epilogue

67.4K 1.9K 297
                                    

"WOW! WOW! Daghan ug fish! Daghan ug fish!" (Wow! Wow! Maraming fish! Maraming fish!) Tili nang tili si Freesia, ang tatlong taong gulang na anak ni Geallan at Dock. Sinasabayan pa nito ng pagpadyak ng paa at palakpak ng kamay. Malakas itong tumitili kapag pumipitik-pitik ang mga isdang nasa banyera.

Ang cute-cute talaga ng baby girl niya. Kamukhang-kamukha ito ni Geallan pero ang kulay ng balat ay namana sa angkan ni Dock. Mala-labanos ang kutis.

Lumuhod si Geallan sa tabi ng anak.

"Si mama nakadakop anang fish." (Si mama ang humuli sa mga isdang 'yan)

"Wow! Ka-amazing jud sa akoang mama!" (Wow! My mama is amazing!) Freesia chuckled. Yumakap ito sa kanya.

"Ayaw i-hug si mama kay basa ko." (Huwag mong i-hug si mama, basa ako.)

"Jusko! Parang mga alien na naman 'tong mag-ina mo, kuya. Kapag nagsama-sama 'to ng mga anak ni Viel para akong nasa ibang planeta. Why don't you teach them to speak our mother tongue. They make my kids feel left out when they communicate," reklamo ni Saphira.

Nagkatawanan lang sila ni Dock. Madalas kasi kapag nag-uusap sila ng mga anak niya Bisaya ang gamit niya, pero kapag sina Dock naman ang kausap madalas mag-taglish ang mga ito. Naaartehan siya kapag ganoon ang salita ng anak niya kaya naman bini-Bisaya niya ito.

"Magpapalit lang muna kami ni papa tapos kakain na tayo ng breakfast." Hinalikan niya sa labi si Freesia saka niyaya si Dock sa kanilang cabin.

Kasalukuyan silang nasa yate. Tatlong araw na silang nandito kasama ang mga kapatid ni Dock at mga anak at asawa nito. Madilim pa nang gumising sila ni Dock at nangisda.

"Mauna ka na sa banyo. Ihahanda ko pamalit natin," utos niya sa asawa na sumunod naman.

Kumuha si Geallan ng isang summer dress at isang T-shirt at short naman para kay Dock. Inilatag niya iyon sa kama kasama ang underwear at sumunod kay Dock sa banyo. Malapad siyang napangiti at kapagkuwa'y hindi mapigilan ang mapahagikhik nang makita si Dock na nakasandal sa dingding, nakahalukipkip habang ang tubig mula sa dutsa ay bumabagsak sa hubad na katawan nito habang may pilyong ngisi sa labi. Mukhang sadyang hinihintay ang pagpasok niya.

Ramdam ni Geallan ang pag-init ng kanyang mukha nang makita ang kahandaan nitong buhay na buhay na nakatutok sa kanyang direksiyon. Ilang taon na rin silang kasal. Dalawa na ang anak nila pero nahihiya pa rin siya kapag nakikitang ganito si Dock. Lalo na kapag sinasamahan nito ng kapilyuhan.

"Hubad na," anito at hindi mapalis-palis ang nakakalokong ngiti sa labi. Kinalas niya ang pagkakatali ng kanyang summer dress, bumagsak iyon sa sahig at lumantad ang hubad niyang katawan.

Wala siyang kahit na ano mang pang-ilalim. Pinagsuot lang siya ni Dock ng summer dress kahit na mangingisda lang sila at hindi siya pinagsuot ng bra. Kaya naman pala dahil may balak itong angkinin siya. Sa mismong bangka ay sinisid siya nito pagkatapos ay itinapon ang panties niya sa dagat. Napakapilyo ng asawa niya pero gustong-gusto niya ang kapilyuhan nito. Nararamdaman niya kasing kahit na mag-asawa na sila at may mga anak na ay hindi pa rin ito nagsasawa sa kanya. May sexual tension pa rin sa pagitan nilang dalawa. Mainit na mainit pa rin sila pagdating sa kama. Para silang laging new couple.

Dock wiggled his index finger, motioning her to approach him. Malapad ang ngiting humakbang si Geallan palapit sa asawa.

"Ay!" Geallan chuckled when Dock grabbed her by the waist and pushed her against the tiled wall. Bigla na lang itinaas ni Dock ang isang paa ni Geallan. Hindi niya mapigilan ang umungol nang maramdam ang ulo ng katigasan nito sa bukanan ng kanyang pagkababae.

"Shit!" Mahina niyang pagmumura dahil ramdam niya agad na handa na ang kanyang pagkababae para papasukin ang playmate nito. Jesus! Up until now ay napakatindi parin ng epekto ni Dock sa kanya. Kaunting pagpapakita ng kapilyuhan ay agad na nagre-react ang kanyang katawan.

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon