eleven

6 3 0
                                    

"Roooooooss," iyak ko sa kaniya habang nakakapit sa braso niya at hinihimas ang pwet ko. "Bakit ako lang? Bakit ako laaaaang?!" iyak ko ulit kasi iyakin ako at nilapit ang mukha sa kaniya.

Tinulak niya ang mukha ko palayo habang nakangiwi sa akin. Sawa na ba siya sa 'kin???? Hindi niya na ba ako mahal???? Roooooooss, 'wag mo ko iwaaaaaaan.

"Ang pangit nang tunog ng iyak mo. Para kang baboy na kinakatay," at lalong ngumiwi nang lumakas ang iyak ko.

Hindi niya na ako mahaaaaaaal. Ross huhuhuhuhu. "Dapat pinalo ka rin sa pwet ni Sec. Ramos, e! Sobrang unfair!" at umiyak ulit. "Ang sakit kaya ng pwet ko! May sa demonyo ata kamay niya, e," at hinimas ang pisngi ng pwet ko.

"Ehem."

"Ah!" hiyaw ko nang marinig ang pamilyar na boses ni Sec. Ramos. Nilingon ko siya. "Hmp!" at madramang binalik ang tingin sa dinaraanan ko. Lagi na lang nila ako sinasakan nang ganito. Huhuhuhu, hindi na ba sila naaawa sa akin? Ganyan na ba sila kawalang puso sa akin.

"Pasaway ka kasi kaya ka napapalo," sermon sa akin ni Ross.

Nginusuan ko siya. "Seventeen na ako, Ross! Seventeen! Bakit pa ako papaluin?"

"Kasi nga pasaway ka," sagot niya at kinurot ako sa tagiliran. Magsasalita pa sana ako kaso inunahan niya ako. "Ano? Hindi mo pa rin gets?"

"Hmp."

May point naman si Ross, e. Mapride lang ako at ayokong aminin iyong sinabi niya. AHAHAHAHA!

Pagpasok ko ng Drama Club, sinalubong ako agad ni VP Eliot nang nakataas ang kilay. "Welcome back, Mr. President!" sarkastikong bati niya sa akin at pinagkrus ang mga braso.

Nginusuan ko siya. Hindi ko naman ginusto maging president, e. Mapilit lang sila at pinagka-isahan akong iboto. Hindi naman ako leader type. Isang hamak na estudyante lamang ako—mali. Isang hamak na gwapong estudyante lamang ako.

"Napagplanuhan na namin kung anong piece ang gagawin natin. Common play, probably you won't like it because you turned down this piece last year," paliwanag niya.

Turned down last year? Teka. Nanlaki ang mata ko nang maalala ang sinasabi niya. "'Wag mong sabihing Romeo and Juliet ang napili niyo!?"

Tumango si VP Eliot sa akin. "At ikaw ang male lead."

NOOOOOOOOOO!

"Bakit hindi niyo muna ako tinanong tungkol d'yan?" naiiyak na tanong ko sa kaniya. "Ako ang nakasalalay dito, VP Eliot," at inalog-alog ang balikat niya.

"Wala ka kanina no'ng pinag-usapan namin 'yong plano, e. So basically, it's your fault," sagot niya at inalis ang kamay ko sa balikat niya. "At saka parusa mo 'yan sa pagtakas mo kanina." Ngumisi siya.

"Hindi ako papayag!" reklamo ko sa kaniya.

"Papayag ka."

"Hindi!"

"Papayag."

"Hin—" nahinto ako nang sumingit si Irene sa usapan namin.

"Michaella." Nakatingin lang sa Irene sa akin nang sabihin niya iyon. Nanlaki ang mata ko nang marealize ang sinabi niya.

AAAAAAAAHHHHHHHH!

Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kaniya at tinakpan ang bibig niya nang makitang magsasalita ulit siya. "Shhhh! 'Wag kang maingay tungkol kay Miks! Gagamiting pamblackmail ni VP Eliot sa akin si Miks!" bulong ko sa kaniya at nilingon si VP Eliot na nawi-weirduhan sa amin. Tinanggal ko kaagad ang kamay ko sa bibig ni Irene.

Tumango siya sa akin at bumulong pabalik. "Basta papayag ka sa piece na napili namin."

Napangiwi ako sa kaniya. Hindi nga si VP Eliot ang mamba-blackmail sa akin tungkol kay Miks. Pero si Irene naman ngayon. Mas ayos na rin 'yong kaysa kay VP Eliot, paniguradong kung ano-anong pamba-blackmail ang gagawin niya sa akin. Nakakatakot pa naman siya.

Tumango na lang ako sa kaniya kahit labag sa loob ko pero ano bang magagawa ko? Madadamay si Miks dito. "Oo na, basta 'wag kang maingay tungkol kay Miks." Napakamot ako sa batak ko. Ah bahala na. Humarap ako kay VP Eliot.

"Ano? Payag ka na?"

Tinanguan ko na lang siya. Magaling naman ako. Sobrang galing.

untitledWhere stories live. Discover now