Chapter 33 - Going Official

3.2K 185 10
                                    

 “MAY problema ba sa trabaho?”

Mula sa cellphone ay napatingin si Jillian sa ama. Katatapos lang ng birthday celebration nito na inorganisa ng mga kasamahan sa military at pauwi na sila sa bahay nila sa Urdaneta Village. “Everything is fine, Dad. Tumawag ako kanina sa San Isidro to check. At tumatawag din naman sa akin ang mga nasa RHU kapag may kailangan.”

“Then why you’re always on your phone? Kahapon ko pa napunta na halos hindi mo ibaba iyan, Jillian,” bahagyang nakakunot ang noong puna ng ama niya. “I am not complaining kahapon at kanina kasi ang nasa isip ko’y iyan ang paraan mo para hindi ka kausapin ng mga officer kong walang ginawa kundi magpapansin sa iyon. Pero pati naman ako ay hindi mo na kinausap, anak. Mula nang umalis tayo sa Bulacan, hanggang ngayong nasa Makati na tayo ay nasa cellphone ang atensyon mo.”

Ibinaba ni Jillian ang cellphone at umusod palapit sa ama. Yumapos siya sa isang braso nito at saka ihinimlay ang ulo sa balikat ng ama.

“I’m sorry, Dad. Sinisigurado ko lang na magiging maayos ang bakasyon natin bukas. I want to make sure that this vacation will be memorable.”

“It will be memorable dahil kasama kita. Anyway, tumawag sa akin si Brix kanina. Binati niya ako, at the same time ay ipinagpaalam kung pwede ka niyang sunduin mamaya. Magdi-dinner daw kayo. I already said it’s fine with me at ikaw na lang ang tanungin niya. I like Brix for you, hija. Hindi pa ba kayo nagkaka-ayos?”

Nakagat ni Jillian ang labi. Tumawag na kanina si Brix at tinanggihan niya ang paanyaya nito. Sabi niya’y sa susunod na lang dahil maaga ang lakad nila bukas at hindi siya pwedeng mapuyat. “Brix and I are okay, Dad. But we’re better off as friends.”

“Mas mabuti iyon kung gano’n. Be with someone who will be a good friend. Tingnan mo kami ng mommy mo. Hindi lang kami husband and wife, matalik na magkaibigan din.”

“Iba naman kayo ni Mommy. Yes, you were good friends, but you were also lovers. Mula bata hanggang noong mag-college ako, I witnessed how you look and steal kisses at Mommy whenever you think I’m not looking,” nanunudyong sagot ni Jillian. At lumapad ang ngiti niya nang mapatikhim ang ama. Matapos ang ilang saglit na katahimikan ay bumuntong-hininga siya, inalis ang ulo sa balikat nito at saka tumingin sa ama, “And I don’t feel the same with Brix, Dad. I can only see him as a friend, not as a lover.”

“At akala ko pa naman ay siya na ang mamanugangin ko. I saw how serious he is with you, anak,” bakas ang panghihinayang sa boses ng ama niya. “Umasa pa naman ako na bibigyan mo ulit siya nang pagkakataon. Malapit na akong magretire, Jillian. I want grandkids to spoil.”

Jillian’s heart is hammering. This is now or never.

Lumunok siya bago binigyan nang ninenerbiyos na ngiti ang ama, “Who knows, baka this year ikasal na nga ako at baka next year ay may aalagaan ka na ngang apo.”

Bumakas ang pagtataka sa mukha ng ama niya, “Kasasabi mo lang na kaibigan lang ang turing mo kay Brix, di ba?”

Binasa ni Jillian ang nanunuyong labi, “Hindi si Brix ang tinutukoy ko, Dad. I am in love with someone new. And I know deep in my heart he is the one for me.”

Napalitan nang gulat ang pagtataka sa mukha ng ama niya. Ilang sandali siya nitong tinitigan. Pero makalipas ang ilang sandali ay bigla itong sumeryoso. Sa mata nito ay may lumarawang hinala, “Gaano katagal mo nang kakilala ang lalaking ito, Jillian, para masabi mong siya na nga ang nakalaan sa iyo? Wag kang umasang makukuha mo ang suporta ko lalo na kung alam kong nito lang kayo nagkakilala ng lalaking sinasabi mo.”

Napalunok si Jillian. Ni minsan ay hindi niya  narinig ang tonong iyon at hindi pa nakita ang kaseryosohang iyon sa mukha ng ama. Alam niyang hindi ito nagbibiro sa binitawang salita. 

MISSION 1: Saving YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin