Chapter 10

5 0 0
                                    

Alana
-

2 days. 2 days ko ng pilit iniiwasaan si Paul at ang grupo nito. Ang mga bullies tumigil na rin, siguro nagsawa na. Hanggang tingin lang ito sa'kin ng masasama at mananaray. Kaya't payapa lang ang pag-aaral ko dito at hindi ko hahayaan si Paul na guluhin ako at pagtripan.

Pero ngayon may problema ako. Dahil noong Friday hindi tinanggap ni Miss A ang ginawa kong project dapat daw sabay kami ni Paul na gagawa dahil parusa at grades daw namin iyon.

Buntong hiningang nasandal ang likod sa upuan.

"Alana Bestfriend" sinasakop na naman ng boses niya ang buong silid.

Masamang tingin ang ipinukol ko kay Ina. Umaamba ito ng yakap sa'kin. Huminto ito at namewang.

"Bakit ang sama ng mukha mo?"

"Tss. Kasi nakita kita?"

"Alam ko namang maganda ako. Let's go."

"Saan?"

"Sa cafeteria. Kanina pa kumakalam ang stomach ko." Sabay pout nito.

Yuck.

"Ano ba! Tara na. Ngayon lang ako nagka-oras sa'yo pagbigyan mo na 'ko bestfriend."

Wala na akong nagawa nang mahila na ako nito patayo. Napakakulit talaga.

"Bakit ba ako pa ang gustong mong isama eh may mga kaibigan ka naman sa club mo."

Hindi pa rin ito tumigil sa paghila sa kanya palabas sa silid. "Hindi mo ba ako na miss?"

Tiningnan ko sya sabay ngumiwi.

"Teka nga, ba't pinag-iisipan mo pa? Nakaka-ilan ka na sa'kin ha."

Natawa na lang ako sa kanya at naunang naglakad.

"Sasama rin naman pala. Arte."

"Bubulong-bulong ka pa."

Yumakap ito bigla sa braso ko. "Hehe sorry na."

Pumasok na kami. Ako ang namili ng uupuan habang si Ina ang bibili ng pagkain. Pinili ko rito sa hindi matao at agaw pansin ang malaking puno at napapalibutan ng luntiang damo.

"Got you! Ang hirap mong hanapin ah. Ba't dito napili mo?"

Hindi ko sinagot sa halip ay inilabas ko ang pagkain sa tray at inayos ito.

"Ayaw mo sa loob? sa aircon?"

"Mas gusto ko ang pagkain." Sabay turo sa mga stalls na nakapalibot sa labas ng cafeteria.

Humalakhak ito. "You're right."

"Yeah never wrong." Sabay sumubo ng isang fries.

Ang sarap ng hangin dito sa labas sabayan mo pa ng masarap na pagkaing nakahain.

"Hi Jacob!" Magiliw na sambit ni Ina.

Mabilis ko lang syang sinulyapan at babalewalain na sana pero agad akong nanigas nang makitang hindi lang iisang paa ang nasa likod ko. May kasama sya!

'Anong gagawin ko?'

Umayos ako ng upo at ininom ang ice tea nang biglang kunin ito ni Paul para uminom din.

Agad na sumama ang mukha ko at huli na ang reaksyon ko nang maunahan ni Ina.

"Huy Paul aba't dyan ako uminom ba't dun ka sumimsim ha?!" Angil ni Ina.

Love in a GameWhere stories live. Discover now