Episode 18 (3/4)

41 4 2
                                    


THAN

Isang oras nalang magsisimula ang ang game 1 ng finals. Bago kami umalis ng NSIS ay tumawag muna  sina Papa at P’Knock na hindi raw muna sila makakapunta ngayon dahil busy si Kuya sa kaniyang pag-aaral at may mga bagong dating na stocks sa aming grocery store. Nangako naman silang pupunta sa game 2 ng finals para manood.

Pagkatapos kong ilagay sa locker ang aking mga gamit ay nagpaalam muna ako kay Coach Win na lalabas lang ng sandali. Agad din naman niya akong pinayagan kaya dali-dali akong lumabas at tumungo sa quarter ng CIS.

Hindi pa ako nakakalapit ng may narinig na akong nag-uusap. Saglit akong napatigil at sumilip ng bahagya. Nakita kong nagtatalo sina Folk at P’Nam.

Huminga muna ako ng malalim at saka nagpatuloy sa aking paglakad papunta sa kanilang kinaroroonan.

“Nandito na pala ang ambisyosang bakla!” galit na sabi ni P’Nam ng makita ako nito.

“Bakit ba hindi mo matanggap P’ na kahit kailan hindi ka kayang mahalin ni P’Neo? Tapos ngayon, sisirain mo kami ni Folk.” ani ko. Tinitigan ko siyang nakakunot ang aking noo.

“Napaka-ambisyoso mo talagang bakla ka!”

“Eh ano naman ang tawag sayo P’Nam? Desperada? Opps! Mas bagay sayo ang salitang cheap kasi habol ka ng habol sa taong ayaw naman sayo.” Nakita kong nagngitngit ang kaniyang mukha.

Isang malakas na sampal ang kaniyang pinakawalan at tumama sa aking pisngi. Ramdam ko ang biglang pag-init nito.

“Sumusobra ka ng babae ka!” si Folk at agad siyang tinulak nito na muntikan niyang ikinatumba. “Huwag na huwag mong saktan ulit si Than dahil kakalimutan kong babae ka.” galit na turan nito na halatang nagpipigil.

“How dare you!?” anito sabay sugod kay Folk at pagkakuwa’y sinampal niya ito ngunit maagap na sinalo ni Folk ang kaniyang kamay.

“Sige, subukan mong saktan ako dahil hindi kita aatrasan.”

“Walang hiya ka! Pagsisihan mo ito!”

“At bakit? Ikakalat mo ang video ko?”

“Oo! Tingnan natin kung may mukha ka pang iharap sa lahat pagkatapos nilang mapanood ang video mo.”

“Sige! Gawin mo! Hindi ako natatakot.”

“Ahhhh….ganun huh!” ani P’Nam at sabay kuha ng kaniyang cellphone sa hawak nitong shoulder bag. “Huwag mo akong takutin dahil ikakalat ko ito.”

“Sa palagay mo kaya P’Nam kung ikakalat ko rin ang video mo kasama si P’Tar, ano rin kaya ang sasabihin ng ibang tao tungkol sayo?” Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko. Tiningnan ako nito ng matalim.

“Huwag kang gumawa ng kuwento!”

Kinuha ko ang aking cellphone at ipinakita sa kaniya ang sex video nilang dalawa ni P’Tar. Halos nanlaki ang kaniyang mga mata ng mapanood niya ito. Sinubukan pa niyang agawin ang cellphone ko ngunit nakailag agad ang kamay ko.

“Sa tingin ko P’ walang nakakaalam ng video na ito. Saka ano kaya ang sasabihin ng buong NSIS community pag nakita nila ito? Alam narin kaya ito ng family mo?” may pagka-sarkastiko ang tono ng aking boses.

Tinitigan niya ako ng matalim.

“Sinungaling ka! Hindi totoo ang video na ‘yan!” giit niyang tanggi.

“Tama na Nam!” na-estatwa siya sa biglang paglapit ni P’Tar. “Panahon na para ituwid ko ang lahat ng pagkakamali ko sa kaibigan ko. Ginamit mo lang ako para nakawin ko ang video nina Mork at Folk.”

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon