Chapter 09

7 1 0
                                    

Alana.
-

"Nauubos ang oras Ina." Sabi ko rito pero hindi ako pinapansin.

Nandito kami ngayon sa library at may hinahanap syang libro halos sampung minuto na ang lumipas kakahanap sa libro.

"I can't stop thinking Jacob."

" Edi lagyan mo ng stop light."

"You!"

Naglakad-lakad pa kami ng kaunti hanggang sa makita na niya ang hinahanap niya.

"Patingin nga." Kinuha ko sa kanya ang libro. "Bakit ito?" Sabay balik muli sa kanya.

"I need to read tragic stories and after naman movies. Remember, nasa filiming club ako may paghahandaan kami, big project yun."

"Exciting. Kailan naman 'yon?"

"No exact date pa, ang alam namin big guests ang darating. Medyo kinakabahan nga ako."

Umupo muna kami.

"Bakit naman tragedy ang gusto mo?"

"Hindi 'no. Who wants sad ending ba ha? Kung ang iba naniniwala do'n, well ako hindi. Anyways kukuha lang talaga ako ng inspiration from different genres like sa romance or comedy or action. I don't know talaga."

Problemado nga siya. Kaya ayoko ng mga sinasalihang activities bukod sa tamad ako ayoko ng mga ganyang problema.

"Ano ba? Bakit mo ba ako tinitingnan ng ganyan?"

"Wala." Tinarayan ko lang siya.

Mahabang sandaling pananahimik ang namagitan sa'min. Aalis na naman kasi sila Mommy pero out of town lang. Pero ayos lang dahil magiging abala ako sa bahay pag-uwi, dahil aasikasuhin ko si pup.

"Psst. Alana."

"Hmm?"

"Jacob."

Sumimangot lang ako tapos tumayo. "Tara na." Sumunod naman siya. "What about him?"

"You know what i mean."

"Tss."

"Magkwento ka naman tungkol sa inyo dati."

"Can't remember any."

Ilang beses ko na atang narinig ito kay Ina, puro Jacob. Gustong-gustong makarinig ng kwento.

Binangga nito ang braso ko. "Sungit." At nagti-tingin muli sa mga libro. Nakasunod lang ako at kunwaring interesadong naghahanap ng libro. "Huy nga pala," binalingan ko sya. "Anong tingin mo sa members ng Red flag?"

Tiningnan ko lang sya saglit "Wala."

"Eh kay Paul." Sabi nito na ang tinig ay nanunukso.

'Si Paul.' "Bakit naman si Paul?"

"Bestfriend Jacob's mine. Si Chris taken si Evo may saltik yun."

Ngumiwi lang ako. "Wala naman akong pake sa kanila."

Hinawakan niya ako sa braso at pinanlisikan ng mata. "Hindi ako naniniwala. Anong walang pake?"

I just shrugged my shoulder. "Hindi naman nila ako kilala. Manahimik ka na nga." Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at naunang naglakad.

"Crazy. Alam mo bang sila ang mga matuturing mong perfect boys ng 21st century dahil unang-una pa lang, pasado sila sa looks, social status, brilliant minds in-short top students. At kilalang-kilala sila ng karamihan." Tumango lang ako sa kanya, mga pinagpala naman pala sila sa buhay. "And take note, mga magmamana ng companies yan." Ngumiti lang ako kay Ina.

Love in a GameWhere stories live. Discover now