Chapter 12

2 0 0
                                    

Alana.
-

May naglalakad patungo sa'min na isang magandang babae. She's wearing a yellow summer sleeveless cotton dress. She's beautiful.

Ngumiti ito sa'kin sabay bumaling ng yakap kay Paul. "You came. Akala ko Evo's tripping me." Ngiti nito matapos kumalas sa yakap.

Bumulong sa'kin si Paul. "Evo's the one who made the reservation here dahil napakatamad ni Jacob."

'Kailangan talaga alam ko?'

"Mind introduce your girl Paul?"

Magsasalita na sana ako pero agad na pinagsalikop ni Paul ang kamay namin. Napatitig naman ako sa magkahawak naming kamay. "Her name is Alana."

Ang mokong na'to ang ganda pa ng ngiti.

"And not his girl." Kumawala ako sa hawak nito. " We're schoolmates."

Her smile is freaking teasing us. Argh.

"Sure na ba 'yan?" Panunudyo pa nito.

"Ahm Miss Attila mind if you guide us to our table." Buti na lang iniba na ni Paul ang usapan. Medyo naging seryoso na ito.

Attila pala ang pangalan nito at paniguradong ito ang may-ari ng resto.

"Pupunta lang akong restroom. Mauna na po kayo."

Matapos sa restroom ay nag-order ako para sa sarili ko ng pagkain at dumiretso na sa table reservation ni Paul. Maganda at sa labas nito napiling magapa-reserba. Seryoso lang itong naka-upo at mukhang inip na inip na sa pwesto niya.

"Bakit ang tagal mo?"

"Ang ganda dito."

Napataas ang kilay niya. "Nagustuhan mo?"

Tumango ako bilang sagot. Nakarinig lang ako ng tsk at matunog na pagsandal ng likod nito. Maganda rito sa labas dahil mahangin at bukod pa riyon ay maraming bulaklak. Napapaligiran ng berde at iba pang makukulay. Mas maganda talaga ang natural na simoy ng hangin.

I smiled sweetly.

"Ano ganyan ka na lang? Tatahimik ka na lang?"

Nawala ang ngiti ko. Hinarap ko ang galit nitong mukha. "Bakit? Wala naman akong sasabihin ah."

"Ang pilosopo mo kahit kailan 'no. Tsk."

Matunog na naman itong sumandal sa upuan niya.

"Nga pala, bakit ka naparusahan ni Miss A?"  Tanong ko rito dahil sobrang yamot na ng mukha nito kakatingin sa'kin.

"Nahuli niya akong kumakain sa klase niya. Eh ikaw? Kala ko good girl type ka-"

"Nahuli niya akong nakikipagdaldalan"

"Oh so much for a good girl."

Sinamaan ko na lang siya ng tingin.

"May naisip ka bang creative way para gawin ang human heart?"

Sa wakas, may magandang tanong na lumabas sa bibig niya.

Kinuha ko ang bag ko at hinanap ang sewing kit at katsa cloth.

"Hindi nag-work yung unang pinasa ko kay Miss A. Nag draw ako ng human heart sa paper-"

"Baka kasi di kaaya-aya ang gawa mo."

"Pwede ba? Wala bang magandang salitang lalabas sa bibig mo?"

"What I mean is, It's so plain, wala man lang effort."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love in a GameWhere stories live. Discover now