Episode 2 (4/4)

83 6 0
                                    



THAN

Hanggang ngayon, ramdam ko parin ang sakit ng aking mukha at katawan. Nagkaroon ako ng mga pasa sa mukha, katawan at maging ang mga kamay ko ay halos nangitim din dahil sa tama ng mga bola.

Kumuha ng isang towel si Shin at ibinabad ito sa maaligamgam na tubig para ilagay sa mga pasa ko.

“Ok ka lang ba?” tanong nito habang hina-hot compressed ang mga pasa ko.

“Uhhhmmmm” mahina kong tugon. Ayaw kong ipahalata na nasasaktan ako.

Habang pinupunasan ni Shin ang aking mga pasa ay biglang tumunog ang aking cellphone. Si Papa, tumatawag sa kabilang linya. Agad akong lumabas mula sa kuwarto at sinagot ang tawag nito.

“Hello Pa.” sabi ko ng sinagot ang cellphone. Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng marinig ko ang kanyang boses ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Ayaw kong mag-alala si Papa sa akin.

“Hello Than, musta ka na? Bakit hindi ka tumatawag?” tanong ni Papa sa kabilang linya.

“Ahhh…Pa busy kasi ako. Pasensiya na Pa.”sabi ko na tila nauutal pa ang aking boses.

“Ganun ba? Ok ka lang ba diyan anak? Wala ka bang problema?” usisa parin ni Papa. Parang nagbabadyang papatak ang mga luha sa aking mga mata.

“Ok lang ako Pa. Huwag kayong mag-alala ni P’Knock. Ok lang ako dito.” halos pigil kong sabi.

“Hindi ka ba nalulungkot diyan? Hindi ka ba nagugutom diyan?”

“Hindi Pa. Actually masaya ako dito Pa. Saka mababait ang mga kasama ko. Kasama ko pala si Shin dito. Varsity player din siya Pa.” sagot ko at pagkuwa’y pinilit kong tumawa dahil alam kong nag-aalala si Papa sa akin.

“Mabuti naman kung ganun. Atleast magiging kampante kami rito ng Kuya mo. Sige anak, ibababa ko na ‘tong telepono. Mag-iingat ka diyan huh. Tumawag ka kaagad kung may problema ka.”

“Ok Pa! Salamat Pa. Regards ako kay P’Knock Pa. Ingat din kayo. I love you Pa.”

“I love you too son.”

Pagkababa ko ng telepono, agad na bumuhos ang mga luha mula sa aking mga mata. Sobra akong nalulungkot ngayon. Sobrang namimiss ko sina Papa at P’Knock. Parang gusto kong umuwi sa bahay namin.

Agad na lumapit sina Juanse at Shin sa akin. Niyakap ako ni Shin. For the first time, Shin became my crying shoulder.

“Nandito lang kami lagi Than.” bulong ni Shin sa akin. Hinawakan ni Juanse ang aking kamay. Kahit papano, nakaramdam ako ng pagkapanatag dahil sa dalawa kong kaibigan. Salamat,  dahil sa kanila ramdam kong may kakampi ako.



NEO

Ang hindi alam nina Than, Shin at Juanse na naroon ako sa labas ng pintuan habang nag-uusap sila kanina. Narinig ko ang pinag-usapan ng mga ito. Nakita ko ang kalungkutan sa mga mata ni Than. Napatigil ako at tila ba nakaramdam ako ng guilt sa aking puso.

Nakita at narinig ko rin ang pag-uusap nina Than at ng kanyang Papa. Itinago nito ang tunay na nangyari. Sa madaling sabi, ayaw nito na mag-alala ang kanyang Papa at Kuya. Sa puntong ‘yun, parang may kumurot sa aking puso.

Pagkatapos ng hapunan, agad akong dumiritso sa isang kubo malapit lang din mismo sa aming dorm. Sinundan ako ni Tee.

“Neo, hindi ba sobra ang ginawa mo kay Than kanina?” tanong nito sa akin na halatang nag-aalala kay Than. Ang nais nitong tukuyin ay ang mga services na sinadya kong ipatama sa kanyang mukha at katawan.

“Kung gusto niyang maging magaling at palitan si Kao, kailangan niyang maranasan yun.”

“Heto na naman ba tayo? Si Kao parin ba ang dahilan kung bakit ganito ka sa kanya? Neo, wala siyang kasalanan sa pagkawala ni Kao. Nandito siya para maglaro hindi para makipag-kompetensiya at palitan si Kao. Iba si Kao, iba rin si Than.” halos pabagsak na sabi ni Tee. Tinitigan ko siya sa mata.

Yes! Si Kao ang dahilan kung bakit ganito ang pakikitungo ko kay Than. Ang totoo kasi, nakita ko kay Than ang mga qualities ni Kao. Aminado akong magaling si Than, same with Kao. Ang pagiging matalino nito at ang pagiging karismatiko nito at dahil doon hindi ko kayang isipin na si Than ang papalit sa puwesto ng kaibigan ko. Dahil para sa akin nag-iisa lang ito at walang ibang puwedeng pumalit sa kanya. Not even Than.

“Pero Neo, hindi naman tama na tratuhin mo si Than ng ganun. Mabait si Than at hindi niya deserve ang ganoong klaseng trato mula sa sayo.” wika ni Tee. Nakita kong nagngitngit ang kanyang mukha.

“Bakit ba kinakampihan mo siya? Don’t tell me na…” hindi ko natapos ang sasabihin ko.

“Huwag mong ibalik sa akin ang lahat. Baka nakakalimutan mo. Remember?” paismid na sabi ni Tee. Tapos bigla itong umalis.

______________________________

While lying on my bed, halos hindi ako makatulog kahit malalim na ang gabi. I kept thinking about what happened earlier. I admit, I felt guilty of what I did because I knew in my own mind that I intended to hit Than’s face and body. I remembered that I was angry with Ae for trying to hit Juanse in the face, tapos mas malala pa pala ang ginawa ko kanina kumpara sa ginawa nito.

Bigla kong nilingon si Than habang nakahiga. Nakatihaya itong natutulog. Hindi ko napigilan ang aking sarili, may kung ano akong naramdaman ngayon. I tried to wipe my palms with my face para lang burahin sa isipan ang tila kakaibang emosyong nararamdaman ko ngayon. Bigla akong tumalikod at nagtakip ng kumot sa aking mukha.

Hanggang ilang segundo lang ang lumipas, biglang umungol si Than. Naramdam ko iyon. Bigla akong bumangon sa aking higaan. Tiningnan ko siya. Pinagpapawisan ito at balisa at tila nananaginip. Tapos bigla itong may sinambit.

“Ma…huwag mo akong iwan please.” sambit nito habang nakapikit ang kanyang mga mata.

Nilapitan ko siya sa kanyang kama. Ginising ko siya.

“Than!…Than!..,Than!…” sambit ko habang hinahawakan ko siya sa kanyang balikat.

Ngunit hindi parin siya gumigising at sa halip patuloy ito sa pagsambit sa pangalan ng kanyang ina.

“Than!” gising ko ulit sa kanya.

Hanggang nagising si Than at bigla itong napayakap sa akin ng napakahigpit.

“Huwag mo akong iwan please.” sambit nito habang nakapikit parin ang kanyang mga mata.

Dahil sa pangyayaring ‘yun, hindi ko napigilan ang sarili ko. Dahil sa awa, niyakap ko siya at pilit itong pinapakalma.

“Than…tahan na.” ani ko tapos sabay himas ng kanyang likuran.

Si Than, tulog parin hanggang ngayon ngunit tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Sa kabila ng panaginip ni Than, hindi parin ito nagising. Nang kumalma siya, dahan-dahan kong inihiga ang ulo nito sa kanyang unan. Tinitigan ko siya sa mukha…….matagal! Tapos hinaplos ang ulo nito at kinumutan siya ulit.

Bumalik ako sa aking kama at muling nahiga. Naisip ko, marahil bunga iyon sa nangyari kanina. But as it turned out, I only realized one thing, I was worried about my junior.



THAN

Pagkatapos naming mailigpit ang aming mga gamit, ay umalis narin kami ni Shin. Dumiritso  agad kami sa gym para sa aming training. Agad na nagpalit si Shin ng kanyang jersey at sumali narin sa practice samantalang dumiritso ako sa aming kuwarto at nagpalit ng damit. Hindi na muna ako sasali sa training ngayon dahil medyo namamaga pa ang aking mga kamay. Pagkatapos kong magpalit ng damit ay agad akong pumunta ng kusina kung saan nagluluto si Miss Ruth.

“Hello Miss.” bati ko sa kusinera.

“Oh nandito pala ang isa sa pinaka-guwapong player.” masayang sabi ni Miss Ruth ng makita ako.

“Miss talaga!” nakangiti kong tugon. “Ano pala ang lulutuin niyo Miss?” tanong ko sa kanya.

“Tom Kha Gai.” sagot ni Miss Ruth habang inihahanda ang mga ingredients. Ito ang aming magiging hapunan ngayong gabi.

“Ahhh Miss…marunong akong magluto niyan. Kung gusto niyo Miss tutulungan ko na kayo.” sabi ko at sabay lapit sa mga ingredients. Paborito ko itong lutuin sa bahay.

“Talaga!?” gulat na sabi ni Miss Ruth. “Sige halika rito. Tulungan mo ako.”

Agad kong tinulungan si Miss sa paghahanda ng mga sangkap. Dahil nakita ni Miss Ruth na maayos ang paghahanda ko ng mga sangkap, naisip niyang ipaubaya sa akin ang buong pagluluto. Sinamahan na lamang ako ni Miss Ruth habang nagluluto.

“Wow! Napakagaling mo palang magluto.” manghang sabi ni Miss Ruth ng maamoy nito ang masarap na Tom Kha Gai.

“Nakuha ko kasi ito sa Kuya ko Miss. Siya kasi lagi ang nagluluto sa bahay at nagpapaturo ako sa kanya.” paliwanag ko.

“Ganun bah? Nasaan pala ang Mama niyo?”

“Patay na yung Mama namin Miss. Kaming tatlo nalang ni Papa at Kuya ko ang magkasama ngayon.”

Bahagyang napatigil si Miss Ruth.

“Napaka-suwerte naman ng Papa mo sayo. Napaka-responsable mong bata.” sabi nito at nakita kong nalungkot siya sa aking kuwento.

Pagkatapos kong magluto, ay agad din naming inihanda ang mesa.

“Siya nga pala, bakit hindi ka sumali sa practice ngayon?” nagtatakang tanong ni Miss Ruth.

“Ahh excuse kasi ako muna ngayon Miss.” tugon ko at pilit na itinago ang mga pasa sa kamay ko. Napansin ito ni Miss Ruth.

“Balang araw, gagaling ka rin. Maniwala ka lagi sa sarili mo. Alam kong magaling ka. Malayo ang mararating mo Than.” sabi ni Miss Ruth. Pilit niyang pinapalakas ang loob ko.

Ngumiti ako sa kanya.

“Susu na Than.” anito na ang ibig sabihin ay “Fighting!”

Sakto lamang na maihanda namin ni Miss Ruth ang mesa ng matapos sa pag-iinsayo ang aking mga kasamahan. Excited ang mga ito na tinungo ang dining.

“Wow! Ang sarap ng ulam natin. Ang bango!” sabi ni Peak ng maamoy nito ang niluto kong Tom Kha Gai.

Pabiro itong binatukan ni P’Mick. “Ang takaw mo talaga!” natatawang sabi nito.

“Ok boys! Maghugas na kayo ng mga kamay niyo at kakain na tayo.” sabi ni Coach Win.

Pagkatapos maghugas ng mga ito ng kamay, kanya-kanya na kaming puwesto sa table. Ngayon magkasama na kaming lahat sa isang mesa. Ayaw kasi ni coach na magkaiba ang table ng juniors at seniors.

Halos magkapareho ng reactions ang mga ito ng matikman ang niluto ko. Si P’Mick, hindi napigilan ang sarili na mapa-WOW dahil sa sobrang sarap.

“Miss, ang sarap ng ulam natin ah. Galing mo talagang magluto Miss.” puri nito sa kusinera habang hindi alam na ako ang nagluto ngayon.

“Naku! Magpasalamat kayo kay Than. Siya ang nagluto niyan.” masayang wika ni Miss Ruth.

Halos nagulat ang lahat sa kanilang narinig mula kay Miss Ruth. Hindi makapaniwala na ako ang nagluto ngayon.

“Hey Nong! Ang galing mo palang magluto!” si P’Mick na tila biglang humanga sa akin. Napangiti na lamang ako sa sinabi nito.

“Than, ang galing mo!” puri ni Coach Win sa akin.

“Salamat coach.”

“Musta na ang kamay mo?” tanong nito. Halos tumingin ang lahat sa akin.

“Ok lang naman coach.” mahina kong tugon.

“Hindi ka muna sasali sa training. Pagalingin mo muna yang mga pasa mo.”

Tumango ako.

“Thanks coach.”

Dahil sa narinig ko mula kay Coach Win, my courage grew stronger. Kahit papano naibsan ang nararamdaman kong lungkot at panghihina dahil inaamin ko, pagkatapos ng nangyari kahapon tila pinanghinaan ako ng loob. Iyong tipong, parang gusto ko ng sumuko.



JUANSE

Nakita kong halos hindi nagsasalita si P’Ae habang kumakain. Panay kasi ang sulyap ko sa kanya.

Pagkatapos ng hapunan, agad na dumiritso si P’Ae sa kanyang kama at kinuha ang kanyang mga gamit. Gagawa siya ng kanyang mga assignments. Mag-isa siyang pumunta sa kubo at doon ginawa ang kanyang mga gawain.

“Hey Nong! Bakit hindi mo siya lapitan?” tanong ni P’Mick sa akin na noon pinagmamasdan si P’Ae sa di kalayuan.

“Errr……baka magalit siya P’.” sagot ko. Alam kong kasing ayaw niya sa akin.

“Ano ka ba? Sasamahan mo lang naman siya.” pamimilit ni P’Mick.

“Pero P’………….”

“Nong, di ba sabi mo pag natalo ka, lahat gagawin mo. So ngayon, inuutusan kita puntahan mo siya.” utos ni P’Mick sa akin. Natigilan ako sa sinabi nito pero mukhang wala na akong ibang choice kundi gawin ang utos niya.

Napakamot ako ng aking ulo.

“Heto! Dalhin mo sa kanya.” inabot ni P’Mick ang isang basong gatas. “Mahilig kasing uminom ng gatas si Ae kapag ito ay nag-aaral lalo na pag gabi. Sige na dalhin mo sa kanya yan.” utos niya sa akin.

Dala ang isang basong gatas, tinungo ko si P’Ae sa kubo. Hindi nito namalayan ang pagdating ko dahil naka-focus ito sa kanyang ginagawa.

“Good evening P’.” bati ko sa kanya at sabay lapag sa mesa ng isang basong gatas. “Para sayo.” saad ko.

Biglang inangat ni P’Ae ang kanyang ulo at sabay tingin sa akin. Nagulat siya sa dala kong basong gatas.

“Puwede bang makaupo P’?” tanong ko. Hindi ito sumagot at sa halip nagpatuloy ito sa kanyang ginagawa.

“Medyo malamig dito P’. Hindi ka ba giniginaw?” tanong ko parin sa kanya. Ngunit hindi parin ito sumagot. Nagpatuloy parin ito sa kanyang ginagawa.

“P’, galit ka ba sa akin?”

“Hey Nong! Puwede ba huwag mo akong guluhin. Kita mong nag-aaral ako dito.” naiinis niyang sabi. Nagulat ako ng sinabi niya iyon.

Napakagat na lamang ako ng aking labi.

“Eh P’ sorry na. Wala naman akong balak na guluhin ka eh. Gusto lang kitang samahan dito. Baka may multo dito. Atleast nandito ako para ipagtanggol ka. Parang bayad narin sa pagkatalo ko sayo.”

