Episode 14 (1/4)

37 4 1
                                    

SHIN

Pagkatapos ng aming training ay nakita kong nagmamadaling umalis si P’Tee. Ngayon ang araw ng concert ni Boy Sompob at manonood silang dalawa ni P’Pam.

“Saan pupunta si P’Tee? Bakit parang nagmamadali siya?” tanong ni Juanse na kalalapit lang sa akin.

“Manonood sila ni P’Pam ng concert.” matamlay kong sagot.

Hinawakan niya ako sa balikat.

“Ok lang yan, Shin. Makakalimot ka rin.” Aniya at alam kong nag-aalala siya.

“Uhhmm! I’m fine.” maikling sagot ko naman. Kunwari okay ako pero ang totoo ay hindi naman talaga ako ayos.

“Halika! Ililibre kita.” pagkakuwa’y aya niya.

Dinala niya ako sa isang shabu-shabu restaurant malapit lang din mismo sa aming eskwelahan. Maaga pa naman at wala na rin kaming gagawin ngayon.

“Hindi ba natin yayain si P’Ae?” tanong ko sa kaniya pagpasok namin sa loob.

“May gagawin daw sila ni P’Neo ngayon. Saka nagpaalam na rin ako sa kaniya.”

Mabuti pa itong kaibigan ko at si P’Ae. Mukhang getting stronger 'yong kanilang relationship. Samantalang ako, ewan ko….ang labo!

Nang lumapit ang waitress ay agad ding umorder si Juanse.

“Mayroon pa ba kayong order, sir?” tanong ng waitress bago ito umalis.

“Wala na, Miss.” agap na tugon ni Juanse.

Nang umalis ang waitress ay nag check ako ng aking cellphone. Pagkakuwa’y nagbukas ako ng aking FB account. Nakita ko ang bagong uploaded photos ni P’Pam kasama si P’Tee. Mukhang masaya sila sa nasabing larawan.

Bigla akong natigilan at nakatulalang nakatitig sa kanilang mga larawan.

“Shin! May problema ba?” tanong ni Juanse. Bumalik ako sa aking katinuan.

“Huh! Ahhhmmm…Oo, okay lang ako.” nauutal kong sagot.

“Ito ba ang dahilan?” si Juanse at ipinakita niya ang kaniyang cellphone. Same lang ang laman ng newsfeed namin.

Hindi ako sumagot at sa halip ay napayuko na lamang ako.

“Akala ko si Than ang gusto mo noon. Kailan pa nagsimulang magustuhan mo si P’Tee?” Napalunok ako sa tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

“Simula nang sinabi ni Than na kaibigan lang ang turing niya sa akin. Si P’Tee kasi ang laging kasama ko noon. Siya rin 'yong naging sandalan ko sa mga panahong malungkot ako. Hanggang isang umaga nagising na lang ako na gusto ko na siya. Ewan ko nga! Ang weird di ba?”

“Alam ba niya na gusto mo siya”

Umiling ako.

“Hindi niya alam. Pero umasa ako na gusto niya rin ako noon dahil napakabait niya sa akin. Pero noong huling gabi natin sa Chiang Rai, hinalikan niya ako. Actually, masaya ako noon dahil akala ko gusto niya rin ako kaso lang bigla niya akong tinulak tapos humingi siya ng tawad sa akin. Feeling ko nadala lang siya noong gabing ‘yon.”

“Baka mali ‘yong hinala mo, Shin. Baka may gusto nga siya sa'yo.”

“Pero nakita ko silang dalawa ni P’Pam. Masyado silang malapit sa isa’t isa. Napaka-sweet din nila pareho. Tingin ko si P’Pam ang gusto niya at hindi ako.”

"Iyon din ang sabi niya. Pero hindi naman imposible na magustuhan niya si P'Pam eh. Maganda si P'Pam."

Napaisip si Juanse.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon