Chapter 41 - Saved

3.3K 188 17
                                    

"Jillian," Jason murmured in a hoarse voice. His throat feels dry and raw. Gusto niyang magmulat ng mga mata pero ay kung anong umaagaw pailalim sa kamalayan niya.

"Jason! Anak!"

"Jillian..." Jason longed to hear her voice, to see her face and touch her. Pilit niyang iminumulat ang mga mata pero sa pakiwari niya ay napakabigat ng mga talukap noon. Sinubukan niyang igalawa ng mga kamay pero sa wari ay may pumipigil doon.

"I'm here, Jason. I'm here. Oh, God."

Was she crying? May lumapat na mainit sa pisngi niya. Was that his baby girl's lips? Ang kasunod ay ang mahigpit na paghawak at pagpisil sa kamay niya.

"Baby girl..." Jason murmured. Gusto niyang magmulat, gusto niya itong makita, ngunit sa wari ay walang natitirang lakas sa buong katawan niya. Bakit hindi siya makakilos? Bakit hinang-hina siya?

And then it all came back to him. The terror in Jillian's voice when she shouted his name, the gunshots and the piercing pain he felt on his back. The last thing he remembered was Jillian wiggling underneath him, he even felt her reached for the gun in his back.

Ang takot na pumuno sa puso niya ay sapat para magkaroon siya nang lakas na imulat ang mga mata. Malabo pa ang lahat sa umpisa pero pagkalipas ng ilang beses na pagpikit ay unti-unting luminaw ang paningin niya.

"Baby girl," anas niya sa boses na hindi niya halos makilala.

"Thank God!" Hilam ng luha ang mga mata nito. Yumuko si Jillian at inilapat ang labi sa kanyang noo. "Hey, Captain. I'm so glad you're awake."

"Are you okay?" His throat is painfully dry but he needed to ask that.

Jillian smiled amidst the continuous flow of her tears. "Yes, I am. Wag kang magalala sa akin. Wala akong kahit anong pinsalang natamo. Ikaw ang kailangang magpalakas. Remember, we have a wedding to prepare. Kailangang nakakalakad ka na sa kasal natin."

Lumunok siya, pero maging ang bibig niya ang tuyong-tuyo. Pinunasan ni Jillian ang mga luha sa pisngi. Inabot nito ang bote ng tubig sa lamesang katabi ng hospital bed niya. Binuksan iyon, nilagyan ng straw saka inilapit sa bibig niya.

"Just a sip, Jason."

Nakakailang lunok pa lang si Jason ng tubig ay inalis na kaagad ni Jillian ang straw sa bibig niya. "Nauuhaw pa ako."

"I know. Papainumin ulit kita mamaya. Sorry, Jason, pero gradual lang muna. Okay?" masuyong salita nito na hinaplos pa ang pisngi niya.

"Nasaan tayo?" ani Jason na nilingon ang ina na nakatayo sa tabi ni Jillian. Kung si Jillian ay naampat na ang luha, ang ina niya ay patuloy sa tahimik na pagluha.

"V. Luna," tugon ni Jillian. "After ng operation ay nagstay ka pa nang limang araw sa ICU bago ka namin nailipad papunta dito."

Nang bumaling siya sa fiancée ay noon niya napansin na tulad ng ina ay nanlalalim din ang mga mata nito. Halata rin ang pamumutla ni Jillian at sa pakiwari niya ay nabawasan ang timbang nito.

"How long was I out?"

Huminga nang malalim si Jillian, "Five days in ICU sa Ilocos, dito sa V. Luna ay ika-apat na araw mo na ngayon. You lost a lot of blood. You had three gunshot wounds. One..." Luminok si Jillian, mariing ipinikit ang mga mata saka muling pabulong na nagsalita, "One shot nearly missed your heart." Tears once again escaped her eyes.

Sa abot ng makakaya ay itinaas ni Jason ang kamay at inabot ang fiancée. Nang maramdaman ni Jillian ang kamay niya ay nagmulat ito, dagling pinunasan ang pisngi at nagkusang kunin ang kamay niya.

MISSION 1: Saving YouWhere stories live. Discover now