Chapter 07

18 2 0
                                    

Alana.
-

Maganda ang umaga ngayon at ramdam ko talaga iyon. Kahit na maraming nangyari sa 'kin sa mga nakaraang araw ay nanatili parin akong nakangiti. Sa bahay lang talaga ako nakakangiti ng totoo. Sa bahay lang din ako nagiging totoo.

Binuksan ko ang bintana ko ng nakangiti sabay pikit ng aking mata ng dumampi ang masarap na hangin saking balat. Idinilat ko ang mata ko at nakangiting nagpakawala ng hangin.

Sumasayaw pa ako papunta sa cellphone ko, kinuha ko ito ng nakangiti at kinuha na rin ang earphone ko at nagpatugtog ng reggae songs. Ang sarap sa pakiramdam.

May kasamang huni ang aking pagsaway sabayan pa ng unting headbang ko dahil sa tugtog ng mga kanta ni Bob Marley na nagtungo sa banyo, mas lalong lumaki ang ngiti ko ng makita ang sarili kung gaano ako kasaya ngayon.

Nang matapos akong mag-ayos ay bumaba na ako at kumuha lang ng toasted bread na gawa ni Manang, nagpalitan lang kami ng ngiti ni Manang sabay kaway sakanya na aalis na.

Lumabas na ako at jogging muna ako ngayon dahil maaga pa sa alarm ako nagising. Nakangiti akong tumatakbo sa gilid ng parke, dito ko napiling mag ikot-ikot dahil masarap ang simoy ng hangin. Mamaya naman ay lilibutin ko ang mga bahay dito.

Natapos ako ng dalawang rounds sa pagtakbo ay nakangiting pumikit at nahiga sa mga damuhan. Natawa ako ng bahagya ng may tumalong grasshopper, hinayaan ko itong tumalon sa tyan ko. I'm wearing a nike shirt at bahagyang nakita ang tiyan ko ng humiga ako. Natatawa akong tumayo nang makiliti ako sa simpleng pagtayo nito sa tyan ko.

Tumayo ako at napagdesisyunang umalis na at magsimulang tumakbo sa mga bahay dito. Nadagdagan ng laki ang village na 'to hindi tulad noong huli kong kita rito, maging ang mga tao, bago at iyong iba ay nandito pa rin.

Naging normal na sa'min ni Scott Natan ang pag lipat-lipat ng mga bahay at kapag nagustuhan namin ang naging bahay ay bibilhin nila daddy iyon at nadadagan ang properties namin dahil si Scott halos lahat ay nagugustuhan ang mga bahay. Inilipat ko ang tugtog at pinalitan ng mga instrumental.

Nagsimula na akong tumakbo ng makalayo na ako sa parke. Nakangiting pumikit ako saglit nang dumampi ang maaliwalas na hangin sa 'king balat. Tumakbo na ako ng mas mabilis.

"Morning." sigaw ko ng makita ko ang babaeng kaedaran na ata ni Mommy na nagdidilig sa mga halaman niya. Kumaway ito sakin at binati ako pabalik.

Ang saya lang dahil halos lahat ng nadaanan ko nginingitian ako at binabati. Hindi na ako masyado nakakaramdam ng malamig na hangin at medyo nasisinagan na ako ng araw. Malapit ng mag 7am.

Nahinto ako ng masilaw ako sa sinag ng araw matapos kong lagpasan ang malaking bahay kaya tumalikod ako rito. Nagsalubong ang kilay ko at nakuha ang atensyon ko ng may lumang bahay, parang inabandona na ito pero maayos pa rin naman.

Mas lumapit ako rito, wala namang nakalagay na bawal tumapak sa lupa nila kaya tinapakan ko ang grass nila pero hanggang dun na lang ako dahil nakaramdam ako ng kakaiba tumapak ako sa damuhan.

'Strange.'

Maraming nakakalat na mga dahon sa lupa at mahahaba na ang mga damo nila dito. Naglalakihan din ang mga puno nila pero ang agaw pansin dito ang sirang kahoy na ginawang swing, makulay ang isang ito, ang isang tali nito ay nanatiling nakakapit sa tangkay ng puno. May nag-uudyok sakin na lapitan ito ngunit may nagsasabing huwag na.

Hahakbang na sana ako ng may tumawag sakin. "Anong ginagawa mo riyan?" rinig kong may sumigaw.

Agad akong tumingin dito ng nagtataka. Lalaki ito at may edad na, nakangiti itong lumapit sakin na may dalang walis. Ngumiti ako agad sa matandang palapit sakin.

Love in a GameWhere stories live. Discover now