Kabanata 11

1.6K 110 48
                                    

Kabanata 11: Collection

After watching some CCTV footage and exchanging ideas and informations, I planned to visit Iana at her roof. I pressed the doorbell three times, before she opened her mini gate. Nagtaka pa siya nung una pero pinapasok din ako kaagad.

"I didn't expect you'll come here." Sabi niya at pinagpatuloy na ang pagluluto. Nasa counter lang ako at pinagmamasdan siya.

"I need to ask some questions that's why. Asa ka namang bibisitahin talaga kita." Wika ko. Humarap ito sa akin at masama akong tinitigan.

"What's that smell-- oh hi, Harwell!"

Sabay kaming napatingin kay Ylona na mukhang kalalabas galing sa ibang kwarto. Umusog ako nang kaunti nang tumabi ito sa akin at bahagyang nagdikit ang mga siko namin. Tumalikod na rin si Iana at binalik ang atensyon sa niluluto.

"So, what brought you here, Officer Harwell?" Bulong nito sa akin.

"Nothing, just visiting her." Tamad kong sagot sa kaniya. Halos mapamura ako sa utak ko nang ipatong niya ang hita niya sa akin. I fake a cough. "What the hell are you doing?!" Inis kong bulong sa kaniya.

She chuckled. "Damn, I see. I have an effect on you." Sabi niya. Nagulat ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. "I told you that I like you. Just let me show it to you that I'm sincere." She smiled.

Nangunot ang noo ko. "I'm not interested on you. So please, leave me alone." Seryoso kong sambit sa kaniya.

"Magiging interesado ka rin sa akin, Harwell." Bulong niya bago niya ako halikan sa labi na kinagulat ko nang husto. Sasampalin ko na dapat siya kaso humarap si Iana sa amin.

"Bakit namumula ka diyan, Allison?" Takang tanong ni Iana sa akin. Tumingin ako kay Ylona kaya napatingin din siya sa kaniya.

She raised her brows. "Oh, wala akong kinalaman diyan." Maang-maangan na sambit ni Ylona sa kaniya nang tignan siya nang masama ni Iana.

Napailing na lang ako. "I think this is not the right time. Mauuna na ako."

"Wait, Alli! Dito ka na maglunch." Pagpipigil sa akin ni Iana. Her eyes are telling me to stay. Napapikit ako nang mariin bago tumango.

Si Iana ang nag-ayos ng hapagkainan. Hindi ko naman matignan si Ylona dahil na rin sa ayaw ko. She's creeping the shit out of me. Masyado siyang madikit. She confessed to me, like she was just saying hello and, as if there was no feelings involved. Masyadong straighforward.

"Kain na!" Ani ni Iana.

Tahimik lang akong kumakain sa harapan nila habang nagkukwentuhan ang dalawa. Pormal naman na pinakilala sa akin ni Iana si Ylona bilang kaibigan niya. Mabuti na lang at hindi rin siya nagsabi ng mga ugaling mayroon si Ylona dahil talagang maiinis ako at maiinis.

"So, why do you hate cops, Iana?" Tanong ni Ylona na nagpatigil sa akin sa pagkain.

"Pinatay nila ang mama ko at pinalabas nila sa korte na iba ang pumatay sa kaniya kahit malakas ang ebidensyang makapagdidiin sa kanila. Hindi ko pa rin talaga makapagkakatiwalaan ang mga pulis. Kaya nilang baliktarin ang kaso." Sagot ni Iana.

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain. Hindi rin ako makatingin kay Iana dahil parang sinasabi niya na ayaw niya sa akin kahit hindi naman ako ang pumatay sa mama niya.

"E 'di, pati ang mga kaibigan ni Allison hindi mo pinagkakatiwalaan?"

"Oo. Si Allison lang ang pinagkakatiwalaan ko dahil hindi naman siya pulis, gaya ng sabi niya." Sa puntong 'yon ako napatingin kay Iana. Nakangiti itong sinuklian ang tingin ko.

TrappedWhere stories live. Discover now