Chapter 13

277K 6K 391
                                    

SIGAWAN ni Reviel at Saphira, mga kapatid ni Dock, ang pangwelcome kay Dock at Geallan pagpasok palang nila ng bahay ng sarili niyang magulang. Nagtungo siya sa bahay ng magulang at isinama niya si Geallan para sa dinner. 

"Bakit sila nag-aaway?" Humawak sa braso niya si Geallan.

Nasa sala ang dalawa at nagsasabunutan. Habang si Nyke, ang second son ng pamilya ay nakaupo sa mahabang sofa katabi si Pauline Gaile, ang anak ng amiga ng kanyang mama, kumakain ng Pringles ang dalawa habang pinapanood ang dalawang parang batang nagsasabunutan. Parang nananood lang ng pelikula.

"Hey, stop that or else isang buwan kayong walang allowance." Parang nawalan ng baterya ang dalawa nang tumigil ang mga ito at natahimik pero kapwa pa rin nakahawak sa buhok ng isa't isa.

"Ano?!" Banta niya nang hindi mapakawalan ng dalawa ang isa't isa.

"Get off me!" Saphira hissed.

"No! Get off me first!" Reviel responded angrily. 

"I'm  still the older than you."

"I don't  care!"

"Isa!" Muling banta ni Dock sa dalawa.

"Sabay tayong bumitaw," Saphira suggested.

"Alright," tila nababagot na tugon ni Reviel. Unang bumitaw si Saphira pero ang malditang si Reviel ay biglang hinila ang buhok ng nakatatandang kapatid sabay takbo pero hindi pa man nakakalayo ay muling nahablot ni Saphira ang buhok ni Reviel at muling nagrambol ang dalawa.

Si Nyke ay natawa lang habang patuloy sa pagkain ng Pringles. Napilitan si Dock na lapitan ang dalawa. Hinawakan niya baywang si Saphira saka initsa ito sa sofa, si Reviel na akmang susugod kay Saphira ay hinablot niya sa baywang at ibinagsak ito sa sahig.

"Kuya, naman, eh. Ang sakit n'on, ah!" Daing ni Viel habang hinihimas ang nasaktang balakang.

"Sinabi kong magsitigil kayo! Bakit kayo nag-aaway? At ikaw, Nyke, bakit hindi mo pagsabihan ang dalawang 'to?" Nagkibit si Nyke ng balikat, kumuha ng Pringles na hawak ni Gaile at kinain iyon. Dahil nakaakbay ito kay Gaile, nagdikit ang pisngi ng dalawa nang dalhin ni Nyke sa bibig ang Pringles.

"Hayaan mo nga sila. Bigyan ko pa sila ng patalim, eh. Walang kwenta ang pinag-aawayan nila."

"Viel, Saphira! Bakit kayo nag-aaway?" Pinamaywangan na niya ang dalawang kapatid na kapwa nakaupo sa magkaharap na sofa.

"Eh, 'yan, eh!" Dinuro ni Saphira si Viel.

"Alam mo ba kung ano ang ginawa ng babaeng 'yan! Natalo ang boyfriend ko sa swimming competition dahil sa pinaggagawa niyan!" Sigaw ni Saphira pero benilatan lang ito ni Viel.

"What had she done?"

"Nilagyan niya ng dinikdik na sili ang swimming trunks ni Santi!" Bumunglahit ng tawa si Nyke at Gaile, nagsitalsikan pa ang nginunguya nitong Pringles.

"Christ, Viel! Anong kalokohan na naman ang pinaggagawa mo!" Ngayon lang siya ulit dumalaw sa kanila tas ganito pa ang maabutan niya. At hindi lang ito ang unang pagkakataon na may ginawang kalokohan si Viel sa mga ex boyfriend nito. Madalas siyang pinapatawag sa universidad na pinapasukan nito dahil sa kalokahan ng kapatid niya. Kung hindi siya benefactor sa eskwelahan ay baka matagal na itong napatalsik sa eskwelahan.

"That Santi deserved that! He's an asshole!"

"Oh, c'mon, Viel! Bakit  ba kasi hindi mo na lang tanggapin na wala na kayo ni Santi? He's my boyfriend  now and all you have to do is to move on."

"Hah! Tingnan natin kung hindi ka lokohin ng lalaking 'yan katulad ng ginawa sa 'kin. Don't be stupid, Saphira, pinaglalaruan ka lang niya." Itinaas ni Saphira ang kamay at ginalaw-galaw ang daliring may singsing.

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon