Episode 15 (4/4)

36 3 0
                                    

THAN

Ngayon ang simula ng second round of elimination. Una naming makakalaban ang Pattana School of Bangkok.

Medyo ok narin ako kahit papano. Ilang araw naring hindi kami nag-uusap ni P’Neo. Malungkot ngunit aminado akong naging tahimik narin ang buhay namin pareho. Hindi narin kami napag-uusapan sa school at maging sa social media. Siguro nga tama lang ang naging desisyon kong lumayo sa kaniya.

Paminsan-minsan, nakikita ko parin ang lungkot sa kaniyang mga mata. Kahit ako man din ay nakakaramdam ng ganoon sa tuwing naaalala ko ang dati naming samahan. Ganunpaman, pilit kong nilalabanan iyon. Ayaw kong magpadaig para sa ikatatahimik naming lahat.

Pagpasok namin sa aming quarter ay dumiretso agad ako sa aking locker. Mabilis kong inilagay ang aking mga gamit sa loob nito at pagkuwa’y nagpalit agad ako ng aking jersey. Mga ilang minuto ang nakalilipas ng bigla kaming tinawag ni Coach Win para sa pagsisimula ng first set.

“Malakas ang Pattana School.” pagsisimula ni Coach Win. “Kailangan natin silang maunahan.  Huwag niyong hayaang makapasok ang kanilang mga atake. Kapag tayo ang nasa service line, malaki ang chance natin na magkaroon tayo ng free ball kapag kinargahan natin ang ating services. Neo, kailangan nating mag focus sa laro. Iwan niyo muna ang lahat ng personal niyong problema. Kailangang mapanatili natin ang ating standing.”

“Yes coach!” sabay naming tugon sa sinabi ni Coach Win.

Nang tumingin ako kay P’Neo ay nakita kong medyo tensyonado siya. Ilang saglit lang ay tumingin naman siya akin. Hindi agad ako nakaiwas kaya naman nagkasalubungan ang aming mga paningin. 

Nakatitig siya sa akin at ganoon din naman ako sa kaniya. Nangungusap ang kaniyang mga mata. Wala na akong ibang magawa kundi ang tapunan siya ng napakanipis na ngiti. Bahagya rin siyang tumugon sa naging ngiti ko sa kaniya.

Set 1. Unang magse-serve ang Pattana School of Bangkok. Maganda ang aming naging reception kaya naman nai-set ito ng maayos ni P’Tee papunta sa akin. Isang super kill ang pinakawalan ko at agad na napunta ang unang puntos sa aming team 1 – 0.

Si P’Neo ngayon ang nasa service line. Gamit ang kaniyang jump serve, isang service ace ang kaniyang pinakawalan… 2 – 0 at pabor sa aming koponan.

Naging maganda ang takbo ng aming laro at maagang natapos ang first set sa score na 25 – 15.

Set 2. Agad na nakabawi ang Pattana School of Bangkok. Naging aggressive ang kanilang net defense at pumapasok ang kanilang mga atake. Bumaba ang aming reception percentage at nagkaroon din kami ng mga errors. Nahirapan kaming pumuntos upang tuluyang makuha ng PSB ang ikalawang set sa score na 25 – 16.

“Bawi tayo boys.” sabi ni Coach Win bago nagsimula ang third set.

Pagbalik namin sa loob ng court, isang malalim na hininga ang pinakawalan ni P’Neo. Gusto ko siyang lapitan at palakasin ang kaniyang loob ngunit hindi ko rin ito magawa. Nakita ko kasing bumaba ang kaniyang puntos sa set 2 at alam kong dismayado siya sa naging resulta nito

Sunud-sunod na puntos ang ginawa ng Pattana School of Bangkok. Hirap parin ang aming team at hindi namin naico-convert sa puntos ang aming mga atake. Kahit ang mga atake ko ay nahaharangan ng kanilang mga blockers. Ni hindi namin nagawang lumamang sa ikatlong set at tuluyang nakuha ng PSB ang set na ito sa score na 25 – 18.

Set 4. Mahirap ngunit kailangan naming manalo sa set na ito para maitulak ang laro sa 5th and final set. Gaya ng nakaraang dalawang set, patuloy na nagpaulan ng puntos ang team Pattana. Ngunit dahil sa malalakas na atake ni P’Neo sa front row ay nakakahabol kami. Gumagana narin ang mga atake namin. Si P’Peak gumana rin ang kaniyang middle attack. Naging mabilis at unpredictable ang set ni P’Tee. Natapos ang second technical timeout sa score na 16-14. Behind lamang kami ng dalawang puntos kontra Pattana School of Bangkok.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon