Chapter 11

2 0 0
                                    

Alana.
-

"End of discussion. Thank you Class."

Matapos magpaalam ni Sir Poly ay dali-dali itong umalis dahil may biglaang emergency ito. Ako naman ay dumako na sa cafeteria at bibili ng pagkain para kay Ina paniguradong hindi 'yon kumain kaninang break time.

Matapos bumili ay pumunta ako sa entertainment room.

"Ahm Hi, nakita niyo ba si Belinda?" I politely asked interferring their chit-chat.

They both stopped. Hinarap ako ng isa at mataray na tiningnan. Tinuro niya gamit ang mata kung saan si Ina, sinundan ko kung saan ang tingin niya.

"Ah ok thanks."

'At saang kwarto naman kaya?' Limang pintuan ang meron rito saktong nakita ko ang bond paper na nakadikit sa pinto at may nakasulat na pangalan ni Ina. Special din 'tong babaeng 'to e.

Papasok na sana ako dahil narinig ko ang boses nito ngunit aalis na rin sana dahil may kausap pa ito pero sayang kung hindi ko maibibigay itong pagkain.

'I should wait.'

"Iyah's still not answering my call. Pa'no na 'to Ms. Valentine?" Sabi ng kasama ni Ina sa kwarto.

Hindi pa rin ako makapaniwalang ang second name ni Ina ay Valentine, hindi niya sinabi pero ito ang tawag sa kanya ng karamihan.

"Tsk. Parental issues again." Iritang sabi ni Ina.

Medyo matagal ang katahimikan bago muling nagsalita ang kasama nito.

"How's Sam?"

Hinintay kong sumagot si Ina. Gusto ko ng sumilip sa pinto pero kailangan kong magpigil.

"If you're asking for Sam to play the role then it won't happened. It's not her type."

Nagulat ako ng mabanggit si Sam. 'Does she personally know Sam?'
Now I am curious.

"Kailan ba ang uwi ni Sam?"

Matagal muli bago sumagot si Ina. Paniguradong tumataray na ito sa kawalan at nauubusan ng pasensiya.

"Soon." May biglang parating sa pinto bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

"How about si Zoe na lang?"

"I don't like her."

Ginamit ko ang chance na iyon para unahan kung sino man ang nasa pintuan.

"Alana."

"Ina."

Bahagyang nagulat si Ina at parang kinekwestyon ang presensya ko.

I smiled and showed her the food. "Alam kong hindi ka pa kumakain."

"Sweet mo ha. Pasok ka."

Ina opened the door widely and welcomed me inside her room. Puno ng kaartehan ang kwarto nito nangunguna ang masakit sa ilong na pabango nitong sobra pa sa matamis na kendi.

"Perfect."

Sabi ng lalakeng kasama nito na malaki ang ngiti sa'kin. Tiningnan ko lang sya at nilabas na lang ang pagkain sa paper bag.

"What's your problem Sebastian?"

"She's perfect for the role Valentine."

Lalapit na sana ito pero agad akong tumayo at lumayo.

"Subukan mong lumapit." Pananaray ko rito.

Ina chuckled. "Oo nga 'no. Bakit hindi ko naisip." Bumaling ng tingin sa'kin si Ina.

Love in a GameWhere stories live. Discover now