Kabanata 18

1.3K 88 24
                                    

Kabanata 18: Comfortable

"Damn! How could she do this to you?!" Ylona groaned.

Nasa loob na kami ng sasakyan ngayon at nagbabiyahe na. Kanina pa nanggagalaiti si Ylona na para bang ang laki-laki ng ginawang kasalanan sa kaniya ni Iana.

I chuckled. "Easy there. I'm already fine."

But, deep inside, I'm not... I'm still bleeding.

Akala ko matutuwa na ako dahil maibabalik ko na si Iana sa La Fidel at malilinis ko na ang pangalan niya dahil hindi naman siya si Adrian na killer pero nagkamali ako. Mas nasaktan pa pala ako.

Siguro nga, kailangan ko na siyang bitawan. Para saan pa ang pagkapit ko kung magiging hawak na siya ng iba anytime soon? Magkakaroon na siya ng asawa. Makakabuo na siya ng isang masayang pamilya.

Agad kong pinahid ang pumatak na luha sa pisngi ko. Let her go is the best move to ease the pain. That's it! I need to let her go.

"I'm still staying at your side no matter what." Wika ni Ylona sa tabi ko.

"Sino bang may sabing itataboy kita?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

"'Tong babaeng 'to, 'kala mo hindi sinaktan kanina." She rolled her eyes. "Bwisit din na lalaki 'yon! Kung makasuntok, wagas! Hindi naman gwapo! Tang ina!" Inis na sambit nito habang nilulukot ang panyo kong hawak niya.

Mas lalo akong natawa sa kaniya. "Tama na 'yan. Nangyari na ang nangyari. Wala na tayong magagawa."

"By the way, tara sa pinakamalapit na dagat." Sabi niya na nagpaangat ng kilay ko. "Itabi mo. Ako na ang magmamaneho. You looked wasted. Magpahinga ka muna."

Tumango ako bago pinagilid ang kotse. We exchanged seats. Sinimulan na niyang magmaneho. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at pinikit ang mga mata. Muli akong napamulat nang mukha ni Iana ang nakita ko.

Tang ina, hanggang dito ba naman?!

"I can't sleep. Magkwento ka na lang." Sabi ko sa kaniya at umayos ng upo.

I heard her chuckled. "Si Iana pa rin nakikita mo?" Tanong niya sa akin habang nasa kalsada ang tingin niya.

"Yah." Maikling tugon ko.

Tumango siya. "So, saan ako magsisimulang magkwento?" Tanong niya pa sa akin.

I shrugged my shoulders. "Why me, Ylona?" Tanong ko dahil bigla akong napaisip kung bakit niya ako gusto. All I did was to hate her every time she was around.

"No'ng una, akala ko nagustuhan kita dahil nagandahan ako sa 'yo but, I was wrong. Gusto ko sanang magpakilala sa 'yo but, I saw Iana kissed you. That's why I distance myself kasi baka may gusto rin sa 'yo si Iana." She stopped. "Iana is my only friend. Ayoko namang mag-away kami dahil lang sa iisang babae." She giggled.

Napaisip naman ako sa sinabi ni Ylona. Noong una akong hinalikan ni Iana, napatingin muna siya sa paligid bago niya dinampi ang labi niya sa akin. So, it means, si Ylona ang nakamasid sa amin that time?

"Until, I saw how you cared and protected Iana from everyone. Na kahit napakasadista niya sa 'yo, hindi mo pa rin magawang magalit sa kaniya. Do'n pumasok sa isip ko na mabuti ka ngang tao. And, I like you for that. Hanggang sa wakas, nagkaroon tayo ng ilang minutong pag-uusap sa Police Station." Muli na naman siyang natawa.

Napangisi na lang ako. I couldn't forget that time no'ng napagbintangan siyang magnanakaw ng phone. Ridiculous.

"Naiinis ako no'n dahil sa ganda kong 'to, pagbibintangan lang akong magnanakaw." Natawa na rin ako nang bahagya sa sinabi niya. "And, that time, sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para lang mapalapit sa 'yo. But, unluckily, I don't know how. Sumabay pa ang pag-amin sa akin ni Iana na may gusto siya sa 'yo. So, saan naman ako lulugar?"

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon