Chapter 28

249K 5.8K 359
                                    

Baliwala ang pagmamatigas ni Geallan. Docked stuffed her inside his car sa kabila nang kanyang pagmamatigas.

"Ano ba ang gusto mo?! Bakit ayaw mo akong tantanan!?" she snarled at him. Hanggat maaari ay ayaw niya talagang napapalapit kay Dock pero nananadya talaga ang lalaking ito. Panay ang lapit sa kanya. And she couldn't  fathom why is he doing this kahit na ipinapakita na niya ang pagkadisguto niya sa presensiya nito.

"Geallan, gusto lang kitang makausap." May pakiusap sa boses nito, pero walang epekto iyon sa kanya.

"Hindi kita gustong makausap. Ano ang mahirap intindihin d'on?" I told him with firmness.

"Madaling intindihin ang gusto mo pero hindi ko lang talaga gustong gawin." Binuhay nito ang makina ng sasakyan.

"Ano ba ang gusto mong sabihin? Sabihin mo na para matapos na 'to! Ayaw kitang lumalapit sa 'kin. Ni ayaw kitang nakikita--"

"I love you!" Dock cut her off.  Natahimik si Geallan at napatitig kay Dock. She agape at him as the word sink in.

"Geallan, mahal kita." He said clearly and it made her stomach twist up in knot. She clutched the purse on her legs to ease some of her frustration.

"Noon pa man mahal na kita." She flashed her hand, stopping him. She didn't want to hear anything from him. His lies.

"Tumigil ka na!"

"Geallan, baby." She immediately scrounged through her bag, fishing out her phone and earphone. She stuck the earphone to her ear and play the music. She increased the volume hanggang sa hindi na niya marinig si Dock. Tumagilid siya ng upo, patalikod sa binata at ipinikit ang mata.

Ayaw niyang marinig ang mga sinasabi nito. Nag-level up na ba ang pagiging pa-fall nito. Aba't may pa-I love you pa! Minsan na siyang nahulog sa mga ka-sweet-an ni Dock at hinding-hindi na ulit mangyayari iyon. Noon pa man ay binalaan na siya ng kapatid nitong si Viel na huwag na huwag padadala sa mga pambobola ni Dock dahil iiwan din siya nito, pero naging tanga siya. Nakalimot siya at tuluyang bumigay ang puso niya kaya naman sobra rin siyang nasaktan. Kasalanan niya 'yon!

NAKATULOG si Geallan at nagising na lang nang may maramdaman siyang humahaplos sa kanyang braso at mahinang bulong. Nang imulat niya ang kanyang mata malamlam na ilaw pa rin ang tanging tanglaw. Nasa loob pa rin siya ng sasakyan. Naka-recline ang kinauupuan niya, wala na sa tainga niya ang earphone at may travel pillow na siya sa kanyang leeg. The coldness of airconditioner made her aware of the soft fabric covering her body. Nang yukuin niya iyon ay noon niya nakumpirmang hoodie iyon na suot kanina ni Dock. Wala na rin sa hita niya ang kanyang purse.

Geallan yawned before turning her head to the left. May ibubuka pa sana ang bibig niya pero nabitin na iyon  nang sa pagpaling niya ay naroroon si Dock, nakatunghay sa kanya, nakatukod ang isang braso nito sa naka-recline na sandalan. Mabilis siyang umayos ng upo at umiwas nang tingin.

"Nakatulog ka." Hindi niya pinansin ang sinabi ni Dock. Her brows scrunched as she looked at the outside of the car. It doesn't take a rocket scientist to figure out where she was. The breathtaking view of the city lights is a proof that they are in the overlooking spot.

"Bakit dinala mo ako rito?" Geallan asked, snapping her head to him. Binuksan ni Dock ang bintana sa driver's seat, lumanghap ito ng malamig na hangin.

"The coldness of the fresh air is different. It makes me feel invigorated and alive." His voice was smooth and manly, making her expression soft.

"Balita ko lagi kang nandito kasama si Javan."  Her brows furrowed again. Si Alford siguro ang nagsabi. Si Javan ang isa sa nagpapagaan ng kanyang loob noong mga panahong ang lungkot-lungkot niya nang iwan siya ni Dock. Si Javan lang din ang sinabihan niya ng nararamdaman niya. Sinaktan din naman siya ni Javan pero hindi niya alam kung bakit madali niya itong napatawad. Siguro dahil nagsimula sa pagiging magkaibigan. Bata palang best friend na sila. Magkapatid kong magturingan at iyon ang kinunsidera niya. At marahil ang pain na naibigay ni Javan sa kanya noon ay napalitan ng ginawa ni Dock.

Fatal Attraction 2: Get WildWhere stories live. Discover now