Episode 17 (1/4)

34 3 0
                                    


KIT

“Bakit mo ito ginagawa In?” naging malakas ang pagkakatanong ko. Ngunit hindi parin siya sumasagot at sa halip pilit nitong iniiwasan ang mga titig ko.

“Bakit In?” muling tanong ko sa kaniya.

“Dahil hindi dapat mapunta si Than kay P’Neo.” halos pasigaw nitong sagot.

Nagulat ako sa aking narinig. Halos nanlaki ang aking mga mata.

“Anong ibig mong sabihin?” puno ng pagtatakang tanong ko.

“Akin lang si Than. Walang puwedeng kumuha sa kaniya. Matagal ko na siyang gusto. Siya ang dahilan kung bakit pinilit kong matutong maglaro ng volleyball. Dahil sa kaniya pinili kong mag-aral dito. Akin lang siya Kit. Walang puwedeng umagaw sa kaniya. Lahat sisirain ko mapunta lang siya sa akin.” salpok-kilay na pahayag ni In. Hindi ko inaasahan ang lahat ng nalaman ko ngayon.

“At sa tingin mo magugustuhan kita dahil sa ginawa mo?” biglang sabi mula sa aming likuran. Pamilyar sa amin ang boses na iyon kaya agad din kaming napalingon sa pinagmulan ng nasabing tinig.

“Than!” gulat na sambit ni In.

Samantalang hindi ako nakapagsalita ng makita ko si Than.

“Itinuring kitang kaibigan In pero bakit nagawa mo sa akin ‘to?” halos-pigil hiningang tanong ni Than ng lumapit sa aming kinaroroonan.

Nakita kong biglang nag-alala ang mukha ni In.

“Than nagawa ko lang ‘yun dahil sa pagmamahal ko sayo. Mahal na mahal kita Than. Ayaw kong mawala ka.” pagkuwa’y paliwanag nito.

“Paano kita mamahalin kung ganiyang klase ng pagmamahal mayroon ka? Kahit kailan hindi ako mapupunta sayo. Kahit sirain mo pa ang buong pagkatao ko hindi kita mamahalin kasi makasarili ka.” wika ni Than. Nagsimula naring pumatak ang kaniyang mga luha.

Hinawakan ni In ang kaniyang kamay.

“I’m sorry Than. Pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon na iparamdam sayo kung gaano kita kamahal. Believe me, mahal na mahal kita at handa kong gawin lahat para sayo.” sabi nito na puno ng pagsusumamo ang kaniyang boses. Nagsimula naring nagsibagsakan ang kaniyang mga luha.

Sinubukang tanggalin ni Than ang kamay nitong nakahawak sa kaniya.

“Hindi kita mahal at sana matanggap mo ‘yun.” wika ni Than. Kahit nakita kong nasasaktan na siya nagawa parin nitong maging mahinahon.

“Than please……” pagmamakaawa ni In at ngayon nagsimula na siyang lumuhod sa harapan ni Than. “Bigyan mo ako ng chance na iparamdam sayo ang pagmamahal ko. Kaya ko lang nagawa ‘yun dahil mahal na mahal kita.”

“Bitawan mo ako.” si Than at dahan-dahang lumayo kay In.

Samantalang humagulgol si In habang nakaluhod. Nakita kong labis siyang nasasaktan at naramdaman kong napakalaki ng pagmamahal niya kay Than.

Umalis si Than at hindi na rin siya nagbitaw pa ng masasakit na salita sa kabila ng ginawa ni In sa kaniya. Ngayon ko higit na napatunayan na napakabuti niyang tao.

Nang lumingon ako kay In, nakita kong patuloy siya sa pag-iyak. Habang pinagmamasdan ko siya, awa ang nararamdaman ko sa kaniya. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit.

“Tama na In.” mahinang sabi ko habang sinusubukan ko siyang pakalmahin. Bahagya kong hinimas ang kaniyang likod.

Mga ilang minuto pa ang itinagal bago tuluyang tumigil siya sa pag-iyak. Tumungo kami sa isang upuan at sabay na naupo. Huminga siya ng malalim at saka tumingin sa akin.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon