Kabanata 13

1.5K 98 29
                                    

Kabanata 13: Nemesis

"Officer Harwell, kumusta naman ang kasong hinahandle mo ngayon?" Tanong ni Lieutenant Seriz sa kabilang linya.

Nandito ako ngayon sa bahay ng batang babaeng natagpuan ko sa palayan na nagbigay ng papel sa akin. Sa palayan ako dinala ng mga paa ko at nagpalipas ng ilang minuto bago ako matagpuan ni Angelita at pinatuloy muna sa bahay nila.

"Complicated. Masyadong magaling ang killer. Hanggang ngayon ay kulang-kulang pa rin ang nakukuha naming ebidensya." Tapat kong sagot.

Narinig ko itong tumawa. "Gusto mo na bang umuwi dito?" Tanong niya.

"Pwede po ba?" Biro ko.

"Syempre, hindi." Muli na naman itong tumawa kaya natawa na rin ako.

"Lieutenant, bakit nga pala ako ang pinapunta niyo rito?" I asked, curious.

"May tiwala kasi ako sa 'yo, Officer Harwell. Alam kong hindi mo pababayaan ang isang kaso hanggang hindi mo nahahanap ang salarin." Sagot nito. "O siya, may aasikasuhin pa kami. Mag-ingat ka diyan. 'Wag sanang dumating ang oras na malamig na ang katawan mong umuwi rito." Sabi pa niya bago pinatay ang tawag.

"Ate," tawag sa akin ni Angelita.

I raised my brows. "Bakit?"

"Hanggang ngayon po ba ay hindi niyo pa rin nahahanap ang mamamatay tao?" Tanong niya na ikinailing ko.

Mabagal kong ginulo ang buhok nito. "Hindi pa sa ngayon. Pero dadating din tayo diyan." Nakangiting sambit ko. "At kapag nahuli ko na ang mamamatay tao na 'yon, sisiguraduhin kong mabubulok siya sa bilangguan."

"Ate, gusto ko pong maging kagaya niyo! Gusto ko pong maging pulis!" Magiliw na sambit nito bago ngumiti. "Gusto ko pong manghuli ng masasamang tao."

I smiled. "Kaya mag-aral ka nang mabuti. Pangako, kapag naging pulis ka na, babalik ako rito." Wika ko na mas lalong ikinangiti niya.

With the thought of Angelita reached her dream and become a Police Officer makes me smile.

"Sus! Ang sabi mo sa amin ng inay mo ay gusto mong maging doktor tapos ngayon, pulis naman." Sambit ng itay ni Angelita na ikinatawa namin.

"Itay, buo na po ang pasya ko. Gusto ko pong maging isang pulis." Determinadong sambit ni Angelita.

Buti pa itong batang 'to, alam na kung anong gusto niyang kunin kapag laki niya. Ako no'ng kaedad ko siya, nasa bahay lang ako at nanonood ng barbie. Geez. Barbie and the Diamond Castle at Barbie as the Princess and a Pauper pa ang paborito ko no'n.

Nagpalipas muna ako ng ilang oras dito. Nakipagkwentuhan din sa akin ang mga magulang ni Angelita. Nasabi ko rin sa kanila ang tungkol sa kaso na hinahawakan ko. Nababahala na rin sila na baka sila na ang sunod na patayin. Kaya ang sabi ko sa kanila, hanggang buhay pa kami, hindi kami titigil na hanapin ang mamamatay tao.

"Angelita! Berting! Magmeryenda na tayo!" Sigaw ni Aling Linda. May hawak itong tray na may lamang tinapay at tatlong basong kape. "Oh hija, kumuha ka na ng tinapay mo."

"Salamat po." Napayuko ako nang bahagya bago kumuha ng tinapay.

Dumating na rin ang mag-ama na galing sa kakahuyan para kumuha ng panggatong nila. Naghugas muna sila bago sila kumuha ng tinapay. Kumuha naman si Angelita ng isang pitchel ng tubig.

"Kape, hija." Alok ni Aling Linda.

Tumango ako at inabot ang kape. Hinipan ko muna 'yon bago sumipsip. Binaba ko agad ang tasa ng kape at napailing na lang. Tang ina, ang tapang!

TrappedWhere stories live. Discover now