Chapter 9 - His Mission vs Her Mission

3.9K 224 24
                                    

“THAT was really, really unnecessary,” salubong ang kilay na salita ni Jillian nang ibaba niya ang tawag sa telepono. Kasunod niya itong pumasok ng bahay. “Safe naman sa Abehilan. Dati na akong napunta doon.”

Nilingon ni Jason ang dalaga, maging siya ay salubong din ang kilay. “Dati ‘yon. Nung hindi pa alam ng mga kalaban natin kung sino ka.”

Pinaikot ni Jillian ang mga mata, “Excuse me! Wala akong kalaban. Simpleng check-up at deworming lang naman ang gagawin ko, may military escort pa? That’s over the top. You’re taking this guard duty way too seriously.”

Naglapat ang mga bagang niya, “I am not just an ordinary military brat’s babysitter, Jillian. Your father entrusted me your life. And if I need to gather an entire battalion just to ensure your safety, I would do so. Iyon mismo ang utos ng ama mo.”

Nang ideklara ni Jillian na hindi ito aalis ng Bohol ay nag-usap sila ni Brigadier General Sullivan. Magbigay daw siya ng tatlong tao na pinagkakatiwalaan niya ng buhay. He mentioned Barrera, Layesa and Agustin. Ang mga iyon ang mismo ang kinausap ng heneral na magbantay sa anak habang naghahanap daw ito ng taong mapagkakatiwalaan na magbabantay kay Jillian. Isa hanggang dalawang linggong pagbabantay lang habang naghahanap ito ng permanent security detail ng dalaga. May dalawang buwan pa raw sa Bohol ang dalaga bago matapos ang dalawang taong kontrata sa DOH.

Literal na pasakay na siya sa eroplano nang tawagan ni BGen Sullivan at sabihing imbes na tatlo ay isa na lang daw ang magbabantay kay Jillian. At siya ang kinausap ng heneral na magbantay sa anak nito. Kung sakali ay ito na raw ang bahala sa mga kakailanganing dokumento sa opisina. At ipinangako niyang sa durasyon ng pagbabantay sa dalaga ay gagawin niya ang lahat para masigurado na magiging maayos ang kalagayan nito. 

Nabalaan na siya ng general hinggil sa katigasan ng ulo ng anak, lalo na kung tungkol sa pagiging doctor nito ang topic. Ayaw daw nito nang pinakikialaman. Iyon mismo ang dahilan kaya nakipagbreak ang anak nito kay Brix. Hindi raw sang-ayon ang lalaki sa pagiging Doctor to the Barrio ni Jillian. At imbes na makinig sa boyfriend ay nakipaghiwalay pa ang dalaga. Na sa totoo lang ay hindi na ipinagtaka ni Jason. Kung mismong ama nga nito ay sinuway, boyfriend pa kaya?

But if Jillian thinks she can bend and order him around, she got another thing coming. Hindi siya ang ama nito. At lalong hindi rin boyfriend. Though Jason won’t mind if Jillian wants him to be. He would, in fact, be very happy.

“You are being reckless and it is my duty to keep you safe.” Binigyan ng emphasis ni Jason ang salitang ‘duty’. “I won’t let you court danger while I’m around.”

Jillian’s cheeks are slowly turning red, her almond eyes slowly becoming defiant, “That phrase again. How am I courting danger?” She pursed her lips.

If Jillian only knew how maddeningly beautiful she is when she’s slightly irritated.

Ipinilig ni Jason ang ulo. “You’re exposing yourself to unnecessary danger, Jill. I am just mitigating it.”

Nanliit ang mga mata nito. “Exposing myself in unnecessary danger? In my line of work? Oh, come on! That’s literally the pot calling the kettle black. Sa ating dalawa, ikaw ang madalas sumuong sa mga unnecessary dangers na sinasabi mo.”

Jason can’t help but smile. She’s trying to use the very tactic she’s using against his dad. It might work on others, but not on him.

Lalong namula ang mukha ni Jillian, ilang beses itong humugot nang malalim na hininga habang nakatitig sa mga labi niya, “And you... You had the audacity to smile like that...” Lumunok muna ito bago muling tumingin sa mga mata niya.

Jason can’t erase the grin off of his face. He finds her incredibly breath-taking, and he hope and pray to all the gods and goddesses above that she also finds him half as attractive.

MISSION 1: Saving YouWhere stories live. Discover now