Kabanata 12

1.5K 99 56
                                    

Kabanata 12: Drift

"I'll talk to you tomorrow." I uttered.

Nagpaalam na ako sa kaniya at lumabas na ng bahay niya. Bumungad sa akin ang kotse ni Morill sa labas. Tinanguan ko lang ito bago lumoob sa kotse ni Readen na hiniram ko. Nauna nang magmaneho si Morill kaya sinundan ko na rin siya.

Ngayon ay papunta na naman kami sa palayan kung saan nakita ang bangkay ni Mr. Cahill. Maraming tao ang naabutan namin kahit umuulan. Ang iba'y taga media at ang iba'y ordinaryong tao lang na gustong makasagap ng balita.

Lumabas na ako ng kotse at tumabi kila Readen at Tellez. Pinagmasdan ko ang biktima.

Hubo't hubad ang buong katawan nito. Nakatali rin ang kaniyang mga paa't kamay patalikod. Bumubula ang kaniyang bibig at nakadilat ang kaniyang mga mata. Nagtamo rin ito ng ilang saksak sa iba't ibang parte ng katawan.

"Sariwa pa ang mga sugat kaya malamang ay kamamatay niya kani-kanina lang." Sambit ni Readen sa tabi ko.

"Mukhang wala na namang nakuhang fingerprint." Singit naman ni Tellez.

"Officer Readen and Officer Harwell," Morill mentioned us. Sabay kaming napatingin kay Morill.

"Yes, Detective?" Wika ko.

"Puntahan niyo 'yung sasakyan ni Mr. Cahill." Sabi niya at tinuro ang isang itim na sasakyan sa 'di kalayuan. "Find possible evidences. Go." Utos niya.

Kumuha kami ng rubber gloves, mga evidence seal at iba pang mga gamit. Nang makarating kami sa sasakyan ay laking gulat namin nang nakasarado ang lahat ng pintuan. Nagpasya naman si Readen na siya ang hihingi ng susi ng sasakyan ni Mr. Cahill kila Detective Morill.

Nag-ikot ako at napansin ang ilang gasgas sa kanang bahagi ng harap ng sasakyan. May ilang kulpi rin ang nakita sa gilid nito. I took out my phone and captured what I found. Sakto naman ang paglapit sa akin ni Readen na dala-dala na ang susi.

"May nakakita raw na kasama ni Mr. Cahill si Ms. Martin kanina. Pero walang nakapansin na kasama ni Mr. Cahill si Ms. Martin sa pagpunta rito." Sabi ni Readen pagkatapos niyang buksan ang pintuan ng sasakyan. "Grabe, si Ms. Martin na naman ang huling nakasama ng biktima."

Hindi ko na lang siya pinansin. Walang masyadong gamit ang nandirito sa kotse niya. Isang tumbler at isang pakete ng gamot ang nakita sa drawer niya sa harap. Isang hoodie na kulay pink ang nakita sa back seat niya.

"I saw Iana wearing this hoodie before. Hindi ko lang sure kung mayroon pa bang ibang nagsusuot ng ganito." Sabi ko habang nilalagay ang hoodie sa evidence seal.

"Mr. Cahill poisoned first." Giit naman ni Readen habang hawak-hawak ang isang walang laman na syringe. "Mukhang dito pa lang sa kotse ni Mr. Cahill ay bumula na ang kaniyang bibig dahil sa mga bakas ng laway sa sahig ng driver's seat." Sabi niya.

"Tara na." Sabi ko naman sa kaniya na tinanguan niya.

Hawak-hawak niya ang isang paper bag na naglalaman ng mga ebidensya. Si Morill agad ang bumungad sa amin. Binigay na namin sa kaniya ang mga nahanap namin. Ayon pa sa kaniya ay wala na namang bakas na magtuturo sa suspek dahil nabura ng ulan.

"Officer Alken, Officer Tellez, Police Station. Now." Utos ni Morill.

Sumabay na ako kay Morill. At ang tatlo ay kay Nagsabay-sabay na rin kay Readen. Naiwan pa sila Lieutenant Siergel at ang taga-forensic. Pati mga media ay nandoon pa rin.

Mabilis na pinatakbo ni Morill ang sasakyan niya papunta sa Police Station. Ilang segundo lang nang dumating din ang tatlo. Sa investigation room kami dumiretsong lima. And as expected, si Morill na naman ang nakatayo sa harapan ng white board.

TrappedWhere stories live. Discover now