Episode 10 (1/4)

47 3 0
                                    

NEO

Paakyat na ako ng hagdan nang bigla akong napatigil nang makita ko sina Than at Earn na magkatabing nakaupo.

Pinagmasdan ko silang dalawa. Matagal akong nagmamasid habang tinuturuan ni Than si Earn.

Mayamaya ay....

"Ahem!" boses mula sa aking likuran.

Si Tee at bigla akong inakbayan.

"Mukhang bagay sila no." aniya.

Hindi agad ako tumugon sa kaniyang sinabi.

"Uhhmm! Bagay sila." pagkuwa'y sabi ko. "Halikaa na!" aya ko sa kanya pagkatapos.

Agad din kaming dumiretso sa aming klase. Pagdating namin sa loob ng aming classroom ay naupo akong ang laman ng aking isipan ay ang eksenang nakita ko bago lang.

Sang-ayon ako sa sinabi ni Tee. Bagay nga sina Than at Earn. Guwapo si Than at maganda si Earn. Hindi man aminin ni Earn ang lahat subalit kita ko sa kaniyang mga kilos na may gusto siya kay Than.

Di ko alam kung bakit, pero sa tuwing iniisip ko iyon ay pakiwari ko ba'y nalulungkot ako ng hindi ko naman sinasadya. Nalilito ako kung ano itong nararamdaman ko.

"Ok ka lang?" takang tanong sa akin ni Ae.

Napansin kasi niya ang pananahimik ko ngayon.

'Huh! Errr....Uhhmmm!" iyon lamang ang naging tugon ko at pagkuwa'y kumuha ako ng aklat sa aking drawer at nagbukas. Kunwari nagbasa ako ngunit ang totoo wala naman doon ang aking atensiyon.

THAN

"Thank you, Than." sabi ni Earn na ang ibig niyang tukuyin ay ang ginawa kong pagtulong sa kaniya sa pagsagot ng kaniyang assignment.

"Mai bpen rai."

Ilang segundo lang ang lumipas ay halos nanlaki ang aking mata nang makita kong pumasok si P'Mil at mga kaibigan nito sa aming klase. Bigla akong kinabahan nang lumapit sila sa aming kinaroroonan.

"Hi, Earn!" agad niyang bati kay Earn at pagkuwa'y tinitigan niya ako ng matalim.

Bagay na mas lalong nagpakaba sa akin. Kita ko kasi sa kaniyang mga titig na may galit siya sa akin.

Muli niyang ibinaling kay Earn ang kaniyang mga paningin.

"Puwede ba kitang yayain mamaya para kumain?" tanong niya kay Earn.

"Ahhhh...P' hindi kasi puwede eh. May gagawin ako." tanggi ni Earn.

Biglang natigilan si P'Mil at muli niya akong tiningnan ng matalim. Kuha ko na, iniisip na naman nito na iyon ay dahil naman sa akin kaya siya tinanggihan ni Earn.

"Ok basta mamaya hatid kita sa inyo." matigas niyang sabi at sabay alis.

Hindi na sumagot si Earn at sa halip ay para itong tuod na hindi makakilos sa kaniyang kinauupuan.

"Bakit ba ayaw mo sa kaniya?"

"Mayaman sila. Makapangyarihan ang kanilang pamilya. Hindi ako nababagay sa kaniya. At isa pa, masyado siyang mayabang. Feeling niya kaya niyang makuha lahat."

"Pero may gusto ka ba sa kaniya?"

Huminga ng malalim si Earn.

"Unang araw ko rito ay siya agad ang nakita ko at siya lang din ang lumapit sa akin. Inaamin ko, gusto ko siya noon. Hindi rin naman natin puwedeng ipagkaila na guwapo siya at sikat. Pero habang tumatagal kasi, nakita ko ang totoong pag-uugali niya. Siguro dahil sa mayaman sila at very influential ang kaniyang family kaya ganoon. Hanggang medyo nawala ang attraction ko sa kaniya lalo na noong nakilala kita, Than." wika niya.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon