Chapter 34 - The Lion's Den

3.1K 195 16
                                    

Kapapasok pa lang ng motor sa gate ay tumakbo nang pasalubong sa kanya si Jillian. Nang makababa siya ng motor ay yumapos kaagad ang fiancée sa bewang at tumingala sa kanya.

“Hi!” Jillian greeted him as soon as he removed his helmet.

“Hello, baby girl,” nakangiting sagot niya na basta na lang isinangat sa handlebar ng Ducati ang helmet at kaagad itong ipinaloob sa braso at hinalikan sa labi. “I missed you.”

“I missed you, too. Kumusta ang biyahe? Anong oras ka umalis sa inyo?”

“Ayos naman ang biyahe. Alas kwatro ng madaling araw ako umalis para maaga akong makarating dito.” Masuyong pinaglandas ni Jason ang likod ng hintuturo sa pisngi nito. “Kung pwede nga lang na kagabi pa ako pumunta rito ay ginawa ko na. Gustong-gusto kitang makita. Days without you are complete torture, baby.”

Jillian smiled. “Gano’n? Eh, para ngang hindi tayo magkalayo. Lagi tayong magkausap. Magka-video call pa nga.”

“Hindi pwedeng ikumapara ang video call sa personal na kasama kita, baby girl. I can’t embrace you like this.” Gamit ng isang braso ay lalo niyang hinapit si Jillian palapit. “I can’t touch you like this.” Masuyo niyang pinaglandas ang dulo ng daliri sa labi nito. “I can’t kiss you like this.” Jason kissed the corner of her lips before he claimed her mouth fully. Makalipas ang ilang minuto ay bumitaw siya at hinapit lalo ang fiancée. Ipinaramdam kung gaano niya ito na-miss. “And I can’t fill you to the brim, baby,” bulong niya, sadyang idinikit ang labi sa tainga nito.

Si Jillian naman ay biglang nanlaki ang mga mata. Luminga ito sa paligid at nang makitang walang ibang tao sa labas at nakabalik na sa guard house ang bantay at hindi nakatingin sa kanila ay inilipat ang kamay sa batok niya. She tiptoed and kissed him some more. Lalo naman niyang hinapit ang fiancée at mas pinalalim ang halik na inumpisahan nito.

Isang malakas na pagtikhim ang nagpahiwalay kay Jillian sa kanya. Nang lumingon sila sa pintuan ay ang ama nito ang naroon at nakatingin sa kanila.

“Arellano?” bakas ang gulat sa boses ni BGen Sullivan habang matiim na nakatitig sa kanya. Biglang umigting ang panga nito at kumuyom ang mga kamao. At dahil hindi naman niya binitawan ang bewang ni Jillian ay ramdam niya ang biglang pagbabago ng tensyon sa katawan nito.

“Good morning, Sir,” magalang na bati niya nang makalapit dito.

Hindi ito sumagot pero nag-iigtingan ang mga litid sa nakakuyom na kamao nito. Halatang nagpipigil nang matinding emosyon dahil maging ang panga ay mariing magkalapat.

“Daddy, I want to formally introduce my boyfriend, Captain Jason Realonda Arellano,” basag ni Jillian sa naka-aasiwang katahimikang saglit na naghari sa kanila.

“Sa library tayo mag-usap,” anang ama nito sa mababang tono.

At mas lalong tumindi ang tensyon sa katawan ni Jillian. Bigla itong sumandal sa gilid niya na wari’y humihiram ng lakas. Itinaas ni Jason ang nanlalamig na kamay nito at hinalikan. “Relax, baby girl.”

Lumunok si Jillian, bakas ang nerbiyos sa mga mata nang magsalita, “I’d never seen that look on my father’s eyes, nor hear that tone of voice before. And I’d never been this nervous my whole life, Jason.”

“I’m here beside you. You don’t have to be nervous, baby girl,” masuyo niyang pinaglandas ang daliri sa pisngi nito.

“I can’t help it. Natatakot ako. Bakit sa library niya tayo gustong kausapin gayong pwede namang sa hapag-kainan? He knows you’re coming kaya nga nagpahayin na ako ng agahan.”

Nagkibit-balikat siya, “Baka ayaw lang niyang marinig ng iba ang pag-usapan natin.”

Lalong lumarawan ang pangamba sa mga mata ni Jillian, “Or because nasa library ang handgun niya. Oh, god! This is my worst fear. What if...”

MISSION 1: Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon