one

22 5 0
                                    

"Hoy! Akin na 'yang libro ko!"

Umagang-umaga, may nagtatakbuhan na sa hallway at mukhang galing pa sa second floor ang habulan. Bawal kaya ang maghabulan, hindi ba nila alam iyon?

Paakyat pa lang ako ng building pero mukhang matatagalan pa ako.

"Akin na sabi! Ay—!"

Hindi ako naka-iwas agad nang makitang may lumilipad pababa ng hagdan papunta sa direksyon ko. Masyadong mabilis ang nangyari. Sa sobrang bilis ay nakita ko na lang ang sarili kong naka-upo sa sahig habang may nakasubsob sa sikmura ko na lalaki.

Gago 'to.

Binatukan ko ang lalaki sa harap ko saka tinulak ito sa gilid ko. Namumula pa ang mukha ng lalaki, siguro natuwa kasi nakadama ng babae. Makakasipa ata ako ng tao ngayon.

Tumayo ako saka nagpagpag ng palda kong hanggang ilalim ng tuhod ang haba. Itim pa naman ang kulay ng palda ng school kaya kitang-kita 'yong alikabok na dumikit. Gusto kong sipain itong manyakis na 'to pero hindi ko ginawa, lalo na no'ng nagreklamo siyang masakit ang sakong.

"Aray, ang sakit. Tulungan mo ko," dumilat ito saka humawak sa binti ko.

Sisipain ko talaga to. "Hindi ko kasalanang tanga ka," sagot ko rito at inalis ang kamay niya sa binti ko. Marami-rami na rin ang nang-uusisa sa nangyayari kaya gustung-gusto ko na siyang iwan dito.

"Sige na, please?" Bumangon siya sa pagkakahiga.

Gusto kong sipain na lang 'to papuntang clinic pero hindi ko naman kaya iyon. Siguro para dagdagan ko na lang sakit sa katawan niya kasi nakakairita siya sa paningin. Mas maraming sipa, mas matagal sa clinic. "Kaya mo na 'yan," sagot ko sa kaniya at iniwan siya roon.

Alam na ngang bawal tumakbo sa hagdanan, makikipaghabulan pa. Kasalanan naman niyang tanga siya. Umagang-umaga, sinisira niya araw ko.

"Matapos mong sumaya sa akin kagabi, iiwanan mo na ako?"

Gusto kong tumawa sa sinabi ng gago. Anong sumaya? Sumaya ba ako kagabi? Tapos anong kagabi? Kasama ko ba siya kagabi? Baka gusto niyang hindi siya umabot mamayang gabi? Ayos sana kung ako lang ang nakarinig sa sinabi niya pero hindi. Ang daming nanonood sa amin. Gan'to ba siya kadesperado sa atensyon?

Kasalanan niya kung bakit masakit ang sakong niya. Huwag niya akong idadamay sa katangahan niya. Nakakainis, aba.

Bumalik ako sa tabi niya. "Saan 'yong masakit?" tanong ko. Tinuro niya naman ang kaliwang paa niya kaya agad kong sinipa iyon. Napasigaw siya sakit. "Masakit, ano?"

Naiiyak siyang tumingin sa akin. "Masakit na nga puso ko, daragdagan mo pa," at ngumuso ito. Paano nasama ang puso niya rito?

Inabot ko na lang ang kamay ko rito para tulungan siya at baka magbago pa isip ko. Sa ospital ko pa siya madala. Kawawa naman siya. Tutal nasaktan ko naman na siya—gusto ko pa sanang dagdagan sakit niya sa katawan—may dahilan na ako para dalhin siya sa clinic.

Inabot niya ang kamay ko saka tumayo. Ngayon ko lang napansin na ang laki niya palang tao. Hanggang balikat niya lang ako tapos kung umakto sa harap ko parang batang paslit? Kung itulak ko kaya 'to sa sahig?

Umakbay siya sa akin para sa suporta. Pero parang gusto niyang mamatay nang maaga dahil sa paraan ng pag-akbay niya sa 'kin. Pinipisil niya pa ang braso ko kung saan nakaladlad ang kamay niyang pinang-akbay sa 'kin. Kakasuhan ko 'to ng sexual harassment.

Pa-ika-ika pa siyang maglakad kaya iritang-irita ako sa daan. Tapos kung umakbay, parang binigay niya na lahat ng bigat ng katawan niya sa 'kin. Ang daldal pa. Pinerwisyo na nga umaga ko, pati pa tenga ko.

"Anong pangalan mo? Grade? Section? Alam mo bang gwapo ako? Sabi 'yon ni Mama ko! Nakakaproud nga kasi, araw-araw niyang sinasabi iyon sa 'kin. Taas tuloy ng confidence ko," daldal niya.

Malalim ang boses niya, kabaliktaran nang sobrang taas niyang energy.

"Hindi ka ba naaawa sa 'kin kasi natapilok ako sa hagdan?"

"Sadyang tanga ka lang," sagot ko sa kaniya. Bakit ako maaawa sa kaniya? Mukha bang kaawa-awa ang lagay niya ngayon? Natapilok lang naman siya, hindi siya napilay. Mamamatay ba siya sa tapilok? O gusto niyang patayin ko siya?

"Ang harsh, hindi mo na ba ako mahal?" at nilagay pa ang libreng kamay sa dibdib niya at umaktong nasasaktan.

Siniko ko siya sa tagiliran niya sa sobrang walang sense nang pinagsasabi niya. Habang tumatagal na kasama ko siya, nawawalan ako sa kabaitan.

"Bakit ba ang hilig mong saktan ako? Ganyan ka ba talaga kapanakit? Sakit-sakit na ng puso ko, oh," reklamo niya at ngumuso sa akin.

"Tanggalin natin puso mo para wala nang sumakit sayo," inis kong sagot sa kaniya pero tumawa lang siya. Mukha ba akong nagpapatawa?

"Oh, tapos? Ikaw na mag-aalaga ng puso ko, gano'n? Sige, okay lang basta ikaw," dugtong nito at muling tumawa.

Bakit ba ang feeling close nito sa akin? Kilala ko ba 'to? Ngayon ko nga lang nakita 'to sa school, e. Tapos pineperwisyo pa ako. Wala ba siya sa tamang pag-iisip?

"Alam mo bang sa sobrang gwapo ko, babae na nanliligaw sa 'kin? Isa ka ba sa magiging manliligaw ko?"

Dumapo ang tingin ko sa mukha niya. "Baka magbilang na lang ako ng bituin kaysa ligawan ka," seryosong sagot ko sa kaniya. Oo, gwapo siya pero ang pangit niya. Masyado siyang mahangin, ang pangit. Sobra.

"Aysus, in denial pa. Sabihin mo, crush mo rin ako," at inipit ako sa braso niya.

"Putangina, hindi ka ba titigil?" singhal ko sa kaniya at huminto sa paglalakad. Nawala ang ngisi sa mukha niya. "Tinutulungan na nga kitang makapunta sa clinic dahil sa katangahan mo tapos kung makadikit ka sa akin feeling mo close tayo? Kilala ba kita? Sino ka ba? Putangina ka ba?" Inalis ko ang braso niyang naka-akbay sa akin at lumayo sa kaniya. "Tapos ang kapal pa ng mukha mong lumingkis sa akin na akala mo magkakilala tayo? Tanga, nakakadiri," at saka iniwan siya roon.

Naiinis ako, puta. Maliban sa late na ako sa klase, sira na rin ang mood ko sa pinaggaga-gawa no'ng gago na 'yon. Hindi nga ako mahawakan ng mga kaklase ko tapos siya pa na hindi ko kilala? Ha! Gago ba siya?!

Tumambay na lang ako sa isa sa mga nakakalat na bench sa school para magpalipas ng oras. Kung may makakita mang teacher sa akin, idadahilan ko na lang na pinalabas ako.

Natapos ang ang unang klase na nakatambay pa rin ako sa bench. Walang dumadaan na teacher kaya naisipan kong 'wag na lang pumasok buong araw. Yey, cutting.

✧ ✧ ✧

author's note:

expect errors. ain't fan of proofreading. prolly revise this when finished—if ever.

wish me luck.

untitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon