Chapter 28- Tease

3.4K 195 8
                                    

Nakasakay na sa kotse si Jillian ay nanatili pa ring kunot ang noo niya. She’s a bit confused of what happened inside DOH office. Imbes na paandarin ang kotse ay kinuha niya ang cellphone sa handbag na ipinatong niya kanina sa passenger seat.

“Hi, Tammy! How are you, babe?” aniya nang sumagot ang babaeng tinawagan niya. Tulad niya ay Doctor to the Barrio rin ito. Naging ka-close niya ito dahil lagi niyang ka-roommate kapag may seminar silang dinadaluhan na inorganisa ng DOH para sa kanilang mga Doctors to the Barrio. At alam niyang tulad niya ay nakapirma na rin ito ng panibagong kontrata para ituloy ang pagiging DTTB.

“Hello, love! I’m good. Ikaw, kumusta? At bakit napatawa ka?”

“I’m fine. Thank you, babe. I was just wondering. Tinawagan ka rin ba ng DOH to present the programs and activities na ginawa mo diyan sa Cagayan?”

“Hindi. Bakit?”

Lalong lumalim ang gatla sa noo ni Jillian. “I was requested to report here sa DOH Head Office. I presented the programs and activities I did in San Isidro to USec Vernida. Pero after ng presentation, USec told me to be back Friday next week. Magmemeeting daw muna sila to check saang region applicable ang katulad ng projects na ginawa ko sa Bohol kasi doon daw ako i-aassign for my next contract. Which I find confusing and a bit weird. Di ba, they consider the continuity of service kaya nga they offered na mag-renew ng contract? And they also consider the inputs ng doctor kung saan niya gustong ma-assign? I told USec I wanted to stay in Bohol to continue what I started but he said they will still check if I can be deployed back there.”

“Really? Hmm. Yeah, that’s a bit weird,” Tammy agreed.

“Exactly my thought,” ani Jillian. Kanina pa may namumuong hinala sa isip niya sa tunay na dahilan kung bakit siya ipinatawag ng DOH. She just has to check with other DTTBs if they were requested to report to DOH and if they were informed of the transfer to another region once they renewed their contract. At kako-confirm lang ni Tammy na wala itong gan’ong information na natanggap.

Ibig sabihin ay siya lang ang mare-relocate kung gano’n?

Naglapat nang mariin ang labi ni Jillian. She will investigate further if her suspicion is correct.

“Oh! Teka, love! Baka naman kasi may taga-Bohol na nag-apply as DTTB? May bagong rule kasi ang DOH na kapag may doctor na nag-apply, usually ay doon sa province kung saan siya nakatira ang magiging area of assignment niya.”

Ilang saglit na nawalan ng salita si Jillian. Posible rin iyon. Huminga siya nang malalim saka sumagot, “Could be. I will ask USec Vernida about that sa susunod na meeting namin.”

“At kung sakaling ganon nga ay dapat na din yatang ihanda ko ang sarili ko sa posibilidad na hindi na ako rito sa Cagayan mapa-assign sa susunod,” may bakas na lungkot sa boses si Tammy. Tulad niya ay sa NCR din ito lumalagi. “Kung mangyayari iyon ay irerequest ko na Ilocos Norte na lang ako mapa-assign. Tutal doon naman talaga ang roots ko. Tiyak matutuwa pa ang grandparents ko. At the same time, hindi masyadong malayo sa mga taong naging kaibigan ko na rin dito.”

“Wag mo munang isipin iyon. Isang buwan na lang at tapos na ang original contract natin. Kung parehas ang sitwasyon natin ay tiyak na ipinatawag ka na rin dito sa DOH.”

“Sabagay nga. Well, sana’y walang taga-Cagayan na nag-apply. Malulungkot ako kung malilipat ako sa ibang lugar. Napamahal na sa akin ang mga tao rito.”

And Jillian can completely understand. Gano’n din siya. Napamahal na sa kanya ang mga mamamayan ng San Isidro. “Anyway, thanks for taking my call and ingat ka, babe.”

“Welcome, love. See you next month. Bye for now!” anito bago nawala sa kanilang linya.

Bumuntong-hininga si Jillian. Thinking about the possibility of transferring to another location is making her sad. At sana lang talaga ay walang kinalaman ang ama niya sa bagay na ito. Kung hindi ay tiyak na pagtatalunan nilang dalawa iyon.

MISSION 1: Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon