nine

9 4 0
                                    

"Gagi, Kiel, nakakatakot 'yong ginawa no'ng crush mo," at umiling-iling.

Nanlalaki ang matang tumingin ako sa kaniya. "Paano mo nalaman?" nagpapanic kong tanong sa kaniya. Kapag kumalat 'tong balita sa club, paniguradong aasarin nila! Tapos iba-blackmail ako gamit si Miks!

HINDIIIIIIIIIII!

Umikot ang tingin niya sa paligid bago bumalik ang tingin sa akin. "Masyadong halata, Kiel. Iwas ka sa babae, unless kilala mo talaga dahil ka-member mo sa iisang club o kaklase mo. Hindi 'yong nakilala mo lang kung saan," sagot niya at ininom ang tubig na binili niya para sa kaniya. Hindi na 'yong kay Miks.

"Pero hindi ko naman siya nakilala kung saan lang! Sinalo niya ako no'ng nahulog ako sa daan!" reklamo ko sa kaniya. "Tapos naramdaman ko na lang din na nahulog puso ko sa kaniya," arte ko at kumapit sa dibdib ko kung nasaang banda ang puso. "Para siyang anghel na dumating sa buhay ko," at tinaas ang nakakuyom kong kamao sa hangin.

"Anghel ba 'yon?"

Sumama ang tingin ko kay Ross. "Anghel siya kasi sabi ko!" angil ko sa kaniya. "Subukan mong kumontra! Tatanggalan kita role!" banta ko sa kaniya kaya napataas siya ng dalawa niyang kamay.

"Nagtatanong lang naman ako, e!"

Inirapan ko siya. "Tsun-tsun lang talaga siya. Pero sobrang cute niya, kinikilig ako," at niyakap ang sarili.

Nawiweirduhang tumingin sa akin si Ross. "Seryoso ka ba d'yan? Naku-cute-an ka sa kaniya?"

"Sinong hindi?" balik kong tanong sa kaniya.

"Ako."

"Ross naman, eee!" atungal ko sa kaniya at inalog-alog siya sa balikat. Bakit hindi niya marealise na sobrang cute ni Michaella? Ah! "Hindi mo kasi siya nakasama nang mas matagal sa akin kaya hindi mo alam," inirapan ko siya bago ko binitiwan ang kwelyo niya.

Nasa canteen pa rin kami hanggang ngayon. Naghihintay sa ibang kasama namin. Nauna lang talaga kami para magreserba ng mesa—hindi, tumakas talaga kami sa rehearsal kasi nagwawala na naman si VP Eliot sa sobrang gulo. Oo, sobrang gulo ko.

"Huwag ka na lang maingay tungkol kay Miks, ha! Hindi ko babayaran utang ko sa 'yo kapag nagsalita ka tungkol sa kaniya," nginitian ko siya nang malawak.

Napangiwi si Ross sa itsura ko. "Oo na, 'tol. Nakakatakot ka na, e,"

Nagthumbs-up ako sa kaniya. "Best friends naman tayo, 'di ba?"

"Bat hindi mo itanong yan kay Michaella?"

Sumama tingin ko sa kaniya. "Hindi pwedebg best friends lang kami! Masyadong masakit! Dapat ultra mega super duper best friends kami!"

Napanganga siya sa sinabi ko. "So, mas pipiliin mo siya kaysa sa akin kapag parehas kaming nakita mong nalulunod?" malungkot ang boses niiya at puno ng pagkadismaya.

Tinapik ko siya sa balikat at nginitian. "Huwag mo nang alamin," at tinapik ulit ang balikat niya.

"Kiel, walang ganyanan! 'Di ba sabi mo best friends tayo? Kielll—!"

Napabalikwas kami parehas ni Ross nang may humampas sa mesa namin.

"Tumakas na naman kayo!"

Sabay kaming napaingit ni Ross sa narinig at kung kaninong boses iyon.

"Siya may pakana!" turo sa akin ni Ross.

Nanlaki ang tingin ko sa kaniya. Taksil! Hindi na kita best friend! Tumingin ako kay VP Eliot. "Hindi kami tumakas!" palusot ko na alam kong hindi gagana. Pero syempre try and try until you die.

Yumuko siya papalapit sa amin at taas ang kilay na tinitigan kami. "Pero bakit wala kayo sa rehearsal kanina?" at sinuyod kami ng tingin na parang sinusukat niya kung may natitira pa siyang pasensya para sa amin at hayaang mabuhay sa mundong ibabaw.

"Nagutom kami kaya pumunta kami rito ni Ross," sagot ko sa kaniya at ngumusong umiwas ng tingin.

"Tumakas pa rin kayo."

"Hindi, umalis lang kami. Hindi iyon takas."

"Umalis kayo nang walang paalam kaya tumakas pa rin kayo."

"Hindi, nagpaalam ako kaya hindi iyon takas."

"Kanino ka nagpaalam?"

"Sa sarili ko."

"KIELLLLLL!" napasigaw siya sa inis.

Naubos ko na ata pasensya niya. O matagal ko nang naubos? Agad akong tumayo at hinila patakbo palayo roon si Ross. Baka kapag nagtagal pa ako roon, kainin na kami nang buhay ni VP Eliot sa galit niya. Nakakatakot kaya.

"Gago ka, dinamay mo na naman ako," angil sa akin ni Ross nang makalayo na kami sa canteen.

"Asus, gusto mo rin naman," balik ko sa kaniya at umupo sa kalapit ng bench.

Umupo naman siya sa tabi ko at tumingala. "Ba't naman ako aamin?"

Nagtatakhang tumingin ako sa kaniya. "Ha? Anong aamin? Aamin ka kay VP Eliot?"

Namumulang bumalikwas naman siya sa akin. "A-anong aamin kay Eliot?!"

"Ano 'yong sinasabi mong "ba't naman ako aamin?" kanina?"

"Ang tinutukoy ko doon e 'yong ano, 'yong gusto ko rin naman na madamay mo," sagot niya at umiwas ng tingin.

Bahagya ko siyang siniko at nginisihan. "Yiee, umamin din," asar ko sa kaniya na dahilan kung bakit nakatanggap ako ng sipa galing sa kaniya. "Aray ko naman!" angil ko sa kaniya at pinagpag ang parte kung saan niya ako sinipa.

"Tangina mo, Kiel," malutong niyang mura habang nakatalikod sa 'kin.

Tinawanan ko lang siya. Halata namang gusto niya si VP Eliot, napaka-indenial lang talaga ng kupal.


untitledМесто, где живут истории. Откройте их для себя