Revelation II

1K 67 7
                                    

Revelation II

"Hindi ba't sinabi ko na 'wag kang magsasalita sa mga pulis?!" Nagtitimping wika ko kay Alonzo. "Pero anong ginawa mo? Nagbigay ka ng statement! You even lied to them!" I laughed because of annoyance. "Sinabi mong may nangyari sa inyo kahit wala naman! Oh ghad!"

I grabbed his hair, forcing him to looked at me. Napangisi na lang ako nang makitang puno na ng dugo ang mukha niya. His right eye almost shut off because of too much blood that were flowing on her right eyebrow. Ang katawan naman niya ay punong-puno na ng mga pasa, sugat, at dugo. Ang likod naman niya ay punong-puno na ng sugat dahil sa paglalatigo ko sa kaniya. Binitiwan ko ang buhok niya bago siya sinampal nang pagkalakas-lakas.

"Hindi lang 'yan ang aabutin mo kapag muli kang nagsalita," may halong pagbabanta sa boses ko. "Because once that your throat spill just one word, I'll make sure to involve your family in my wrath."

"W-walang hiya ka!" Asik niya kaya muli ko siyang sinampal. "H-huwag mong g-gagalawin ang pamilya ko!" Sigaw pa niya kahit namimilipit na siya sa sakit.

"Madali akong kausap, Alonzo." I smirked. Nilapit ko ang mukha ko sa tainga niya. "Pero kung hindi mo susundin ang sinabi ko, magkita-kita na lang tayo si impyerno." I whispered.

"B-bakit? K-kilala mo ba ang pamilya ko?" May halong yabang sa boses nito kaya napahalakhak ako.

"Hindi ako tanga, Alonzo. Huwag mo akong itulad sa 'yo." Sagot ko sa kaniya. "Pamilya pa ba ang turing mo sa kanila? Sa hirap ng buhay nila ngayon at sa hindi mo pagtulong sa kanila, sasabihin mong pamilya mo sila?"

"M-mahal ko sila!" Asik nito bago ako dinuraan sa mukha kaya kinuha ko ang baseball bat kay Julius at hinampas ng pagkalakas-lakas ang mga paa niya.

Malakas na sigaw ang umalingawngaw dito sa may abandonadong bodega kaya muli ko siyang hinampas sa mga paa. Nakatayo siya ngayon at nakatali ang mga paa't kamay niya sa magkabilang poste. Humakbang ako paatras dahil sumuka na naman siya ng dugo.

"Did you know that you have a little sister?" I asked him. Nakuha niya pang umiling sa sitwasyon niya. "Her name is Angelita." Pagbibigay alam ko sa kaniya. Natawa ako nang manlaki ang mga mata nito.

"M-may kapatid ako?" Inosenteng tanong niya sa akin.

"Oo, kaya sundin mo ang inuutos ko kung ayaw mong mamatay silang lahat." Sabi ko.

Iniwan ko na sila sa kamay ng magkapatid na Allard. Nakipagkita muna ako sa dalawang taong inutusan ko para magsalita sa mga pulis na nakita nila sila Gavin Alonzo at Ella Naranjo na pumasok sa isang VIP room at sila ang huling pumasok doon. Binayaran ko na sila at inutusan na magpakalayo-layo na.

Dumiretso ako sa bahay na tinutuluyan ko. Nagulat pa ako nang bumungad sa akin si Iana sa may pinto at pinagbuksan ako. Nangunot pa ang noo niya nang makita ang talsik ng mga dugo sa damit ko. Mabilis niya akong pinapasok at pinaupo sa sofa.

She folded her arms in front of her chest. "Who's your target?" Diretso niyang tanong sa akin.

"Si Gavin," tamad kong sagot sa kaniya. "'Yung boyfriend nung Ella."

"Did you kill him?" She continue asking.

I shook my head. "No," maikling sagot ko. "Makukulong pa siya dahil gumagamit siya ng drugs at nag-su-supply din. Hahayaan ko na lang siya na magdusa sa presinto."

Tumango siya at tumabi sa akin. "I killed Timothy Areno," sabi niya na ipinagtaka ko.

"Ano na namang rason mo?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya. "Katulad din ba kay Franco Aguirre? Ano? Muntikan ka na namang halayin?" Dire-diretso kong sambit sa kaniya na ikinatango niya.

TrappedWhere stories live. Discover now