Chapter 42 - Permission

3.6K 204 59
                                    

"Masamang damo ka talaga, Arellano," ani Gab. Labinlimang minuto pa lang yatang nakakaalis sina Jillian nang mag-video call ang kaibigan. "Akala ko pa naman magkaka-chance na ako kay Jillian," pabirong dagdag nito.

"Gago! Kahit nasa hukay na ako, hihigitin ko ang paa mo!" natatawang sagot niya. "Wag mo akong patawanin, Rosales, hindi pa ako fully recovered. Nahihirapan ako."

"Ayos lang iyon. At least ang last memory nating dalawa bago ka mamatay ay tumatawa ka," sagot nito na tumawa pa.

"Tarantado ka talaga, Gab. Kung papatayin mo rin lang ako ay 'wag ka nang tumawag. At saka binabawi ko na 'yong invitation mo sa kasal namin ni Jillian. Black-listed ka na."

"Wag namang gano'n, Jason. Ilang buwan na akong 'di nakakatikim ng Lumping Shanghai."

"Maniwala akong Lumpiang Shanghai ang habol mo, Gabriel. Kung pagkain rin lang, sawa ka riyan. Parang fiestahan sa bahay ninyo sa dami ng niluluto ni Tita Nellie basta umuwi ka."

"Lumpiang Shanghai?" ani Ace na nag-join sa video chat nila ni Gab. Sa group chat nilang magkakaibigan nag-video call si Gab. "Gusto ko rin 'yon!"

"Kita mo na! Pati si Ace' yon din ang gusto. Pero sige, to be honest, pangatlo 'yong Shanghai. Ang una, kakausapin ko si Jillian. Titingnan ko kung mababago ko pa ang isip niya. Kung sakaling hindi, ang pangalawang option ko, humanap ng magandang bridesmaid na makakaulayaw sa kama," tatawa-tawang sagot ni Gabriel.

Napailing siya. "Sinasabi ko na nga ba. Puro ka talaga kalokohan, Gab. Kaya walang tumagal na babae sa iyo."

"Teka, bakit kilala ni Gabriel si Jillian?" ani Eugene na bagong join lang.

"Syempre, guwapo ako!"

"Gwapo?! Palikero ka 'ka mo!" ani Timothy na kasunurang nag-join ni Eugene.

"Ako pa ang palikero? Aba, kaya lang naman ako maraming naging girlfriend kasi humahanap ako ng babaeng magmamahal nang tunay at tapat sa akin. Ang mga nakikilala ko kasing babae, katawan at performance ko lang sa kama ang habol. Matapos akong makuha at pagsawaan, nakikipag-break na!" pumalatak si Gab.

"Pagsawaan? Baka nakita lang nila na malala ka, Gabriel!" pambubuska ni Ace. "Hoy, Eugene, ano't parang nasa disco ka? May party?"

"Nag-a-advance pagluluksa na kami ng tropa." Itinaas nito ang isang kamay na may hawak na bote ng alak at ipinihit ang camera, ipinakita ang ilang sundalo na nakapaikot sa lamesa. "Akala ko kasi malalagasan na tayo ng isa."

Napatawa si Jason. "Isang ikot pa nga ng camera. Mag-screen shot lang ako at ipapadala ko sa Commander ninyo."

"Ah, sorry! Off-duty kami," proud pang sagot ni Eugene. "Teka, si Clifford, bakit wala?"

"Busy. Nasabi niya sa akin na may mission silang pinaghahandaan," sagot ni Timothy.

"Sa kasal ko, aasahan kong darating kayong lahat, mga bok."

"Syempre naman, bok," ani Ace. "Sa ngalan ng Lumpiang Shanghai, hindi kami mawawala."

"Lalo naman ako!" ani Gabriel. "A-attend ako kasi susubukan kong agawin si Jillian. One of a kind ang ganyang babae. Maganda, mabait, tapat, hindi selosa, hindi demanding at laging nakasuporta."

"Alam mo, Gab, kung hindi lang kita kilala, iisipin kong seryoso ka sa pang-aagaw mo sa fiancée ko."

"Seryoso ako, Jason. Pasalamat ka't nauna ka niyang nakilala. Kung nauna ako, tinitiyak ko sa iyong ikaw ang naiingit sa ating dalawa. Kaya wag kang pahangal-hangal at kapag nabigyan ako ng chance, aahasin ko talaga 'yang fiancée mo," nanunudyong wika nito saka tumawa nang malakas.

MISSION 1: Saving Youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें