Nang lingunin niya si Jason ay blanko ang mukha nito habang nakatingin kay Brix.

"Is this your bag?" ani Brix na nakatingin sa bag niya na dala ni Jason. "Thank you, mister. Pwede mo nang iwan sa akin si Jillian. I will take it from here." Sinubukan nitong kunin ang bag kay Jason pero mahigpit iyong hawak ng lalaki.

"I'm sorry, Sir, pero may utos akong dapat sundin. Ako ang maghahatid kay Doctor Sullivan sa bahay nila. Hindi ko siya pwedeng iwan sa ibang tao, lalo na sa hindi ko kakilala."

"Kilala ako ni Jillian at alam niyang mabuting tao ako. Ang sabi sa akin ni Tito Art ay ihahatid mo lang daw si Jillian sa kanila at uuwi ka na, so I am relieving you of that order. Ako na ang bahalang maghatid kay Jillian sa bahay nila." Kinuha ni Brix ang wallet sa bulsa ng slacks nito, "Magpapakilala ako para hindi ka masyadong mag-alala." Inilabas ni Brix ang lisensya at ihinarap kay Jason, "I am Doctor Brix Agustin Apolonio, Cardiologist."

"Kung si BGen Sullivan mismo ang magsasabi sa akin na relieved na ako sa order ay susundin ko. But until then, ang standing order ay ihatid ko si Doctor Sullivan sa bahay nila. At iyon ang gagawin ko, Doctor Brix Agustin Apolonio, Cardiologist." Jason gave him a smug smile.

Nagsalubong ang kilay ni Brix pero si Jillian ay napatawa.

"Sino ka ba? Nag-aasar ka ba?" ani Brix na humakbang palapit kay Jason.

"Captain Jason Realonda Arellano, Company Commander, 14th Scout Ranger Company - Mabalasik, First Scout Ranger Regiment, Philippine Army." His smug smile remained on his lips.

Jillian bit her lip to keep herself from laughing. And she almost lost it when she saw the annoyance on Brix's face.

"Wala akong pakialam kahit kapitan ka pa. I just want to let you know na ako na ang bahalang maghatid kay Jillian. Makakauwi ka na."

"At wala rin akong pakialam kahit cardiologist ka. Gusto ko lang ipaalala na ako ang naatasang maghatid sa kanya. Makakabalik ka na sa clinic mo."

Muling humakbang palapit si Brix kay Jason pero humarang na si Jillian, "I can't go with you, Brix. Dapat ay nasa clinic ka at inuuna ang mga pasyente mo. Had I known na tapos na ang clinic hours mo, samama ako sa iyo. Pero dahil alam kong oras pa ng trabaho mo, hindi kita mapapaunlakan."

"But, Jill..." Brix shoulder fell.

"Just go back to your clinic and finish your obligations, Brix," ani Jillian na inabot ang kamay nito at pinisil.

MISSION 1: Saving YouWhere stories live. Discover now