Chapter 04

18 2 0
                                    

Alana.
-

"Anak, hinay-hinay nga sa pagkain." pananaway sakin ni Mommy sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Hindi ko na pinansin si Mom at nagpatuloy sa pagkain. Ang sarap kayang kumain. Pinagsasabay ko lang naman ang bacon, scrambled egg, ham at kanin. Dapat sinusulit ko na ang mga pagkain ko, hindi tulad kahapon na walang nangyari sa pinamili ko.

Ngumunguya kong inabot ang gatas ko, napatingin pa ako kina Mom and Dad nagtataka ito ngunit nakangiti. Nilagok ko na ang isang basong gatas at nakangiting sumandal sa upuan. Ang sarap.

"Ate, hand me the bacons." bulong ng kapatid ko.

Nakangiti kong tiningnan ito sabay kuha ng plato ng bacons. Hindi ko pinansin ang mga tingin nila Mom and Dad at tinulungan 'tong kapatid kong magbalot ng bacons.

"Ang takaw mo talaga." bulong ko.

"hihihi." hagikhik lamang ang sagot nito.

Pinanliitan ko siya ng mata ngunit napangiti na lang din ako sa kapatid ko. Ang cute talaga. Inayos na ng porma ng kapatid ko ang bacons sa loob ng ziploc at tinago ito sa loob ng uniform. Nag-thumbs up pa ito sakin sa ilalim ng mesa.

Nakangiti ko na lang na hinimas ang tyan ko habang si Scott nagpatuloy na lang sa pagkain.

Matapos naming kumain ay kanya-kanya na kaming asikaso sa sarili. Nasa labas na ako at hinihintay na lang si Dad.

"Scott Natan." tawag ko ng makitang tumatakbo itong papunta sa sasakyan.

Hindi ako pinansin nito sa halip ay kumaway lang ito sa akin. Nakita ko si Mom na nakangiti na umiiling na lang. Pumantay ito sakin ng tayo. "Be good, ok?" sabi nito at tango ang sagot ko. Hinalikan ako nito sa noo at nagpaalam na.

"Let's go, Anak." sabi ni Dad.

Nakangiti akong tumango at umangkla sa braso nito sabay naglakad na kaming dalawa. Humiwalay naman ako ng magkiss si Mom and Dad at nagpaalam sa isa't-isa. Bago ako pumasok sa sasakyan tiningnan ko si Scott.

"Scott, yaya's eating your bacon." sigaw ko.

Nanlalaki ang matang tumingin sakin. Dali-dali itong bumaba sa sasakyan. Sinamaan naman ako agad ni Mom ng tingin, Ako naman natatawa na dito. Akala siguro ni Scott ay naiwan niya sa lamesa ang bacons.

"Dad, let's go." sigaw ko rin kay Dad na nakikipag-usap kay Mommy.

Tumingin ito sakin at tinuro ko si Scott na bumalik sa loob ng bahay. Ngumisi agad si Dad kung ano ang tinutukoy ko. Hinalikan muna ni Dad si Mommy at sinabing. "Let's race, Mommy." sabi ni Dad at humalakhak ng malakas.

Halakhak ng tagumpay.

Tumakbo na agad si Dad papunta sa kotse. "Scott, you're late." sigaw ko mula dito sa labas ng bahay.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at pinaandar na ni Dad ito. Narinig ko pang sumisigaw si Mommy sa labas kaya kumaway na lang ako sakanila. Heto kami ngayon ni Dad, tumatawa na akala mo nagwawagi na kami. Lagi na namin itong ginagawa lalo na kapag may oras sina Mom and Dad sa amin ni Scott.

Mabilis na nag-park si Dad sa mismong harap ng school. Lumabas agad kami ni Dad at kumuha ng litrato, ang laki ng ngiti naming dalawa pero agad na naglaho nang makitang nauna ng nag-send si Mom ng picture nila ni Scott. Ang laki ng ngiti ng dalawang kumag. Asar kong pinindot ang sinend ni Mom na voice record.

'Beat that, losers.' pinarinig ko pa ito kay Dad na blanko lang ang tingin sakanya.

Napangiwi na lang si Dad habang ako nakatingin sa kanya na aburido ang mukha. Kinamot na lamang ni Dad ang ulo niya at nagpeace sign pa. Psh!

Love in a GameWhere stories live. Discover now