Kabanata 24

1.3K 79 14
                                    

Kabanata 24: Meeting

"We need to evacuate, Harwell." Natatawang sambit ni Ylona. "The storm is already heading on us."

Hawak-hawak ko pa rin ang pisngi kong namumula dahil sa malakas na pagsampal sa akin ni Iana kanina. "Tang ina... ang sakit pa rin." Reklamo ko.

She bursted out in laughter. "Paano pa kaya kapag naging mag-asawa na kayo? E, 'di magiging under ka niyan?"

I just tsk-ed. "Tumahimik ka na nga!" Napipikon kong sambit.

"Labas tayo. Nagugutom na talaga ako." Wika niya. She even pouted her lips.

"Magpalit ka muna ng damit mo. Ang baho mo na." Asar ko sa kaniya. Agad na naging seryoso ang mukha niya. "Kuha ka na lang ng damit ko diyan. 'Yung mga bago, nasa pang-apat na drawer."

Kumuha na ito ng masusuot niya at pumasok na sa banyo ng kwarto. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama at iniisip kung paano ko ie-explain kay Iana 'yung mga narinig niya kanina.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang sumagi sa isip ko ang sampal niya kanina at ang maluha-luha niyang mata. Napasinghap ako bago ko nilabas ang phone ko at nagtipa.

I shot her a message saying, "I'm sorry for hurting you. Let me explain to clear things out. I love you."

Ilang minuto lang ay nakatanggap ako ng reply mula sa kaniya. "Now I know why you can't stay away from her. She likes you and you like her back. Nice."

I gasped. "Let's talk later, love." I replied and bring back my phone in my pocket.

Lumipas ang ilang minuto ay lumabas na rin si Ylona galing sa banyo. Naka-black shorts ito na isang dangkal ang taas sa tuhod at naka-statement shirt din ito na kulay black na maluwang sa kaniya.

"Done checking me out?"

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Tumabi ito sa akin habang pinapatuyo ang kaniyang buhok gamit ang blower ko.

"20 years isn't that long, right?" Bigla niyang tanong sa akin. "Being imprisoned for 20 years is fucking awful. Makakayanan ko kaya?" She bitterly laugh.

Napangisi ako dahil sa sinabi niya. "You know I won't let you imprisoned. Trust me. I got you."

"Shit! Ang sweet mo talaga... parang gusto ko na lang mang-agaw." Asar niya sa akin bago inayos ang blower ko.

Nakita kong muli ang pag-ilaw ng phone ni Ylona at pangalan ulit ni Alexa ang nasa screen. Bago niya makuha 'yon ay nakuha ko na at agad akong tumakbo palabas ng kwarto.

"Give me that fucking phone, Harwell!" Sigaw nito nang makalabas ako ng kwarto.

Napatingin silang lahat sa akin. Agad ding lumabas si Morill sa kaniyang kwarto. Binato na naman ako nang masamang tingin ni Iana.

"You scumbag! I will fucking kill you, Harwell!" Sigaw pa niya na umalingawngaw sa buong bahay.

Tuluyan na akong nakalabas ng bahay nang maabutan niya ako. Tawa ako nang tawa habang inis na inis siya sa akin. Agad na binigay ko sa kaniya ang phone niya. Sinamaan niya ako ng tingin bago pinaghahampas sa katawan.

"Bwisit ka!" Singhal pa niya. She even rolled her eyes.

Inakbayan ko siya. At ginulo ang kaniyang buhok gamit ang isang kamay ko. "Napakasadista niyo talagang magkaibigan." Asik ko.

"Ehem,"

Sabay kaming napatingin ni Ylona sa tumikhim. Seryosong mukha ni Morill ang bumungad sa amin. Nakahalukipkip pa siya at seryosong nakatitig sa aming dalawa.

TrappedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant