Special Chapter

74.9K 2.2K 413
                                    



My Dazzling Bodyguard


THE cold marble floor penetrating her bare feet as she slowly tiptoed across the mansion in the dark, making sure to not create any noise. Bitbit sa magkabilang kamay ang high heels. Her father wouldn't allow her to attend her bff's birthday party so she will sneak out. She wasn't allowed to do everything she wants actually. She's already twenty pero ginagawa pa rin siyang bata ng mga magulang niya na ultimo pag-shopping ay dapat through online o 'di naman kaya ay dadalhin ang mall sa sabay nila; mag-iimbita ng isang designer at mga modelo at irarampa sa harapan niya ang mga damit. Kung pumunta man siya ng mall kasama lagi ang kanyang mama at bodyguards. Ipapasara ang isang boutique para sa kanila. OA, right? Ano siya anak ng presidente, anak ng hari? Maiintindihan pa niya kung may threat sa buhay niya pero wala naman, eh. Mula pagkabata niya ay sandamakmak ng bodyguards ang meron siya. Ayon sa kanyang lola ay natatakot lang ang mga magulang niya na baka katulad ng kanyang mama ay mawala rin siya lalo't may baliw na babaeng obsessed na obsessed sa kanyang papa.

Hindi niya kilala ang babae pero ito ang sinisisi niya kung bakit ganito kahigpit ang kanyang mga magulang sa kanya. Noong una ayos lang sa kanya ang ganito pero habang tumatagal nagiging kabagot-bagot na lalo na nang tumuntong na siya sa legal age sa kung saan ay dapat mas maluwag na sa kanya ang mga magulang. Kahit sa mga school tour ay hindi siya pinapayagang sumama. Gusto niyang maranasang mag-malling mag-isa o 'di naman ay kasama ang mga kaibigan. Gusto niyang maranasang makipagsiksikan kapag may 3 days sale. Gusto niyang maranasang sumakay ng train at iba pang pampublikong sasakyan. Gusto niyang mag-bar hopping. Gusto niyang mag-travel with her friends. Gusto niyang maging malaya kahit minsan lang.

Freesia let out a sigh of relief as she managed to sneak out of the mansion without anyone noticing her. Hindi niya gustong tumakas pero nagpaalam naman siya sa kanyang papa kaya lang ay hindi siya pinayagan kahit gaano pa siyang nagmakaawa. This kind of lifestyle should be end. Nakakasawa na. Nakakasakal na. She's not a prison here at kailangan niyang ipaglaban ang kanyang karapatan. Kung ayaw siyang payagan e 'di pupunta siyang hindi nito nalalaman. Babalik naman siya bago pa man magising ang mga ito. She just needs to be there. Nangako siya kay Kateleen na a-attend siya ng party nito at kay Vince, Kateleen's brother, her 1-year boyfriend.

Yes! She has a boyfriend without her parents knowing at hindi niya maaaring sabihin sa mga ito ang tungkol sa bagay na iyon dahil mahigpit na bilin sa kanya ng kanyang papa na no boyfriend hanggang hindi siya nakakapagtapos. Eh, kahit naman makapagtapos siya duda siyang magiging maluwag na ito sa kanya. Anniversary nila ni Vince last week pero hindi sila nakapag-celebrate kaya ngayon ay babawi siya. Gusto niya itong makasama.

Patakbong tinungo ni Freesia ang gate at nang makalabas ay saka niya isinuot ang sapatos. Nilinga niya ang paligid, she smiled as she spotted the cab that was parked at the curb across the mansion. Nilinga niya ang mansion.

"Sorry, Mama, Papa. I'll be back later." She rushed across the road towards the car and hopped in eagerly as if someone was chasing her.

"Let's go?" she told the drive as she smiled from ear to ear. She could taste the freedom and it really feels good. This will be the first time to go out by herself and she's really excited.

"Sorry for making you wait," aniya sa grab driver. Hindi maalis-alis ang malapad na ngiti sa labi ni Freesia sa excitement na nararamdaman sa adventure na 'to. First time rin niyang magbook sa grab. Nag-download siya ng app kanina lang.

"Okay lang po, ma'am," the driver said politely. Ang matamis na ngiti at sayang nararamdaman sa accomplishment na nagawa ay biglang naglaho sa isang iglap sa biglang paglulan ni Nick, ang kanyang bodyguard, sa sasakyan.

"What are you doing here?"

"Ako ang dapat na nagtatanong niyan, Seňorita. Saan ka pupunta?"

"It's none of your business. It's your off today." Ang alam niya bukas pa ang balik ng lalaking ito. Tuwing weekend, lalo't nasa bahay lang siya ay araw naman ng bodyguard niya.

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon