Episode 16 (1/4)

35 3 0
                                    



NEO

Tahimik akong nakaupo dito sa kubo malapit lang din sa gate ng eskwelahan habang hinihintay ko ang pagdating ni Than. Alam kong kasama niya si Folk ngayon. Panay ang ginagawa kong pagtanaw sa bukana ng gate.

Ilang saglit lang ay lumapit sa akin si Tee.

“Bakit ka nandito?” agad niyang tanong paglapit sa kinaroroonan ko.

Ngunit hindi ako sumagot at sa halip iniba ko ang direksiyon ng aking mata.

“Hinihintay mo ba si Than?” tanong pa nito pagkatapos nitong lumingon sa labas ng gate.

Wala paring sagot mula sa akin. Hindi parin ako nagsasalita at patuloy ang pag-iwas ko ng tingin sa kaniya.

Isang malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan at pagkuwa’y tumabi sa akin sa pag-upo.

“Neo, kahit hindi mo pa sabihin sa akin alam kong si Than ang hinihintay mo. Bakit kailangang pahirapan mo ang sarili mo?” Natigilan ako sa naging tanong niya.

Bagaman wala akong sinasabi, alam kong may alam siya sa tunay kong nararamdaman. Magkaibigan kami sa loob ng tatlong taon. Siguro nga’y sapat na iyon para makilala niya ako kahit papano.

Ilang sandali lang ay biglang tumunog ang cellphone ko. Isang hindi rehistradong numero ang nagpadala ng larawan. Binuksan ko ito ng walang pag-aalinlangan sa pag-aakalang simple at ordinaryong larawan lang ito. Ngunit laking gulat ko ng makita ko ito……larawan nina Than at Folk habang naghahalikan.

Halos nanlaki ang aking mga mata ng makita ko iyon. Hindi ko napigilan, biglang nakaramdam ng pagkirot ang aking puso. Nang hindi ko ito nakayanan ay bigla akong tumayo sa aking kinauupuan at mabilis na nilisan ang lugar na iyon.

Wala ako sa aking sarili ng inakyat ko ang hagdanan patungong rooftop. Kasabay ng mabilis kong hakbang ang mabilis na pagdaloy ng masasaganang tubig mula sa aking mga mata. Yes! Umiiyak ako na di ko rin naman mawari kung tama ba ito. Ngunit sadyang nasasaktan ako ngayon at nais kong ilabas ang sama ng aking kalooban.

Sa isang sulok kung saan malaya kong mailabas ang aking mga luha ako tumungo. Pagdating ko roo’y para akong batang naupo sa sahig at pagkakuwa’y humagulgol ng todo.

Napapahawak ako sa aking ulo habang sunud-sunod parin ang pagdaloy ng aking mga luha. Wala akong karapatang makaramdam nito ngunit hindi ko maiwaksi sa aking sarili ang masaktan ng labis.

Yes! Inaamin ko, nasasaktan ako dahil ang totoo gusto ko si Than. Ngayong masaya na siya sa piling ng iba, pakiramdam ko ba’y natabunan ako ng langit at lupa. Pilit kong pinigilan ngunit hindi ko rin nagawa bagkus mas lalo akong nagkagusto sa kaniya. Alam kong mali subalit sadyang hindi ko nagawang pigilan ang pintig nitong aking puso.

Hindi ko namalayan ang paglapit ni Tee. Sinundan pala ako nito paakyat dito sa rooftop. Niyakap niya ako ng mahigpit na wala man lang sinasabi.

“I-iyak mo lang yan Neo.” mahina nitong wika habang panay ang ginagawang paghimas nito sa aking likod.

Sa kaniyang balikat inilabas ko lahat. Halos mabasa ng aking mga luha ang damit nito. Hindi na ako nagpigil at sa halip inilabas ko na ang lahat ng luha hanggang naramdaman kong halos wala ng dumadaloy sa aking mga mata.

Tinabihan ako ni Tee sa pag-upo at maya-maya’y ipinakita nito ang larawan sa kaniyang cellphone. Pareho lang ito sa larawang ipinadala sa akin kanina lang.

“Ito ba ang dahilan?” malumanay niyang tanong. Napatingin ako sa kaniya at hindi ko alam kung ano ang aking itutugon.

“Neo, kahit hindi mo sinasabi sa akin alam kong noon pa gusto mo na siya. Alam kong puno ng takot ang puso mo kaya hindi mo maamin sa kaniya at higit sa lahat diyan sa sarili mo ang totoo. Ako man din, bago naging kami ni Shin puno rin ng takot ang puso ko. Normal ang matakot tayo Neo pero dapat hindi tayo magpadaig sa takot na ating nararamdaman. Alam kong hindi madali ang umamin lalo pa’t sa pareho nating kasarian, ngunit kailanman hindi masama ang magmahal ng parehong kasarian. Walang batas ang pag-ibig Neo. Walang nagsasabi na ang pag-ibig ay para lang sa babae at lalaki. Lahat tayo ay may karapatang magmahal at mahalin.” Halos natigilan ako sa naging pahayag ni Tee. Malalim ngunit nauunawaan ko rin iyon.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon