Kabanata 3

2K 140 14
                                    

Kabanata 3: Stare

I was staring at her when she said those words. I couldn't even spill any words or move a bit.

"I was just kidding. I'm harmless." She chortled.

Nakaupo na ito sa kaniyang sofa. Tinanggal niya ang nakasuot na salamin sa kaniya. Nanlaki rin ang mga mata ko nang tanggalin niya ang kaniyang wig. Mula sa hanggang balikat niyang buhok ay tumambad ang kaniyang mahabang buhok na hanggang baba ng kaniyang siko.

"Stop staring." She rolled her eyes.

I gulped hard as she took off her hoodie and turned her hair into messy bun. She's wearing a black sando and I could see her glass hour body shape. I shifted my gaze when I heard her fake a cough.

"Mukhang nabitawan mo ata ang dala mong plastic bag." Sambit nito kaya napatingin ako sa kamay kong wala nang dala.

Lumapit ito sa akin kaya napaatras ako nang bahagya. Her vanilla scent lingered on my nose. Inabot niya ang door knob at muling binuksan ang pintuan.

"Let's go to my room." She whispered.

Bahagya akong nagulat nang hawakan niya ang kamay ko at ipinunta niya ako sa kaniyang kwarto. She didn't turn on the lights and didn't also lock the door.

"What are we doing--"

She hushed me using her index finger. Nakasilip ito sa nakaawang na pintuan kaya napasilip rin ako. Mas lalo itong lumapit sa akin nang namatay ang mga ilaw sa labas. I could hear some footsteps that are roaming inside her house.

"Magnanakaw," bulong ko sa kaniya.

"Amoy lalaki ka. May yumakap ba sa 'yo?"

I creased my brows as if she can see me. "Wala. Panglalaki lang talaga ang pabango ko." Sagot ko sa kaniya.

"It's addictive."

Tumayo ako nang marinig na papalapit na ang mga yapak sa amin. Dumiretso ako sa likod ng pinto. Mabilis ang pagtibok ng puso dahil sa kaba. I secretly took a glace of her. Nakaupo ito sa gilid at nakayuko.

Nang maramdaman kong gumalaw ang pinto ay inihanda ko na ang sarili ko. Una akong nakita ang patalim ng salarin bago ang kamay nito. Agad kong inipit 'yon at dali-daling nilabas ang baril ko.

"Put your weapon down." Seryoso kong sambit habang nakatutok ang baril ko sa lalaking nakamask. Humakbang ito papuntang salas kaya sumunod ako sa kaniya.

He put down his knife and raised his both hands. Lalapitan ko na sana siya para posasan kaso bigla niyang sinipa ang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang baril na hawak ko. Agad akong yumuko at kinuha ang patalim niya at sinipa nang malakas ang kaniyang paa.

Nang matumba ay agad kong kinuha ang baril ko at muling tinutok 'yon sa kaniya. I smirked. "You're not wise enough to do a crime, Mister."

"'Yan ang akala mo." Sabi nito at ngumisi rin.

Binato ko sa kaniya ang pinakamalapit na vase nang tumakbo siya palayo sa akin para tumakas. Muli siyang natumba kaya nilapitan ko ito. Dumudugo na ang ulo nito. Nilabas ko na rin ang posas ko. Madali ko siyang naposasan dahil nakadapa ito.

Tinayo ko siya. Tinanggal ko ang mask niya sa mukha. Mukhang nasa mid 30's pa lang siya.

Tinawagan ko na rin sila Lieutenant Siergel para kunin ang lalaking ito rito. Agad nila itong dinampot nang makarating sila. Nang makaalis ay hinanap ng mga mata ko si Iana.

"Iana," I called her name. There was no response. I called again and still, she didn't answer.

Naglakad ako papuntang kwarto niya at naabutan ko siyang nakaupo sa gilid ng kaniyang kama. She's staring at the floor.

TrappedWhere stories live. Discover now