Episode 14 (3/4)

42 4 0
                                    



NEO

Nagising ako dahil sa mga ugong na nagmumula kay Than. Pagdilat ko ng aking mga mata ay maagap ko siyang tinapunan ng tingin. Nakita kong balisa ito at halos puno ng pawis ang kaniyang mukha.

“Parang awa niyo na P’. Huwag niyo akong saktan.” mga salitang lumalabas sa kaniyang bunganga habang nakapikit ang mga mata nito.

Agad akong bumangon mula sa aking higaan at pagkakuwa’y mabilis ko siyang tinungo sa kaniyang kama.

“Than!” sambit ko paglapit ko sa kaniya. Pilit ko siyang ginising ngunit hindi parin dumidilat ang kaniyang mga mata.

“Than!” gising ko parin sa kaniya at ngayon mahina ko siyang niyugyog hanggang sa dumilat ang mga mata nito.

Bigla niya akong yinakap ng mahigpit. Naramdaman kong nanginginig ang kaniyang katawan sa takot.

“Huwag mo akong iwan P’.” aniya na tila ba takot na takot ang boses. Alam kong epekto ito ng mga nangyari kanina.

Upang pakalmahin siya ay binalot ko siya ng aking mga bisig sabay himas ng kaniyang likod.

“Tahan na Than. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan.” mahinang bulong ko habang pilit ko siyang pinapakalma. Awa ang nararamdaman ko ngayon dahil alam kong na trauma siya sa mga ginawa nina Mil.

Nang maramdaman kong kumalma na siya ay muli ko siyang inihiga sa kaniyang kama.

“P’ natatakot ako.” sabi niya habang nakatitig sa akin. Kita kong nanginginig ang kaniyang bibig.

“Huwag kang matakot Than. Sasamahan kita.” Ang nais kong tukuyin ay tatabihan ko siya ngayong gabi.

Kahit medyo masikip ang kaniyang higaan ay pinilit namin iyong pagkasyahin para lang mapawi ang takot na kaniyang nararamdaman. Nakatalikod siyang nakahiga habang yakap ko naman siya sa baywang. Idinikit ko pa ng kaunti ang aking ulo sa bandang bahagi ng kaniyang batok.

Binantayan ko siya hanggang sa makatulog siyang muli. Pagkalipas ng ilang minuto ay naramdaman kong mahimbing narin siyang natutulog. Hindi ko parin siya binitawan hanggang sa nakatulog narin ako.


THAN

Pagdilat ko ng aking mata biglang tumambad sa akin ang mukha ni P’Neo. Halos magkadikit lang din ang mukha naming dalawa. Napaisip ako hanggang naalala ko ang nangyari kagabi.

Lihim akong ngumiti habang pinagmamasdan ko siyang natutulog parin hanggang ngayon. Kahit pa may mga pasa at sugat ang kaniyang mukha, hindi parin nawala ang angkin niyang kaguwapuhan. Simula ng nakita ko siya, siya parin ang nag-iisang taong nakilala ko na may pinakamagandang hubog ng itsura. Ang kaniyang mga mata, ilong, kilay at mga labi na bagay sa hubog ng kaniyang mukha.

Ilang sandali lang ay nagising narin siya. Dahil sa hindi ko siya pinakawalan ng aking mga titig kaya naman nagkasalubungan ang aming mga mata pagkadilat niya.

Gumuhit ang isang manipis na ngiti sa kaniyang mga labi ng makita ako nito.

“Aroonsawat khrap.” mahina niyang bati tapos sabay hawak sa aking ulo.

“Aroonsawat khrap.” nakangiti ko ring tugon.

“Musta na ang pakiramdam mo?”

“Ok na ako P’. Salamat pala kagabi.” Ang totoo, dahil sa kaniyang mga yakap ay nakatulog ako ng mahimbing. Pakiwari ko ba’y ligtas ako pag katabi ko siya.

Mga ilang segundo rin kaming nagkatitigan hanggang……….

“Ahem!” biglang tikham ni P’Peak ng lumapit sa amin.

MY STAR (BL)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant