Kabanata 16

1.3K 95 23
                                    

Kabanata 16: Return

Pagkatapos makuha lahat ng ebidensya ay bumalik kami sa Police Station. Ramdam ko na ang antok dahil sa pag-iyak ko kanina. Nakaramdam na rin ako ng matinding pagod.

Pero, gaya ng sabi ko sa sarili ko kanina, gagawin ko ang lahat para makamit nila ang hustisyang nararapat. Ako mismo ang huhuli sa demonyong gumawa ng karumal-dumal sa kanila.

"Harwell," nag-aalalang tawag sa akin ni Morill.

Mapait akong ngumiti. "Ayos lang ako."

Napasinghap siya. "Fine. Now, let's scrutinize the evidence they found." She firmly said.

"May nakitang footprint sa likod ng bahay ng mga biktima. 10 inches ang haba." Panimula ni Alken. "Base rin sa laslas na natamo ng biktima na napag-alaman na si Aling Linda, madiin ang pagbaon ng kutsilyong ginamit sa kanang bahagi ng leeg nito..."

"Which means, we're looking for a left-handed suspect." Pagtatapos ko sa sinabi ni Alken na ikinatango niya.

"Ang batang biktima ay nakita sa loob ng kaniyang silid. At sa ayos ng kaniyang posisyon, mahimbing itong natutulog nang mangyari ang krimen. Ang mga magulang naman ay natagpuan sa salas. Ayon sa report na natanggap ko, naglaban pa ang padre de pamilya nila bago tuluyang pinatay dahil sa katabi nitong kahoy na may bahid ng dugo." Pagbibigay impormasyon ni Tellez.

"May natagpuan din na isang eyeglasses sa may ilalim ng kanilang upuan sa may salas. Hindi 'yun pangmatanda at hindi rin 'yun pambata. Kaya posibleng ang suspek ang nagmamay-ari no'n." Pahayag naman ni Readen. Inopen nito ang phone niya at may pinakita na litrato ng salamin.

"Hindi ba't mukhang kay Iana ang salamin na 'yan?" Tanong ni Tellez na ikinakunot ng noo ko.

"Ito pa," dugtong pa ni Readen at pinakita ang litrato ng isang wig na may putik. "Hindi ba't mayroong wig si Ms. Martin?"

"Anong gusto mong palabasin, Readen?" Seryosong tanong ko sa kaniya.

Ngumisi ito. "Posibleng si Iana ang pumatay--"

"Hindi pa sapat ang ebidensyang hawak mo, Readen." Inis kong putol sa sinasabi niya.

"Ang sa akin lang, matuto kang tumingin sa paligid mo at makiramdam." Makahulugang wika nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

8 AM. Kahit pagod kaming lahat ay naghahanap pa rin kami ng sapat na ebidensya. At ngayon, kasalukuyan kaming nandito sa crime scene, nagbabakasakaling makahanap pa ng ebidensya.

"Ako na mismo ang papatay sa punyetang mamamatay taong 'yon! Bwisit!" Asik ni Alken sa isang tabi at sinabunutan pa ang kaniyang buhok.

"H-hi?"

Lahat kami ay napatingin sa bagong dating na si Ylona. She's wearing an all black outfit. From her plain black t-shirt, black shorts, black cup and black boots with black belt bag. Ganito ba talaga ang magkaibigan? Sobrang simple.

I shifted my gaze, when I heard someone hemmed.

"Don't do anything stupid, Ylona." Nahimigan ko ang inis sa boses ni Morill kaya pinandilatan ko siya ng mata. And, she just mouthed 'what?'.

"Someone gave me this paper." Sabi ni Ylona at binigay sa akin ang maliit na papel.

I'm watching you. I mentally read.

Napasinghap ako. "Who?"

Nagkibit-balikat ito. "Walang sinabing pangalan. Hindi ko rin napansin ang mukha niya dahil nakaface-mask siya at nakasumbrero na black. Nakahoodie rin ito ng kulay black. Pero, malambot ang kamay nito." Dire-diretsong sagot nito sa akin.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon