Chapter 7

291K 6.7K 310
                                    

Umalis si Dock at naiwang mag-isa sa condo si Geallan. Natakot siyang baka balikan siya ni Rex pero napanatag naman ang loob niya nang sabihin ni Dock na banned na raw si Rex sa building at hindi na makakapasok pa. Binilin din sa kanya na kapag may tao sa labas ay silipin niya muna sa peephole at kung hindi kilala ay huwag pagbubuksan.

Habang nanonood ng tv ay biglang bumukas ang pinto ng condo kaya bigla siyang napatayo. Ang akala niya ay si Dock na ang dumating pero nang lingunin niya ay isang napakagandang babaeng tila kumikinang ang balat sa puti. Lumarawan ang bahagyang pagkagulat sa magandang mukha ng babae nang makita siya pero ngumiti rin kapagkuwan.

"Hi, where's the big guy?" Tanong nito, isinara ang pinto at lumapit sa kanyang kinaroroonan. Ang ganda-ga da nito. Hukab na hukab ang magandang hubog nitong katawan sa suot nitong beige na bodycon. Ang makintab nitong brown na buhok ay tuwid na tuwid, hanggang baywang iyon. Ang kulay ng mata ay katulad ng kay Dock.

"Hey!" Ipinitik nito ang daliri sa mismong harapan ng mukha niya para gisingin siya sa pagkatulala. Ang cute ng dimple nito. Isa lang iyon at nasa kanang pisngi. Lubog na lubog kapag ngumingiti.

"Are you my brother's girlfriend?" Umawang ang bibig niya pero muli ring isinara nang walang naapuhap na salita. Kung ganoon ay kapatid ito ni Dock.

"Oh, how stupid am I for asking such question. Of course, you're the girlfriend of that big guy. Hindi ka naman siguro nandito kung hindi. I'm Viel any way." Inilahad nito ang kamay sa kanya. Nag-aalangan niyang inabot iyon at nagmukhang dumi ang kamay niya nang magdikit ang balat nila. Ang puti-puti nito. Para silang kape't gatas.

"Geallan," pakilala niya.

"Wala na pala si kuya at Princess." Anito at umupo sa sofa. Pinagkrus ang mga hita.

"Nasaan nga pala si kuya?"

Umiling si Geallan. "Lumabas lang siya sandali. Kapatid ka niya?"

Nakangiti itong tumango. "Upo ka." Bahagya nitong tinapik ang sofa. Umupo siya sa tabi nito pero may distansiya.

"Ikaw ang girlfriend niya ngayon? Akala ko pa naman balak na niyang magkaroon  steady girlfriend. Hindi pa rin ba niya binabali ang rules niya?"

"Rules?"

"Yeah. One-month rule sa relasyon niyo. Ano ba ang sabi niya sa 'yo? Ilang months lang kayong pwedeng maging couple?"

"Wala naman siyang sinabi."

"Really?" Gumawa ng tila nag-iisip na ekspresyon ang mukha nito.

"Weird. Alam mo kasi, may one-month rule 'yon si kuya. Ahm. Isang buwan lang tumatagal ang pakikipagrelasyon niya. Pero aware naman ang mga girls sa rules na 'yon. Sinasabi niya at dapat agree  ang babae bago sa ganoong patakaran bago nila pasukin ang relasyon."

"I-isang buwan? Ano ang mangyayari pagkatapos ng isang buwan."

"Wala na. Bye bye na! Disposed na kayo. Kaya huwag kang madadala sa mga ka-sweet-an ng kapatid ko, ah. Maraming babaeng nahuhulog d'on dahil ideal bf daw kuno." May diin nitong sinabi ang huling salita.

"Gagawin ang lahat para maging masaya ang girlfriend niya habang sila, but if the time comes to end the relationship. End na talaga. He would never extend the time, even a second." Grabe naman! May expiration date pala ang relasyon para kay Dock. Paano kung pumayag siyang maging girlfriend ni Dock? Isang buwan lang tapos na at paaalisin na siya dito?

"Oh, don't be upset." Anang babae nang mapansin ang lungkot sa mukha ni Geallan.

"Since hindi naman sa 'yo ni kuya sinabi ang rules niya sa pakikipagrelasyon, ibig sabihin baka balak na niyang magsteady. You might  special to him. Kasi last relationship niya medyo binali niya ang rules niya."

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon