Chapter 08

11 1 0
                                    

Been a while but here's the update. Happy reading! Mwah
-
Alana.
-
Gising pa rin ako at naiinis ako dahil hindi ako makatulog. Walang ibang pumapasok sa isip ko kung 'di ang lalakeng iyon. Muli ko na namang nakikita ang imahe niya at unti-unting ngumingiti ito, napabangon ako ng matagalan ko na ang pagtitig nito sa kisameng nilalarawan ang mukha niya.

And to think Sam and the deal is just freakin' nonsense but up to now I'm like a crazy person wanted to have a time travel and go to future, immediately. 'Why do i care so much?'

Bakit kasi kailangan pang makilala ako ni Sam? Eh anong meron sa Paul na 'yon at bakit siya ang paglalaruan ni Sam? Kung tutuusin ay halos magkadikit na ang bituka ng dalawang iyon. Lagi silang magkasama sa lahat na ata ng oras.

'Konektado kaya 'to kay Ana Sia?' Napakunot ang noo ko sa sinabi ng isip. 'Hindi kaya-' pinilig ko ang ulo ko at inalis na sa isipan ang mga iyon.

Bumangon ako at kumuha ng black hoody, basta ko na lang nadampot ang splat ball ko at kinuha ang skateboard ko atsaka lumabas na ng kwarto.

'I can't think of any.' Nakatanaw ako sa parke ilang kilometro ang layo sa bahay namin sabay ipinikit ang mata. 'I want to sleep.' At nagsimula ng lumarga papalayo sa bahay. Huminto ako sa parke at nagsimulang mag-stretching. Alas dos na at ganito pa ang ginagawa ko, gusto ko mapagod at makatulog pag-uwi.

Sa pagpikit ng mga mata ko at pagyakap ng malamig na simoy ng hangin kahit binabalot ako ng makapal na suot ay naramdaman ko ito sanhi upang mapangiti ako. Nakaramdam ako ng pamamasa sa bandang ulo at batok ko, namamawis ako. Sa sandaling iyon ay mabilis akong pinagpawisan at nakaramdam na rin ng antok kaya umuwi na ako.

"Why are Alana's slippers out here?"

"Mukha bang alam ko Mommy?"

"Ikaw ba kausap ko?"

Nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan ko, paulit-ulit. Hanggang sa marinig kong tinatawag ang pangalan ko.

"Sweetie." I heard Mom's voice and felt her hands brushing my hair. "Ivori." I smiled, her voice is the sweetest.

"Anak!" Bigla akong napabangon nang tumalon si Dad sa kama ko. Kamot ang mata ay natatawa dahil pinalo siya ni Mommy sa braso.

"Sa'n ka ba pinaglihi ni Grandma Dad?" Inaantok kong sabi habang may masamang tingin sa kanya.

"Come here, Sweetie." Malambing na tawag sa'kin ni Mommy, nakangiting lumapit ako sa kanya at gumanti ng yakap. "You miss Mommy?" Tumango ako bilang sagot.

"Anak, naka-uwi na kami." Masayang bati ni Dad, nilingon ko sya at niyakap.

"Alam ko Dad."

"We brought babies." Pagkalakas-lakas nitong sabi kaya agad akong napabitaw sa yakap nila Mom.

Tinaasan ko ng kilay si Dad pero agad na tinarayan. Atsaka binalingan si Mommy, tumawa lang siya. "Nasa baba." Nakangiti niyang sambit.

"Ang alin?"

"The babies."

Nagpapalitan ang tingin ko sa kanilang dalawa atsaka dahan-dahang bumaba sa kama. "Ok." Sabi ko at naunang lumabas sa kwarto.

Nasa hagdan pa lang ako ng may isang puppy na sumalubong sa'kin at dinila-dilaan ang paa ko. Nakikiliti ako sa ginagawa nito kaya nagpaibaba ako at lumuhod sa harap nito nang bigla ako nitong kinagat.

"Ouch." bawi ko sa pulsuhan kong kinagat niya. "Ouch. He bites constantly." Nasasaktan kong sabi. Tinahulan ako nito ng bahagya ko siyang ilayo. "What breed is it?" Nang walang sumagot ay tumingin ako sa harap at nagulat nang may makita pang mga Aso. "Scott." Mangha kong bulong.

Love in a GameWhere stories live. Discover now