Bahagyang tinigil ni P’Ae ang kanyang ginagawa. Kunot-noo niya akong tinitigan.

“Hindi ko kailangan ang tulong mo. Saka kaya ko ang sarili ko. Kaya puwede ba, iwan mo muna ako dito para matapos ko itong ginagawa ko. Di ba may mga assignments din kayo, bakit hindi mo yun gawin?” sabi nito at nakita ko ang galit sa kanyang mukha.

Napakamot ako ng aking ulo.

“Ok P’. Basta, inumin mo yang gatas na dala ko huh. Para sayo yan.” nakangiting sabi ko at sabay tayo. Saktong aalis na sana ako nang…

“Wait!” tawag nito sa akin.Agad naman akong lumingon sa kanya.

“Thank you!” anito.

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Pagkuwa’y ngumiti na lamang ako sa kanya.

“Welcome P’.” saad ko at sabay talikod at nilisan ang kubo.

__________________________________

“Gusto mo ba siya?” tanong mula sa aking likuran. Si Shin.

Nagulat ako sa kanyang tanong.

“Ai’Shin, anong klaseng tanong ba naman yan?”

“Awww…napansin ko kasi gustong-gusto mo siyang inaasar. Tapos gustong-gusto mong lumapit sa kanya.”

“Shin, gusto ko lang siyang maging close. Saka feeling ko kasi mabait siya.”

“Awww..sabi mo dati ayaw mo sa kanya kasi suplado siya.”

Napakamot ulit ako ng aking ulo.

“Ahh..noon yun. Pero iba na ngayon. Nakita ko kasi, mabait siya.” pagdadahilan ko.

“Ahhhhh…talaga lang huh.” sabi ni Shin sabay ngiti ng kakaiba. Tila hindi naniniwala sa sinabi ko.

(Actually, mabait naman si Ae. Aside from being kind, he is also handsome and in fact many liked about him. With his piercing nose, narrow eyes, white complexion and smooth face, red lips are no doubt, he’s one of the campus crushes.)



NEO

Magkasama kaming naghugas ni Tee sa banyo. Nakikinig lamang ako sa kanya habang si Than ang naging laman ng kanyang topiko.

“Neo, alam mo hangang-hanga ako kay Than. Nakita ko kasing napakabait niya at magaling ding magluto. Hindi lamang ‘yun, nakita ko rin sa kanya na magiging star player siya ng NSIS.” sabi ni Tee habang naghuhugas.

“Eh ano naman ngayon?” tanong ko na tila hindi interesado sa sinabi nito.

“Awww…ni minsan ba hindi ka humanga sa kanya? Matalino siya, mabait, super guwapo, magaling magluto tapos alam ko magiging superstar siya ng volleyball. Maraming magkakagusto sa kanya. Sigurado ako doon.”

“Eh wala naman akong pakialam doon eh. Kahit buong campus pa ang magkakagusto sa kanya.” paismid kong sagot.

Napailing na lamang si Tee sa sinabi ko. 

Pagkatapos naming maligo ay bumalik agad kami sa aming kuwarto. Nakapatay na ang lahat ng ilaw sa loob. Halos lahat ay natutulog narin. Kaming dalawa na lamang ni Tee ang gising hanggang ngayon. Pumunta ako sa aking kama. Naupo at maya-maya pinagmasdan si Than habang natutulog. Nakatalikod ito sa akin. Ilang segundo ang lumipas ay humiga narin ako. Naalala ko ang sinabi ni Tee kanina sa banyo. Tama siya, sisikat nga ito one of this days.

Hanggang naalala ko ang gabing nanaginip si Than. Ang pagyakap nito sa akin. As I hugged him, I felt the same as I hugged Kao. I  remembered Kao every time I saw Than. At ito ang dahilan kung bakit pilit kong hindi siya pakitunguhan ng maayos. Not because I was angry but because I didn’t want to be closed to Than and like Kao, would leave me alone.




To be continued…………………………….







MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon