Episode 8 (2/4)

42 4 0
                                    

THAN

"Than! Than!" mahinang sambit ko malapit sa aking tainga. Nang idilat ko ang aking mga mata ay tumambad sa akin ang mukha ni Shin. "Nandiyan na si Maam."

Hindi ko namalayan, nakatulog pala ako habang nakadapa sa desk. Medyo inaantok kasi ako ngayon dahil maaga kaming gumising kanina ni P'Neo para magbiyahe.

"Good morning, class." bati ng aming guro.

Tumayo kaming lahat.

"Good morning, Maam." sabay naming bati kay Ms. Bundit. Pagkatapos nagsimula na itong magturo.

Habang nagtuturo siya ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone. Kinuha ko ito at tiningnan. Si P'Neo ang nag text.

"Hintayin kita sa recess mamaya." text message niya. Lihim akong ngumiti nang mabasa ko iyon.

"Khrap." tipid kong tugon sa kaniyang mensahe.

Nagreply siya ng smiley. Mayamaya ay sinundan pa niya iyon ng isa pang text.

"Focus sa lesson mo. Susu!" laman ng mensahe nito.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong itutugon ngunit batid kong may kakaibang saya itong dala sa akin ngayon.

"Ok, P'. Susu!" reply ko sa kaniya.

Muli kong ibinaling ang aking atensiyon sa aming guro na ngayon ay abala sa kaniyang pagtuturo.

NEO

"Ahem! Parang ang saya natin ngayon ah." si Tee nang mapansin nito ang bahagyang pagngiti ko pagkatapos kong mabasa ang mga mensahe ni Than.

"Si Than ba yang katext mo?" tanong pa niya at sabay tingin sa akin ng tila makahulugan.

"Mai chai!" pagsisinungaling ko at sabay tago ng aking cellphone.

"Patingin nga!" saad niya at pilit na kinuha ang cellphone ko.

"Ayaw ko nga!" tanggi ko sa kaniya at sabay iwas.

"Anong kaguluhan yan Mr. Sukhumpantanasan?" galit na tanong ni Ms. Bundit. Lumapit siya sa amin habang nagsasalpukan ang kaniyang mga kilay. Shit! Terror pa naman ito!

"Shit, Tee!" mahina kong sabi habang palapit ang aming guro.

"May I have your cellphone, Mr. Panichtamrong?" galit na sabi ni Ms. Bundit.

Wala akong ibang choice kundi ang ibigay ito sa kaniya. Nakita kong binuksan niya ito at binasa.

Patay! Mahuhuli na talaga ako nito. Lagi pa naman niyang binabasa ang mga text messages kapag kino- confiscate niya ang cp ng mga estudyante.

"Sino tong Than na katext mo?" pagkuwa'y tanong niya sa akin pagkatapos basahin ang naging convo namin ni Than.

Napahawak na lamang ako ng aking ulo at sabay yuko. Dinig ko ang biglang hiyawan ng aking mga kaklase. Nang lumingon ako kina Tee at Ae ay nakita ko ang bahagyang pagtawa nila.

"Miss, siya 'yong bagong member ng volleyball team. Yung pinag-uusapan sa web ng school." sabi ng isa naming kaklase na lady boy na halatang kinikilig ang boses.

"Yes, Miss! Napaka-guwapo niyan, Miss." sabi naman ng isa pang kaklase naming lady boy nang tumayo. Kung kinilig 'yong una, mas lalo na itong isa ngayon.

Tuloy napapikit na lamang ako ng aking mga mata.

"Hmmmm.... Mukhang hindi na ata ako updated ngayon." si Ms. Bundit. Nakalimutan ko pala na bukod sa terror ito ay may pagka-chismosa rin ang gurong 'to...(lol).

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon