Chapter 35

309K 5.4K 815
                                    

I dedicated this chapter to Ms. Ramnor30 and to Jobelle Basi! Happy happy birthday mga sissy! 😘😘

---

SAKAY ng isang luxury helicopter lumipad sina Geallan patungong Dinagat Island kasama ang mga kaibigan ni Dock at mga asawa nito. Nakaupong magkakatabi si Geallan, Tres at Mhelanie at sina Lyca, Alford at Wilson ay kaharap nilang nakaupo.

Ayon kay Tres posible raw na nasa Bantigue Island ito. Islang pag-aari ni Dock. Hindi siya makapaniwala na si Dock na ang isa sa may-ari ng islang pag-aari ng pamilya ni Javan. Nasabi ni Dock noon na may isla nga ito sa lugar nila pero hindi niya akalain na ang Bantigue Island iyon. Wala rin alam ang pamilya ni Dock sa karamihan sa properties na binibili ni Dock dahil wala naman ngang pakialam ang mga ito.

Dumungaw si Geallan sa bintana. Naiinip siya. Gusto niyang makarating agad sa isla. Sana nandoon si Dock. Sana hindi ito galit sa kanya. Sana tanggapin pa siya nito.

Niyuko ni Geallan ang kamay nang hawakan iyon ni Tres.

"Relax," ani ng kapatid.

"Kinakabahan ako, kuya. Paano kung hindi na ako tanggapin ni Dock?" Pinisil nito ang kanyang kamay.

"Tatanggapin ka niya. Patay na patay 'yon sa 'yo." Pagpapalakas loob nito sa kanya. Sana nga!

"Kapag pinagtabuyan ka niya pasubugin natin 'tong helicopter niya." Marahan siyang natawa sa biro ng kapatid. Sinuri ng paningin ang kabuan ng helicopter na pag-aari ni Dock. Pinagamit ito sa kanila ng mama ni Dock. Napakaganda nito. This luxurious helicopter was built for wealthy people. It was well-equipped with all the latest technology, and interior seating features that are designed in fine leather upholstry. Hindi mo rin kailangan gumamit ng noise-reduce headset dito.

May helicopter din ang pamilya niya pero hindi ganito ka grandiyoso. Maganda, malaki pero simple lang naman.

Nang makalapag ang helicopter agad na bumaba si Geallan at iniwan ang mga kasama. Halos takbuhin niya ang sunmer house. Kabisado niya ang lugar na ito. Minsan na siyang isinama dito ng katiwala ni Congressman para tumulong sa paglilinis.

"Dock!" Tawag niya pagpasok palang niya ng summer house. Inikot niya ang buong ibabang bahay at nang hindi makita si Dock ay umakyat at hinalughog ang ikalawang palapag. Pababa na siya ng hagdan nang makasalubong ang mga kasamang kakaayat lang.

"Wala siya rito."

"Baka nasa labas," ani Alford.

"Tara tingnan natin." Sabay-sabay na bumaba ulit ng hagdan ang lahat. Parang gusto na niyang tumalon pababa o kaya'y magpadulas sa railing. Ang bagal magsibaba ng mga kasama niya. Inaalalayan kasi ng mga ito ang dalawang buntis sa pagbaba. At nang sa wakas ay makababa ay iniwan niyang muli ang mga kasama at tumakbo palabas.

"Pambihira 'tong si Brielle. Champion ba 'to sa marathon?" Narinig niyang sabi ni Alford bago siya makalabas ng summer house.

Tinakbo niya ang pangpang. Agad na hinanap ng mata si Dock. At mula sa malayong bahagi ay may nahagip ang kanyang mata-- isang bulto ng taong nakahandusay sa dalampasigan. Kung anong kaba ang gumapang sa kanyang sistema sa masamang naiisip.

"Dock," usal niya. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib na tinakbo ang kinaroroonan nito. Nakadapa, walang pang-itaas. Tanging isang white beach trouser ang suot nito.

"Dock!" Lumuhod siya sa gilid nito at pilit na pinatihaya ang walang malay na binata. Inalis niya ang buhangin sa gilid ng mukha ni Dock nang mapagtagumpayan niya itong maihiga. Amoy alak. May isang bote ng Johnnie Walker na wala ng laman sa tabi nito.

"Dock, gising." Hinaplos niya ang pisngi nito at patuloy na tinatawag ang pangalan hanggang sa umungol ito. Unti-unting nagmulat ng mata kaya nakahinga siya nang maluwag. Bahagyang naibsan ang kaba.

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon