Chapter 25

224K 4.9K 560
                                    

"THIS is so yummy, Tita Brielle." Nakangiting hinaplos ni Geallan ang buhok ni Fenix na maganang kumakain ng red velvet cookies na gawa ni Mhelanie.

"Patikim nga si tita." Sinubuan naman siya nito ng cookies.

"Hmm! Sobrang sarap nga," aniya habang nginunguya ang cookies.

"I'm gonna give Mama Lyca." Tumakbo patungo sa kinauupuan ni Lyca at Alford si Fenix. Tumayo siya sa kinauupuang lounge chair at lumapit sa gilid ng malaking swimming pool. Inilibot ang mata sa kabuan ng pool area ng bagong bahay ng kanyang kapatid at asawa nito.

Kakalipat lang ng mga ito sa napakalaking bahay na ito. House blessing ngayon kaya kompleto ang buong pamilya. Perpekto ang bahay na ito para sa isang malaking pamilya. Sana lang ay magkaroon siya ng maraming pamangkin. Kaya nga lang mukhang wala pang planong magkaroon ng anak si Falcon at Mhelanie. Gusto muna ni Falcon na ma-enjoy ni Mhelanie ang career nito.

"Brielle?" Binigyan niya ng matamis na ngiti ang ama nang lingunin niya ito.

"Daddy?" Napuna niya ang seryosong titig ng ama sa kanya na bahagyang ikinakunot ng kanyang noo.

"Bakit po?"

"Ahm. Someone--" hindi na naituloy pa ni Seg ang sinasabi nang marinig nila ang excited na boses ni Falcon mula sa veranda ng silid nito.

"Listen, everyone! I'm going to be a father!" He announced excitedly as he waved a piace of paper in the air-- maybe a ultra sound result. That announcement making everyone gasp in surprise, including her. Nang makabawi sa pagkabigla ay tuluyang napuno ng ingay ang buong pool area.

Muli niyang nilingon ang ama ng marinig niya itong humiyaw ng 'yes!'
Masayang-masaya ito.

"Magiging tita na ako! Magiging lolo ka na, daddy!" Nagyakap silang mag-ama. Ang mga older naman ay hindi malaman ang gagawin sa sobrang katuwaan, lalo na ang kanyang lola at lolo na siyang madalas umungot ng apo kay Falcon at Mhelanie.

Binuhat niya si Fenix nang lumapit ito sa kanilang mag-ama.

"Magkakaroon ka na ulit ng pinsan. Magkakaroon ka na ng maraming kalaro, Fenix."

"Another triplets?" Fenix excitedly asked.

"'Yan ang hindi ko alam. Pero sana." Lyca and Alford were having a set of triplets and that was amazing. Muli niyang ibinaba si Fenix at agad itong tumakbo palayo.

"Careful, Fenix!" Napakakulit na bata pero napakagiliw sa lahat. Ito yata ang batang hindi niya kinakitaan ng hiya man lang. Lalapitan at kakausapin ang taong makikita na animo'y ka-close nito. Such an adorable kid.

Habang nakauklo, nakatukod ang dalawang kamay sa tuhod at sinusundan ng tanaw ang makulit na si Fenix ay nakuha ang atensiyon niya ng isang chestnut leather men's shoes sa kanyang tagiliran. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin para tukuyin ang nagmamay-ari ng sapatos na iyon.

Kasabay nang pag-abot ng kanyang mata sa pamilyar na mukha ay siyang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Dahan-dahan ang ginawa niyang pagtuwid ng tayo habang matamang nakatitig sa mukha nito. Nang hindi makapaniwala sa nakikita ay inilayo ang tingin at makailang ulit na kinurap ang mata. Marahil ay namamalikmata lang siya.

"H-hi," bati nito nang ibalik niya ang tingin dito. May pag-aalangan din sa boses nito.

"D-dock?" Halos hangin lamang ang lumabas sa bibig niya. Hindi makapaniwala sa nakikita. Ano ang ginagawa nito rito?

"Geallan." Humakbang ito palapit sa kanya pero agad siyang umatras. Geallan. She doesn't want to hear that name anymore. Sa tuwing naririnig niya ang pangalan na 'yan ay si Dock ang naaalala niya. Nang mabunyag ang kanyang pagkatao ay tinawag na siyang Brielle ng lahat maliban kay Dock.

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon