Chapter 03

8 2 0
                                    

Alana.
_

Nagpapatangay na lang ako sakanya kahit nanghihina ako dahil sa nangyari, kahit na gulong-gulo ang isip ko dahil si Jacob ay hawak ang pulsuhan ko at inilalayo ako sa gulo.

"Shh. You'll be safe."

Ang tanging alam ko para akong nanghina sa narinig ko. May kung anong pagtataka, galit, irita, hindi ko mapangalanan kung ano ba. Dumagdag pa sya sa sakit ng ulo ko.

Napatigil ako sa paglalakad ng tumigil din sya dito sa mga bench malapit sa Soccer field. Tiningnan niya ako kaya't nag-iwas ako ng tingin at hinila muli papunta sa may puno. Nasilaw pa ako sa araw kaya mas lumapit ako sa puno.

Nakatuon lang ang tingin ko sa Field at nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sa akin si Jacob. Ayoko siyang kausapin.

"Why did you comeback?" Malumanay at walang halong insulto sa tinig niya pero iba ang naging dating sa qkin no'n.

Nagsalubong ang kilay ko at nilakasan ang loob na salubungin ang mga tingin niya. Bago ito sa akin ngayon, puno ng iritasyon ang mukha niya na kailanman ay hindi ko nakita noon.

"Does not matter" mataray kong tugon pabalik sabay taas ng kilay.

Mas lalong sumama ang mukha niya. "Alana" galit ang tonong anito.

Buntong-hiningang tinarayan siya. Ano bang pake ko sa lalakeng 'to? At bakit ko nga ba siya kinakausap? 'Ano bang pwedeng i rason ko dito?'

"You came back because of me, didn't you?" Sabi nito na ikinalingon ko ng mabilis at pinukol sa kaniya ang masamang tingin.

At ngayo'y naglalabanan kami ng titig sa isa't-isa.

"Come on, I know you're still into me Alana." Puno ng kumpyansa niyang sabi.

Natawa ako sa sinabi niya. Umiling na lang ako at binalik ang tingin sa Field. Natatawa pa rin ako sa sinabi niya. Hibang ba siya.

"I'm not stupid-"

"Stupidly in love with me Alana?" Ngisi nito.

"Maybe stupid enough for liking you before." Mabilis kong bawi. Pinagdiinan ko ang LIKING at BEFORE.

Sumama ang mukha nito sa akin. Sininghalan ko siya dahil sa inis at sarkastimong natawa. "Hindi porke nagustuhan kita dati mahal na agad kita, magka-iba yun ha.." Ngumiti ako sa kanya ng mayabang matapos sabihin iyon. Lumapit ako sakanya para tapikin sya sa balikat at bumulong. "I may be an innocent-girl in your eyes but always remember, I can secretly know all your secrets Jacob" mahinang ani ko. Batid kong natigilan siya at tiningnan ako, tinaasan ko lang siya ng kilay sabay ngumiti ng peke.

Tumingin ito sa akin. "Alana." bulong nito at may naguguluhang mga mata.

Masakit man, pinilit kong sabihin yun. 'Ang galing mong mag-dahilan Alana, galing mo!' Hindi ko talaga alam saan ako humugot ng lakas para sabihin yun at bigla na lang lumabas sa bibig ko. Hindi sya ang dahilan ng paglipat namin at kahit tanungin pa ako ng milyong beses kung bakit ako lumipat, hindi ko alam. Miski ako, hindi ko alam kung bakit bumalik pa kami rito.

Umalis na ako at muli niyang sinambit ang pangalan ko at hindi na sya muling nilingon.
Noon lamang ako nagpakawala ng hininga. Feeling ko nakakasakal kapag kaharap ko si Jacob. Ang babaw niya talaga kahit kailan.

Nakayuko lang akong naglalakad patungo sa locker ko. Ang daming bulungan lalo na yung nangyari sa canteen. Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy na lang.

Nilagay ko ang i.d. ko sa taas nito at kinuha ang susi ko. Binuksan ko ito at kinuha ang gym uniform ko. Sinarado ko na ito at kinuha ang i.d. sa taas ng locker ko pero napapikit ako sa sakit ng may maramdamang may nahulog na kung ano sa ulo ko.

Hawak ko ang ulo ko tapos tiningnan ang nahulog, isang damit. Tinago ko ang susi ko at hinawakang mabuti ang i.d. at gym uniform ko. Pinulot ko ang damit na puti at naka-plastic pa ito. Kinuha ko ang yellow sticky note na nakalagay sa labas ng plastic ngunit blanko lamang ito.

Nagtatakang lumilinga-linga pa ako sa paligid. Wala namang dumadaan na estudyante sa locker room at ako lang ang nandito.

Nagkibit-balikat na lang ako, hindi ko naman kilala ang nag-iwan nito. Gym uniform ang napagpasyahan kong isuot dahil hindi ko rin naman kilala ang nagbigay nito. Iniwan ko na lang din sa taas ng locker ko ang white shirt na yun.

Matapos kong magbihis ay muli akong bumalik sa locker ko. Malapit lang ang c.r. dito sa locker kaya paglabas mo, locker na agad ang sasalubong sa gilid mo. Kita ko na sa malayo na hindi man lang nawala ang white shirt sa taas ng locker ko.

Nagtatakang lumapit ako sa locker ko, kinuha ko na lang ito at binuksang muli. Nilagay ko na ang gamit ko pati narin ang white shirt. Huminga ako ng malalim at sinarado na ang pinto nito.

Bumalik na ako sa klase agad. Pagdating ko, masasamang tingin ang sumalubong sa 'kin pati narin ang hagikhik ng mga kaklase ko. Pati ang guro namin napatigil at nagtatakang sinuri ako. Bahagyang nagbaba ako ng tingin upang magpakita ng pagbati at paumanhin.

"You're late."

Bumaba lang ang tingin ko at buntong-hininga lang ang tugon.

Naririnig ko parin ang mga palihim na tawanan ng mga babaeng kaklase ko. Palibhasa amoy juice ako ngayon. Binaba ng guro namin ang libro nito at huminga ng malalim.

"Hindi lalapit ang upuan sa'yo"

Umalis na ako sa kinatatayuan ko at dali-daling naglakad. Umupo na ako agad at hindi na lang sila pinansin. Kinuha ko ang ballpen ko at nilaro-laro ito para kumalma.

Hindi parin ako makapaniwala na ganito ang nangyayare sa pagbabalik ko. Hindi ganito ang normal na sinabi sa akin ni Dad. Normal ba ang pagkatuwaan ka ng kapwa mo estudyante? Siguro malungkot ang buhay nila kaya nambubuyo sila. Kung alam ko lang naman na ganito ang pagbabalik ko, edi sana hindi na lang ako ulit nag-aral dito. Maganda lang talaga ang sistema ng edukasyon dito.

Kahit anong pilit ko, hindi sinasabi sa 'kin ni Dad kung bakit kami bumalik muli rito kahit si Mommy ayaw ring sabihin.

Matapos ang huling klase ko ay nagpa-iwan muna ako dito sa classroom namin. Hinihintay ang lahat na mawala na sa loob pati ang marinig ang ingay sa labas.

Matapos ang tatlumpung minutong paghihintay ay lumabas na ako at hawak ko na ang ballpen na kanina ko pa pinaglalaruan. Tumakbo agad ako ng makita ko si Manong Tor na naghihintay doon sa labas ng sasakyan.

Huminto ako ng isang metro sakanya. Nakita naman niya agad ako at umayos ng tindig tapos tinapakan ang sigarilyo niya. Dahan-dahan na akong naglakad habang sya ay pinapaypayan ang mga usok.

Pumasok na agad ako sa loob. Ngumiti ito sakin na nahihiya kaya ngumiti lang ako at umi-iling.

Pagdating ko sa bahay sinalubong ko ng yakap si Mommy at Daddy.

"Bakit ganyan ang amoy mo, Anak?" tanong ni Mommy matapos akong yakapin.

Hinawakan ko ang buhok ko at ngumiti sakanila ng malawak. "Ah kasi Mommy, nagkatuwaan po kanina sa Tenth grade. You know mommy, nagbasaan po kami." sabi ko at nagkunwari pa ng tawa.

'Wow Alana.'

Tinitigan ako ni Mom, una nagtaka pa ito pero ngumiti na lang din. "How's life being a student?" nakangiting tanong ni Dad.

Nakangiti kong binalingan si Dad. "My normal days, Dad."

Stay tuned...

-
I know ang lamya, so sorry. But the next chapter will be exciting :)
Thank you!

Love in a GameWhere stories live. Discover now