Episode 8 (3/4)

53 3 0
                                    

THAN

Balik ulit kami sa matinding training para sa susunod na naming laban kontra St. Augustine International School.

Halos sampung minuto lang ang aming pahinga sa bawat isang oras na insayo. Lahat kami ay determinadong maipanalo ang aming ikalawang game at makuha namin ang unang panalo ngayong season 84.

Receiving, digging, blocking at spiking. Lahat ‘yon ah ininsayo namin ng mabuti.

“Focus ñ, boys!” halos pasigaw na sambit ni Coach Win. At kahit pagod na, tuloy pa rin kami sa aming training para sa buong NSIS community.

Pagkatapos ng halos apat na oras na pagbabad sa loob ng court ay kinausap muna kami ni Coach Win bago kami naghapunan.

“Alam kong lahat tayo ay nadismaya sa una nating talo.” pagsisimula niya. “Pero hindi roon natatapos ang lahat, boys. Simula pa lang ‘yon at kailangan nating bumawi kaagad. Kaya ko kayo binigyan ng isang araw na break para muling bumalik ang composure ninyo. Kailangan natin ng tiwala ng bawat isa. Magagaling kayo, walang duda ‘yon. Pero tandaan ninyo, hindi lang basta galing ang kailangan dito. Puso at determinasyon… 'yon ang pinakasandata natin. Tee, Shin, kayo ang setter. Kahit kanino puwede ninyong ibigay ang bola pero kailangan maramdaman ng lahat ng spikers ninyo ang tiwala ninyo sa kanila. Huwag kayong matakot. Dapat matalino kayo sa mga sets na ibibigay niyo. Mick, Peak, In, Kit…kailangan na kailangan kayo sa middle. Sa last game natin, mababa masyado ang percentage natin sa blocking. Doon tayo magaling sa mga nakaraang tatlong taon. Hindi puwedeng mawala ang blocking natin kasi lahat ng kalaban natin ay malalakas at magagaling din. Ngayon, kung makakapasok ang mga atake nila, mahihirapan tayo na maiangat ang bola. Kaya kailangan paganahin ninyo lagi ang inyong blocking. Mick, hindi ko nakita ang running attacks mo. Tee, kailangan ibalik niyo ‘yon sa next game natin. Fluke, Ryu, hindi puwedeng mahuhulog lang ang bola ng ganoon-ganoon lang. Hangga't maaari ay itaas ninyo ang bola papunta sa ating setter. Ae, Juanse, combination play at ang mga opposite attacks natin, siguraduhin na hindi na maitataas ng kalaban. Neo, Than, kayo ang outside hitters. Your main role is to attack and score. Front row at back row, lahat ‘yon ay kailangan mainsayo ninyo ng maayos. Neo, kailangan madevelop lalo ni Than ang kaniyang jump serve. Turuan mo siya at kailangan sa loob ng tatlong araw makakita na ako ng improvement.” pahayag ni Coach Win. Tahimik lamang kaming lahat habang nakikinig sa kaniya.

“Higit sa lahat, boys, the best weapon na mayroon tayo is be humble always at huwag maliitin ang kalaban. Give your best and trust yourself.” dagdag pa ni coach.

Ngayon ko naiintindihan ang lahat na sa kabila ng tagumpay na naabot ng volleyball team ng NSIS ay ni minsan hindi ko sila nakitaan ng anumang kayabangan. Kahit sina P’Mew, P’Tom at P’Gab noon. Kahit pa tinagurian silang volleyball superstars, sila ay nanatiling mapagkumbaba.

“Than, bukas practice ulit tayo ng jump serve mo.” sabi ni P’Neo habang papunta kami ng aming locker. Iyon kasi ang sinabi ni Coach Win sa amin kanina.

Alam ko kung gaano kahalaga ang jump serve. Mas malakas na serve mas malaki ang chance na magkakaroon ng service aces o kung hindi man, mas malaki ang chance na magkakaroon kami ng free ball. Sa ganoong paraan magkakaroon kami ng chance na mai-spike namin ng maayos ang bola.

“Khrap.” agad kong tugon. “Pasensiya ka na, P’ kung hindi pa ako ganoon kagaling sa serve,” pagkuway mahina kong dugtong sa sinabi ko.

“Mai bpen rai! Huwag mong isipin ‘yon, Than. Lahat naman tayo nagsisimula sa ganoon. Kahit ako, hindi rin naman ako dati marunong ng jump serve. Sina P’Tom at P’Mew ang nagturo sa akin. Alam mo bang ilang beses din akong nagkamali noon na halos nagpasuko sa akin? Kaso naging matiyaga lang sila na turuan ako kaya heto ako ngayon. Ganoon din ang gagawin ko sa'yo, Than. Kahit ilang beses ka pang magkamali, hinding-hindi ako magsasawang turuan ka. Pangako ko ‘yon. Gagawin ko ang lahat gagaling ka lang.” ani P’Neo.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon